CHAPTER 69

41 1 0
                                    


Austrias pov

"Handa na ba kayong lumaya??",napapitlag ako sa boses na yon kaya nag mulat ako ng mata  at saktong sa kanya tumama, malaki ang ngiti, sobrang laki, nasa likod nito ang dalawang pulis,

"L-lumaya??",tinig ni omel

"Oo! Nag desisyon na ang presidente at gusto nyang lumaya kayo",

"Talaga?? Wehh?? Ngayon na ba labas namin?",tanong ni sunny ngumiti ito lalo

"Oo, pero sa isang condition",natigilan ang apat, ako naman ay nakaupo at nakikinig lang

"A-anong condition??",tanong ni solely

"May condition pa??",ngiwing ani ni mercy

"Kailangan nyong pagsilbihan ang batas ng libre bilang kaukulang parusa sa inyo",napatayo kaming pare pareho at nagkatinginan pa bago tumingin sa kanya

"Ano??",gulat na tanong ko

"Dais-"

"Jewer",simangot ko pero imbes na malungkot ay natawa ito,

"Dadalhin ko kayo sa quarters at don ay manunumpa sa ilalim ng batas, jewer pag sisilbihan nyo ang batas",

"Ng libre!?",ani ni mercy

"Hmmm! Ng libre!",

"So it means??....walang sweldo or allowance ganun?", ani ni solely

"Yup! Isipin nyong kabayaran yon sa paglabag nyo sa batas",tatango tango nyang sambit, hindi kami nakapag salita
"So?? Let's go? Inaantay na kayo ng head",wala kaming nagawa dahil pare parehong gulat, naglakad kami at napahinto ng ipwesto ng pulis na ito ang akmang poposasan ako

"Teka! Jonathan?? Ano at poposasan mo sila??",takang tanong ni general

"Oo nga naman!! Sa quarters lang naman ang punta! Saka kaya na sila",asik nung isang lalaki na sobrang daldal, minsan sya yung nagdadala ng pagkain samin,

"A-ahh!! P-pasensya na",ani nito at ibinalik ang posas

"Tch!",singhal ko dito, kaya napatingin sakin umismid ako, saka naglakad ako ang nasa gitna at yung apat naman ay medyo nasa likod ko at magkabilaan, si general ay nasa gilid ko at medyo una una sakin yung dalawang pulis na lalaki ay sa likod,

"Masaya ako at makakalaya kayo",saad nito, hindi ako umimik
"Kahit na marami akong kasalanan sa kanya pinagbigyan nya ang hiling ko na makalaya ka at magkaron ng maayos ayos na buhay, paniguradong matutuwa ng husto si erlyn",saad nya pa hindi pa rin ako umimik

"Ah! General?? Susuot din ba kami nung kagaya nun!?", turo sa mga pulis na nasa tabi at nakasulyap samin

"O-",

"Ayokong magsuot nyan!",asik ko agad, masyado kasing corny ang design isa pa nakita ko ang uniform ng pulis na babae! Nakapalda!

"Hahahaha sabi na eh! Naku general magkakapoblema tayo sa susuotin!",ani ni omel

"Ayaw kasi nila ng uniform n-",

"Shut up! Solely!",asik ni sunny, natawa si general at sumulyap sakin

"Ayus lang naman kung hindi kung...papayag ang head",

'gugustuhin kong makulong kesa magsuot ng palda! Tsk!',






Mercy pov

Nang makarating sa patutunguhan ay agad naming nakita ang tatlong matanda na nakaupo sa isang mahabang mesa at may mga nakatalay talay na upuan,

"Police chief superintendent marcial luchavez",saad nung tatlo, umupo kami kagaya ng sinabi ni general

"Im police director Vincent Sebastien isang police major general",pagpapakilala ng isa na nasa kaliwa

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now