Chapter 32: Label: In a Relationship

33 2 0
                                    

"Lumayo ka muna kay Delilah!" mabilisang instruksyon ni Armageddon bago pa man nakapagpaliwanag ang pinagagalitan. "Hindi dapat marinig ng anak ko ang mga sasabihin ko sa iyo na hindi kaaya-aya!"

Napalunok ng makailang beses si Spartan nang dahil sa nerbiyos. Tunay nga naman na kung mahina-hina ang personalidad ng makakaharap ng ginoo, manghihina ang mga tuhod nito at magtatago pa. Kabado man ay inipon pa rin niya ang tapang upang klaruhin ang tunay na mga pangyayari.

"Opo," pagpayag naman niya. "Pupunta lang po ako sa may likod ng bahay."

Mabilis na kumapit si Delilah sa braso niya at tahimik na binigyan siya ng babala. Nangungusap ang mga mata nito na para bang nagsasabing mag-ingat at huwag paiinitin lalo ang ulo ng ama.

"Mag-uusap lang naman kami ni Sir," pabulong na sinabi niya sa dalaga na mas kinakabahan pa kaysa sa kanya sa maaring sabihin ng tatay. Kilala kasi nito ang ama na parang bulkan kung sumasabog sa oras na masagad ang pasensya.

May agam-agam man ay binitiwan na siya nito. Dali-dali naman siyang naglakad palabas ng tarangkahan at magtungo sa kalapit na bukid kung saan walang makakarinig sa usapan nilang dalawa.

"Pasensya na po sa paghihintay," puno ng pagpapakumbabang paghingi niya ng paumanhin habang nakatingin pa rin nang diretso sa nanlilisik na mga mata ni Armageddon. "Nais ko lang din po sanang iklaro na hindi ko tinanan si Delilah. Napadalaw lang po siya sa akin."

"Naiintindihan ko na siya nga ang nagpunta riyan pero ang issue rito, hindi mo siya pinauwi kaagad!" pangangatwiran nito sa dahilan kung bakit nagagalit. "Sinong matinong tatay ang matutuwang malaman na ilang araw na palang hindi umuuwi ang anak?"

Nanatiling tahimik si Spartan sapagkat tinitimbang din niya ang mga nararapat sabihin. May punto naman ang ama ni Delilah pero aminadong hindi niya kayang pauwiin mag-isa ang dalaga lalo na at posibleng may mga aswang pa na gumagala sa lugar.

"Siguro, gustong-gusto mo nga na nariyan siya!" paninimula nang ulanin siya ni Armageddon ng madugong panenermon. "Pagkatapos, maghohokage moves ka! Ganyan ang galawan niyong mga kabataan, masyadong mapusok!"

"Naku po! Hindi, Sir!" mariin na pagtanggi naman niya sa binibintang nito. "Gusto ko rin sana siyang pauwiin kahapon kaya lang ay nabalitaan ko na maselan pa ang lugar dahil sa mga napapabalitang aswang ambush. Kung nalaman ko lang kaagad na may nanggugulong mga halimaw pa ay ako mismo ang pipigil sa kanya na magpunta."

Napangiti pa si Spartan nang maalala ang ginawang pagtakas ni Delilah sa mga hunters na nasa checkpoint. Mali man ang ginawa nito, para sa kanya ay kamangha-mangha naman ang abilidad nito na hindi karaniwan sa isang heredera.

"Pero nakakabilib talaga ang anak niyo, nakarating pa rin sa Cuh-Piz kahit kahit na may mahigpit na mga bantay. Mala-action star po siya, sobrang husay sa car racing! Malufet to the highest level!"

"Malamang, mahusay nga kasi anak ko 'yan!" pagmamayabang naman ng ginoo habang pinipigil na magpakita ng tuwa sapagkat proud na proud naman siya sa kakayahan nito. "Napakagaling talaga!"

"Nemen, ramen!" pag-agree naman ni Spartan kasabay nang pagsaludo. "Siyang tunay, Boss!"

"Manang-mana talaga sa akin si Delilah, pati na rin si Barbarella sa pagiging palaban. Hindi sila basta-basta," pagmamalaki pa lalo nito sa buong mag-anak niya. "Nakuha naman nila ang beauty and charm mula sa aking misis. Napakaswerte ng mga mapapangasawa ng mga anak ko kasi ang ganda ng lahi namin."

"Totoo po 'yun!" pagpuri naman niya sa magandang katangian ng pamilyang Catacutan. Na-excite at nag-feeling pa tuloy siya bilang mapalad na lalaking magiging kabiyak ni Delilah. "Napakaswerte ko po kung mapapangasawa ko si beshie loves ko! Gustong-gusto ko nang matawag ka na 'Daddy'! Feeling family na me, hahaha!"

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now