CHAPTER 34

48 1 0
                                    


Franco/ arnold pov

Pinamamasdan ko sila queen at erlyn, na magkayakap sa kusina, sa nakikita ko ngayon hindi ako makapaniwala na para silang normal na magkadugo sa inaasta nila, at nagagawa ni erlyn na yumakap sa isang leader ng sindikato, pero?? Alam ba ni erlyn na leader ng sindikato si queen? Alam ba ni erlyn na mamamatay tayo si queen? Alam ba ni erlyn na itinuturing nyang pamilya at ate ay mga sindikato??Alam ba ni erlyn na numero unong sindikato si queen? Alam ba ni erlyn? May alam kaya sya!?? Sa nakikita ko ngayon para syang walang alam o ideya kung sino ang kayakap nya, nakikita ko ang saya at kapayapaan sa muka ni erlyn ngayong kayakap si queen, hindi kagaya ng itsura nya kapag nag kwekwento tungkol sa tunay nyang pamilya puro sakit at lungkot ang nakikita at nababasa ko sa mata nya, pero ngayon? Iba sobrang saya ng muka nya at para bang ayaw na nyang umalis sa bisig ni queen

"Ganyan ang dalawang yan, pag pasensyahan mo kung hindi ka makausap ni erlyn kagaya ng pag kausap nya sayo tuwing magkasama kayo", napatingin ako sa gawi ni omel na nakatingin rin pala sakin,
"Mas gusto ni erlyn na tuwing pupunta sya dito ay si queen ang lagi nyang kayakap o kaya naman lagi nyang kinukulit, kaya hindi ka nya mabigyan ng atensyon dahil andito si queen",dagdag pa nya, hindi ako umimik

"Ano ba talaga plano nyo franco?",agad na tanong ni mercy, umarko pataas ang kilay ko
"Parehas lang tayong masama dito kaya mas maganda kung hindi ka mag sisinungaling, isa pa? Walang alam si erlyn sa lahat masyado syang inosente kaya hindi nyo rin magagamit",dagdag nya, hindi pa rin ako umimik

'sa paraan nila ng pakikipag usap ngayon sakin, para bang normal lang at hindi kaaway nila ang nasa harap nila',

"Hindi mo naman siguro idadamay ang inosenteng babae dba?",patanong na ani ni sunny

"Oo nga naman! Bata ka pa lang nasa bahay ampunan ka na! At alam mo ang pakiramdam ng walang makapitan sa sarili mong pamilya, kagaya mo lang si erlyn, ang kapit na hinahanap nya ay kay queen nya nahanap kaya sana...wag nyo syang idamay",saad ni solely, napatingin ako kay erlyn na ngayon ay umiiyak na habang nakayakap kay queen, parang may bumara sa lalamunan ko at hindi makapagsalita

'shit! Franco! Wag kang padadala! Sa palabas nila!',

"Ate!? H-hindi m-mo naman a-ako iiwan dba!",biglang tanong ni erlyn kay queen, na natigilan,

"Bakit mo naman natanong?",

"Ate kase!....kapag n-nawala ka wala na rin akong kakampi",

"Hindi ako mawawala",saad ni queen at hinawi ang buhok ni erlyn sa muka,

"Promise mo yan ha!",yumakap uli si erlyn kay queen, nakita ko pa ang expression ni queen, paniguradong hindi nya mapapangako yon, lalo na at alam ko na bukod samin, marami syang kalaban na gusto syang pabagsakin

"Pangako",natigilan ako sa sinabi ni queen, ang reaction nya ay nag sasabi na gagawin talaga nya ang pangakong yon kay erlyn,

'pano mo nagagawang mangako? Ng walang kasiguraduhan?',








Erlyn pov

"Ate?? Kung??...b-bibigyan k-ka ng p-pagkakataon n-na?? M-mapatawad si dad?? Pa-patatawarin mo b-ba sya?",kinakabahang tanong ko, natigilan sya sa ginagawa sa computer, andito kami sa kwarto nya, nagpaalam ako kay dad na dito matutulog ngayong gabi, tutal pagkahatid namin kay arnold sa labas ng village ay bumalik kami dito nakahiga ako sa kama habang sya nasa harap ng computer nya

"Bakit mo naman natanong?",seryosong tanong nya,kaya nagbuntong hininga ako

"W-wala naman! N-naisip k-ko lang!...s-sabi k-kase sakin ni manang! N-na bago ka m-maging masaya k-kailangan mawala a-ang galit sa puso mo!",saad ko, malakas syang nagbuntong hininga at tinigil ang pag titipa ng keyboard ng computer bago humarap sakin, at blangko ang muka

The Hidden Daughter Of LuchavezOnde as histórias ganham vida. Descobre agora