Chapter 33: It's Official

50 6 1
                                    

Marahan na gumanti ng halik si Spartan sa pinakamamahal na si Delilah. Kakaiba ang tuwa na nadarama niya sapagkat sa wakas, natupad na ang inaasam niya na maging tunay na nobya ito. Kung noon ay pagpapanggap lamang ang ginagawa nila upang maitaboy si Samson, ngayon ay batid niyang maipagmamalaki na niya sa publiko ang tunay nilang relasyon.

Nais man niyang magtagal pa ang memorable moment ay siya na mismo ang umawat sa sarili na magdilim ang diwa nang dahil sa tamis ng pag-ibig na kusang binibigay ng dalaga. Dahan-dahan na siyang lumayo at hinagkan sa noo ang kasintahan. Ilang sandali rin silang nagkatinginan na tila ba pareho silang nagulat sa nangyari.

"Naging mabilis yata ako masyado," pulang-pula ang mga pisnging nausal ni Delilah. Napatakip pa siya sa bibig at humagikgik nang mapagtantong siya ang nag-initiate ng first kiss kaya nagulat nang bongga ang boyfriend.

"Hindi naman," malambing na tugon naman ni Spartan. "Masayang-masaya nga ako kasi feeling ko, ako ang luckiest boyfriend in the universe. Malufet! Pakiramdam ko tuloy ay humiwalay ang kaluluwa ko noong i-kiss mo ako! I can't believe it, hahaha!"

"Ganoon ba?" Nagpi-pretty eyes na naitanong naman ng dalaga. Pabiro itong ngumuso at niyakap siya nang mahigpit. Inangat pa nito ang sarili at akmang magnanakaw pa sana ulit ng halik. "Pwedeng isa pa? Para maniwala ka na totoo ang kiss ko, mwehehe!"

"Huy, grabe siya! Baka may makakitang iba, maikalat ang video natin!" pagpapakipot pa ng tinutukso sa special request niya. Umaayaw man ay halatadong kaunting lambing na lang ay bibigay na talaga ito.

"Gusto mo naman, e!" pagbibiro pa lalo ng kanyang girlfriend. "Lambot ng lips mo, a! Kissable!"

"Ay!" Napahawak tuloy sa labi si Spartan at 'di nagtagal ay itinapal na ang palad upang hindi na mahagkan pa ni Delilah. "'Hard to get ang peg ko, Binatang Pilipino!"

"Hmph, pakipot pa more! Come here, Honeybunch! Kiss meh!"

"Ay! May pa-honey bunch pa ang peg! Baka masakal na ako ng tatay mo!" aligagang pagpigil na niya kahit deep inside ay kilig na kilig naman. Napa-sign of the cross pa siya na tila ba humihingi pa ng tulong sa kalangitan upang maisalba sa delubyo. Bahagya pa siyang nangilabot nang maalala ang pagbabanta ni Armageddon kapag nadala siya sa tukso.

"Sige na, Babe!" namimilog ang mga matang pagsusumamo pa rin ni Delilah. Nagpalingong-lingon pa ito upang masigurong walang ibang makakakita.

"Tayo lang naman ang nandito, isa lang..."

Maging si Spartan ay nagmanman kung may ibang mga tao o ibang nilalang na nasa paligid. Kinabahan pa siya nang may dumaan lang na pusa sapagkat nabahala siyang baka spy iyon ni Armageddon at isusumbong sila. Umupo pa iyon sa may harap ng kotse at pansamantalang nakiusyoso sa kanilang dalawa. Nakahinga siya nang maluwag nang makaamoy iyon ng isda na piniprito ng kapitbahay kaya umalis din kaagad.

"Sige na nga," pagpayag na niya nang makaalis ang hayop. "Isa lang, ha! Mabilisan lang!"

"Yehey!" tuwang-tuwa na napabulalas naman ni Delilah. Hinawakan siya nito sa braso at mabilis na hinatak patungo sa loob ng sasakyan. "Para siguradong walang istorbo, dito na lang natin i-celebrate ang second kiss natin!"

"'Kabado ako, Besh!" pakurap-kurap na pinagtapat ni Spartan nang makaupo na sa passenger's seat. Ipinatong pa niya ang nanlalamig na palad sa kamay ng dalaga upang iparamdam kung gaano siya kanerbiyos. "Feels mo ba? Parang yelo na ako sa sobrang kaba! Paano ba kita dapat i-kiss na hindi awkward?"

"Aba, malay ko!" nakataas ang isang kilay na nanuplada rin ang katabi sapagkat siya ay kabado rin dahil sa umaapaw na excitement. "Ikaw nga ang lalaki dapat alam mo ang gagawin!"

"'Di ko yata keribels! Whew!" Pinunasan niya ang butil-butil ng pawis na namumuo sa kanyang noo nang dahil sa stress. "Ramdam ko, mahihimatay na yata ako!

Aswang Hunters Series: SpartanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon