CHAPTER 52

39 0 0
                                    


Erlyn pov

Napatayo ako ng matapos ang klase, isang linggo na ako absent at nahuhuli na ako sa lesson kaya naman, naisipan kong pumasok tutal hindi rin magugustuhan ni ate ang ginagawa ko sa sarili, ko napayuko ako ng maginit ang mata ko, kaya pinigilan ko yon, napatingin ako sa tabi ko, wala ron si arnold

"Ang bilis naman tumayo",saad ko, ni hindi ako inaya makasabay, nagbuntong hininga ako napapansin ko na parang hindi ako iniimikan ni arnold pero ayos lang ayaw ko rin makipag usap, naiiyak ako kapag nag sasalita, tumayo ako at saka naghanda na para umuwi susunduin ako ni dad, simula ng mawala si ate bumawi si dad kagaya ng sinabi nya, kasabay non ay ang pag hahanap nya kay ate

'kahit man lang yung bangkay ni ate makita ko, kahit masakit basta alam ko na mabibigyan sya ng maayos na libing',

Napalunok ako saka ako humakbang papalabas, napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng kaba, kaya binaliwala ko na lang, hawak hawak ang kwintas na binili mismo ni ate sakin hanggang sa makababa ako sa parking lot, napahinto ako ng makarinig akong boses

"Mauna ka na nga sofia! Aantayin ko p-",

"Sino? Yung erlyn na yon? Franco! Sa totoo lang pwede mo na syang layuan tutal tapos na ang plano natin at ang misyon mo na binigay ni dad! Don't tell m-",

"Enough!! Hindi ganon yon!! Baka mag hinala sya kapag bigla akong lumayo sa kanya! At bigla nyang malaman!! General ang daddy non! Pwede tayong masuplong kapag nalaman nya!",boses ni arnold, kumunot ang noo ko, saka lumapit ng dahan dahan sa gawi ng boses, sumilip ako ron at nakita ko ron na nag uusap si arnold at ang babae

"Really?? O baka naman bumabaliktad ka na!!?? Look patay na si queen? Tapos na ang pang gagamit mo sa kapatid nya!! At wala syang magagawa ron! Dahil hindi rin sya paniniwalaan at wala syang ebidensya!!",saad ng babae, na animoy naiinis

"Look!! Sofia?? Wag mong bigyan ng kahulugan yo-",

"Wag bigyan ang alin ha!? Franco!!?",sigaw ng babae

'franco',

"Ginagamit ko si erlyn!! Sofia!! At isa pa wala pang bangkay na Lumalabas kaya kailangan pa rin natin si erlyn!! Baka mamaya nyan! Buhay pa si queen! Tapos na surprise tayo at hindi tayo nakatunog agad!",para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanginig ako bigla, kusang tumulo ang luha sa mata ko

'patay?? B-bakit?? Bakit parang gusto nilang p- hindi kaya!??',

Napatakip ako sa bibig ko ng marealize ang nasa utak ko, isa sila sa kaaway ni ate?? A-at?? At??

"E-erlyn", napatingin ako kay arnold ng magsalita ito, kita ang gulat sa mata nya, sunod sunod na tumulo ang luha sa mata ko at napaatras ng akmang lalapit si arnold

"I-ikaw??",turo ko sa kanya, bago tumingin dun sa babae, na blangko ang mukang nakatingin sakin
"S-sino k-ka b-ba talaga?",pilit kong pinakalma ang sarili, ng maramdaman ang galit, napakuyom ako ng hindi ito mag salita
"Sabihin mo!! Sino ka ba talaga!!! A-at bakit gustong gusto nyo na talagang mamatay ang ate ko!!",sigaw ko, tuloy ako sa pag atras,

"E-erlyn let me ex-",

"H-hindi ko kailangan nyan!! S-sino ka!! Sino ka!!?? At anong g-ginagamit?? Ha?? G-ginagamit mo ko?? P-para saan?? Para pabagsakin ang ate ko!! Ha!!!",gigil na sigaw ko, at umiyak ng umiyak, kumalabog ang sakit sa dibdib ko,

"Oo!!",saad ng babae napatingin ako dito, ngumisi ito

"Sofia!",

"Hindi sya si arnold!! Dahil sya si franco!! At oo ginagamit ka nya! Namin!!....para pabagsakin si queen! Masyado na kase syang humahadlang eh!",napakuyom ako

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now