Chapter 29: Mga Rebelasyon

46 2 0
                                    

Kanina pa tinititigan ni Delilah ang cellphone.

Pinag-iisipan kasi niya kung tatawagan ba si Spartan upang mag-sorry at makipagbati o palilipasin muna ang buong araw. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kagabi pa siya aligaga at hindi mapakali kaya nais sana niyang kumustahin ang binata. Gusto man sanang kausapin ay nagdadalawang-isip naman siya sapagkat inaakala niya na marahil, galit pa ito sa kanya.

"Ano na kaya ang kalagayan niya?" naisip pa niya habang binabaling ang tingin sa mga kapwa estudyante na kasalukuyang papasok sa mga klase. "Nakauwi kaya siya nang maayos sa Cuh-Piz?"

"Sana, bumalik na siya sa akin at magkaayos na kami..."

Maya't maya ay naramdaman na lang niya na may tumakip sa kanyang mga mata. Sa pag-aakalang si Spartan ang nagbibiro ay napahagikgik pa siya at sabik na binati ito.

"Hay naku! Finally, hinihintay talaga kita-"

Nawala bigla ang kanyang ngiti nang magsalita ito at makilala ang tinig. Asang-asa pa naman siya na ang binatang iniibig ang masisilayan subalit iyon pala ay ang kinaiinisan.

"Ang lalim yata ng iniisip mo," sinabi nito malapit sa kanyang tainga. Imbis na kiligin ay nayamot pa siya kaya marahan na niyang tinanggal ang mga palad nito palayo sa mukha. Naaalibadbaran man ay pinilit pa rin niyang ngumiti upang hindi mapaghalatang may nalalaman sa ginawang kalokohan ni Samson.

"Medyo," matipid na tugon niya. Binuksan na niya ang laptop at nagsimulang mag-type ng report patungkol sa finance na nire-require ng kanyang professor.

"Same yata tayo ng topic na gagawan?" pag-uusisa naman nito kasabay ng pag-upo sa tabi niya. Ipinatong nito sa mesa ang sariling laptop upang sabay na sana silang gumawa ng assignment. "Ang hirap naman ng pinare-review niya. Absent pa naman yata ako noong na-discuss niya ang patungkol sa stock market."

Mabilis na nakatawag pansin kay Delilah ang dalang laptop ni Samson hindi lang dahil sa mamahalin iyon at magarbo, maging sa pagiging bago niyon. Alam niya ang ginagamit nito sapagkat magkatabi sila palagi sa bawat subject na magkaklase sila. Kapapalit lang nito noong isang buwan at ngayon ay mukhang ibang modelo na naman ang binili.

"Bago yata ang laptop mo, a," pasimpleng paninita ni Delilah. "Parang simula noong naging magkaklase tayo, pangtatlo na 'yan."

"Oo. Kahapon, nagpalit na ako," painosenteng deklarasyon naman ng inuusisa kahit na ang totoo ay may mas malalim na dahilan kung bakit nag-iba siya ng laptop. "Nasira na kasi 'yun nauna kaya napabili ako ng 'di oras."

"Oooh, sayang naman," pakikisama na lang ni Delilah sa paglilihim ni Samson. "Bakit hindi mo na lang pinagawa? Ang alam ko, hindi pa naman ganoon kaluma 'yun. Bagong model nga e. Sa tantya ko, two months ago lang noong na-launch ang model na 'yun."

"Hassle pa ang pagpapagawa," pagdadahilan naman ng binata. "And besides, we have money. Why should I waste my time for repair when I could easily buy a new one?"

"I see," patangu-tangong pagsang-ayon naman ng dalaga sa pagpapaliwanag nito. "Nasasayangan lang kasi ako. Ang alam ko pa naman, hindi bababa sa two hundred fifty thousand pesos 'yun laptop mo. Hmmm, ibigay mo na lang kaya sa akin? Ako na ang magpapa-repair at gagawin kong kasalitan nitong akin!"

"Hindi pwede!" mabilisang pagtanggi naman ng binata sa kahilingan niya sapagkat naitapon na nito ang nasabing gadget sa dagat upang hindi matunton. Iyon kasi ang ginamit upang maikalat sa social media ang mga litrato at video na kinasasangkutan ni Spartan kaya dinispatsa na.

"Awww, bakit?" pagtataka naman ni Delilah.

"Napapangitan at naiinis kasi ako sa laptop kaya hinagis ko na lang sa hagdanan para magkapira-piraso," namumutla at nanlalamig ang mga palad na pagpapalusot na lang nito kaysa humaba pa ang usapan. "Kabago-bago, nagma-malfunction na!"

Aswang Hunters Series: SpartanWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu