Chapter 1: Spartan Dimatinag, Takbo!

214 9 1
                                    

Ikinulong na naman ng mga kapatid ang kaawa-awang si Spartan sa bodega

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Ikinulong na naman ng mga kapatid ang kaawa-awang si Spartan sa bodega. Mag-iisang oras na siyang naroon at kabadong-kabado na siya sa "surprise" na parusang ibibigay daw ng mga nakatatanda.

Pinag-iinitan na naman siya ng four evil brothers niya na sina Aries, Hades, Nero at Cicero dahil kaninang umaga, nahuli nila itong nagme-makeup ng patay sa funeral parlor na pag-aari ng kanilang Tita Cleopatra.

Tumakas din kasi siya sa pagsasanay ng boksing at arnis kaya mas uminit na naman ang ulo nila sa kanya. Sa kakatanong mula sa mga kapitbahay at mga kamag-anak natunton nila kaagad ito sa pwesto ng tiyahin na nasa kabilang bayan lamang pero kailangang tumawid sa ilog upang mapuntahan.

Sa kasamaang-palad, nahuli nila siya sa aktong paglalagay ng blush-on sa pisngi ng namayapang si Doña Facunda kaya halos kaladkarin na nila siya pauwi ng bahay. Kinahihiya nila ang kapatid na mahilig magpaganda ng mga taong sumakabilang-buhay na. Kung hindi lang dahil sa inang umaawat sa kanila, marahil ay naitakwil na nila si Spartan noon pa man.

Para sa kanila, hindi trabaho ng isang tunay na lalaki ang pagme-makeup. At mas lalong-lalo na hindi dapat gagawin ng mga tigasing "Dimatinag"!

Si Spartan ay nagmula sa pamilya na tanyag sa lugar bilang mahuhusay na aswang hunter. Lahat ng kalalakihan sa kanilang lahi ay pinagsasanay upang maging mandirigma kaya pati siya ay hindi rin nakaligtas. Panahon pa ng mga Kastila ay requirement na para sa kanila ang mag-training dahil kailangan nang mga tauhang lalaban sa mga aswang na naliligaw sa kanilang lugar.

Laganap kasi sa rehiyon ang napababalitang mga halimaw na nagdudulot ng panganib sa mga naroon kaya halos lahat ng lalaki sa probinsya nila ng Boh-Piz ay marunong ng self-defense. Noon ay paisa-isa lamang ang mga kaso ng pinaghihinalaang nabibiktima kaya mas mahinahon pa ang mga tao pero nitong nakaraang mga buwan, umabot na sa sampu ang mga napaslang. Gaya nang inaasahan, nawawala ang lamang-loob ng mga nasawi at ang dalawa ay buntis pa. Dahil sa magkakasunod na kaso, mas naging istrikto ang pag-eensayo sa mga aswang hunters, mapabata o may edad pa man.

Pinamumugaran man ng masasamang elemento ang lugar, hindi naman makaalis ang mga taong naroon dahil kadalasan ay salat sila sa pera at naroon ang kanilang pangkabuhayan katulad ng pagsasaka. Isa pang malungkot na dahilan ay napaliligiran sila ng mga bundok at tubig, at walang matinong mga daan kaya bihira lamang ang mga sasakyan doon. Kadalasan ay mga habal-habal na motorsiklo lamang ang lumilibot doon kaya pahirapan talaga ang pagbiyahe. Upang makaiwas na lang sa mababangis na mga aswang, nagtalaga na lang sila ng nagrorondang mga lalaki na bihasa sa pakikipaglaban bilang pagdepensa.

Isang bayani man ang tingin sa pagiging aswang hunter, kahit anong gawin ni Spartan ay hindi siya natutuwa sa paghabol at pagpatay ng mga aswang dahil "yucky" at "gross" daw. Makakita lang niya siya ng dugo ay para bang isusuka na niya ang lahat ng laman ng bituka at hihimatayin pa.

"Sa sobrang kaba ko, kakabagan na yata ako," aniya habang nginangatngat na ang mga kuko sa daliri nang dahil sa nerbiyos. Kamote at nilagang munggo pa naman ang inalmusal niya kanina kaya paniguradong umalsa na iyon sa kanyang tiyan. Ilang sandali lang ay naramdaman niya na napuno na nga ng hangin ang tiyan sa sobrang stress kaya napautot pa siya.

Aswang Hunters Series: SpartanМесто, где живут истории. Откройте их для себя