Chapter 5: Ipis Tragedy

53 6 0
                                    

"H-Ha?" wala sa wisyong napabulalas na lang niya. Napakurap-kurap pa siya at nagtaka kung bakit sa lahat ng itatanong sa kanya, iyon pa. Pakiramdam tuloy niya ay mas tumaas ang lagnat nang dahil sa mapaghimasok na katanungan patungkol sa kanyang s*kswalidad.

"Sumagot ka!" nakataas ang isang kilay na pamimilit sa kanya ni Barbarella na tumugon. "Bakla ka ba? Boys din ba ang gusto mo? Yes or no and why?"

"Luh?" naguguluhang nasambit na lang niya habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang magkapatid na sabik na malaman ang kasagutan. "Bakit niyo naman po naitanong?"

"Basta, sumagot ka na lang!" may panggigigil na pangungulit pa rin sa kanya ng mala-amazonang babae kaya mas nahintakutan siya na baka dambahin siya nito at ihagis palabas ng bintana.

"A...e...hehehe...ano po...nakakahiya naman ito, parang Miss Universe Question and Answer portion," humahagikgik na parang bata at pulang-pula ang mga pisnging sinabi niya habang nakatitig kay Delilah.

"E ano nga ba talaga?" nauubos na ang pasensyang inusisa naman nito sa kanya.

Nakaawang ang mga labi na naghintay lang ang magkapatid sa kasagutan nito na maaring magpanalo o magpatalo sa kanilang pustahan.

"Hindi, besh," halos pabulong na sinambit niya na ikinatuwa naman nang labis ni Barbarella dahil gustong-gusto sana niya itong ipares sa kapatid na walang kainte-interes na magka-boyfriend.

"Sa tanong na 'Why?' Ang tugon ko riyan ay 'Why not?' Hindi ako bakla. Period."

"Sabi na nga ba e!" humahalakhak na napabulalas ni Barbarella habang nang-aasar na tinatapik-tapik ang braso ng bunso. "Paano niyan, sa akin na ang Tesla car mo!"

"E 'di sa 'yo na! Hmph!" nakasimangot na pagsuko niya kasabay ng pagkuha ng susi ng sasakyan mula sa drawer ng cabinet. "Ingatan mo, ha!"

Natalo man sa pustahan, sikretong natuwa naman si Delilah sa kasagutan ni Spartan. Kanina pa siya in denial na hindi ito type pero ang totoo ay instant crush na nga. Hindi niya alam kung bakit aminadong nasiyahan siya nang malamang hindi nga ito binabae. Kanina pa lamang na nakita niya ito sa ilalim ng ulan na naka-pink underwear lamang, iba na talaga ang karisma ng lalaki sa kanya. Medyo malamya man sa pagkilos at pananalita ay gentleman naman kaya alam niya deep in her heart na mabilis din itong makakasundo.

"Hehe, 'di ka pala beki," tahimik na pagdiriwang niya kahit nakuhanan pa man ng mamahaling kotse.

"May girlfriend kaya?" pagtatanong naman niya sa sarili.

"Sana wala. Kasi liligawan ko talaga itong lalaking ito!"

Na-i-imagine na nga niya na magka-holding hands sila atsaka inuukit ang mga pangalan nila na 'Spartan-Delilah' sa katawan ng punong mangga. Sa lakas ng imahinasyon niya, maging ang engagement, kasal at honeymoon ay narating na ng isipan.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagde-daydream na nagde-date sila under the moonlight nang bigla siyang magising sa katotohanan. Hindi niya inaasahan na maglalaho ang mga pangarap sa pamamag-asang tunay na lalaki nga si Spartan nang dahil sa isang sutil na insekto!

Mula sa siwang ng bintana ay mayroon palang nakalusot na itim at mabahong ipis na nag-aakalang isang butterfly. Nagsimula muna itong tumalon-talon sa mga cabinet hanggang sa dumapo sa may kisame. Maya't maya ay natipuhan nitong dumapo pababa, patungo sa boxer shorts ng lalaking mahilig sa kulay pink. Matulin itong nagtatakbo patungo sa kinabukasan ng mga Dimatinag dahil inakala nito na may hotdog at eggs sa loob.

"Ayyy!" pagtili ng makisig na si Spartan. Mas lalo siyang nagimbal nang maramdaman ang magagaspang na paa nito nang gumapang pa paitaas at nagsumiksik sa panloob.

"Waaah! Ipis! Hina-harass ako sa ng little roachie!"

Nakalimutan na niya ang pagkahilo at taas ng lagnat kaya mabilis siyang nakatayo. Pinagpapagpag niya ang pang-ibaba upang mahulog na ang insekto pero sadyang malakas ang kapit nito na nag-e-enjoy nang mag-explore sa masukal at madilim na mundo ng kaawa-awang binata.

"Besh, help! Huhu!" paghingi na niya ng tulong kay Delilah na dismayadong-dismayado sa naging reaksyon niya sa maliit na ipis. Asang-asa pa naman siya na fafalicious ito pero 'yun pala, Barbie.

"Anong gagawin ko? Minamany*k ako ni roachie!"

"Tigilan mo ako! Ipis lang e!" pigil sa pagkayamot na sinagot niya.

"Takot ako riyan, huhu! Eeew-eeew!" paikot-ikot na pagtatapat nito habang kumekendeng-kendeng pa upang maitaboy sana sa loob ang peste.

"Sa dugo mo, takot ka! Sa ipis, takot ka rin! Hayz, ano bang gagawin ko sa iyo?" nagngingitngit na sinungitan na naman niya lalo ang binata. Inis na inis niyang hinila ito at halos ipinagtulakan sa loob ng banyo.

"E 'di hubarin mo muna! Common sense naman e!"

Padabog niyang isinara ang pinto upang mahubad ni Spartan ang panloob at matanggal na ang ipis. Dali-dali naman nitong ibinaba ang boxer shorts at itinapon sa malayo.

Napasiksik pa siya sa gilid ng toilet bowl sa takot na baka maghiganti ang ipis at kagatin siya. Mas kinatatakutan pa niya ito kaysa sa pakikibaka sa mga aswang. Bata pa man ay aminadong kahinaan na niya ang ipis. Hate na hate kasi niya ang mala-imburnal at makapit na amoy nito at maliliit na paang napakagaspang. Mas nanaisin pa niyang makipagbuno sa mga leon at tigre kaysa naman madapuan ng peste sa balat.

Nagsitaasan ang lahat ng balahibo sa katawan niya nang dahan-dahang gumapang ito palabas ng shorts na nasa lapag. Gumalaw-galaw pa ang mga anetenna nito na tila ba nakikiramdam kung nasaan ang kanyang favorite human. Bigla-bigla ay lumipad na naman ito at nagpaikot-ikot sa ere.

"Waaah!" pagsisigaw niya lalo habang pinapanood na nagsisirko sa may kisame ang kinatatakutan.

"Hoy! OK ka pa ba riyan?" pang-iistorbo si Delilah na nababagabag na rin sa mala-horror na tili at sigaw niya.

"O-Oo, m-medyo, ewan!" nauutal na sinabi na lang niya habang nagmamadaling isuot muli ang boxer shorts. Lalabas na sana siya sa banyo pero dumapo naman ang ipis sa doorknob.

"Luh! Umalis ka na, bruha!" tinuran niya sa peste.

"Excuse me?" nagpantig ang tainga na sinabi ni Delilah sa pag-aakalang sinabi nito sa kanya.

"Hindi ikaw, sorry. Itong ipis! Ayaw akong palabasin!" mabilis na paghingi naman niya ng paumanhin.

"A, ok! Bilisan mo na lang at lumabas ka na riyan!"

"Matapang ako...matapang ako...Dimatinag nga ako na astig...hindi ako magpapatalo sa ipis!" pangungumbinsi ni Spartan sa sarili habang nakikipagtuos sa insekto.

"Macho ako...lalaki ako....rawr! Haha!" parang nawawala sa katinuan na pagtatapang-tapangan pa rin niya. Kinuha niya mula sa sahig ang bathroom slippers upang hampasin na sana ang kalaban na nagmamatigas pa rin sa kinaroroonan. Akmang papaluin na sana niya ito pero mabilis naman siyang inatake nito sa mukha.

"Eeeekkk!" makapanindig-balahibong pagtili niya na umalingawngaw pa sa bawat sulok ng kubeta.

Aswang Hunters Series: SpartanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon