Chapter 22: Panggigipit

29 3 0
                                    

Malalim na ang gabi at tulala pa rin na naglalakad si Spartan. Tila ba panandalian munang hindi gumana ang kanyang isipan sapagkat nabigla pa rin siya sa ginawang pagpapahiwatig ng pagnanasa ni Alicia. Hindi niya matanggap na ang itinuturing na matalik na kaibigan ay pagtatangkaan na akitin siya.

Wala sa wisyong napaupo na lang siya sa tapat ng isang bar na pinamumugaran ng mga lalaking nagbebenta ng aliw sa mga sugar mommies, maging ng mga daddies. Pinagtinginan siya ng mga ito sa pag-aakalang baguhan at malamang ay makikiagaw pa sa mga posibleng customers. 'Di hamak na mas pogi pa naman siya at mukhang fresh sa mga ito kaya na-insecure pa sila kaya naisipan nilang pagkaisahan siya at takutin.

"Hoy!" pagtawag ng pinakabeterano sa trabaho na naroon din at naghihintay ng customers. Nang hindi napansinin ay lumapit na ito, kasama ang ilang mga katrabaho.

"Bingi ka ba?" pasinghal na tinuran siya nito. Tinapik-tapik pa nila siya sa likod at balikat upang makuha ang atensyon. "Teritoryo namin ito! Humanap ka ng sa iyo!"

Inosenteng tumingala lang siya mula sa kinauupuan. Wala siyang kaide-ideya na napagkakamalan na pala siyang gigolo kaya nagawa pa niyang ngumiti.

"Ano po? Sorry, hindi kita narinig."

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ito lugar para sa mga totoy!"

"Ganoon ba?" Nagpalingon-lingon pa si Spartan sa paligid upang suriin kung nag-trespass nga siya. Nanlaki ang nga mata niya nang mabasa ang pangalan ng puwesto na "Gentlemen's Big Birds". Napagtanto niya na nasa tapat ng bar pala siya kaya kaagad naman siyang napatayo at humingi ng dispensa.

"Pasensya na po, hindi ko napansin!"

Akmang aalis na sana siya nang may humarang na isang matabang babae at dalawang lalaki na naglalakihan ang mga katawan. Pinagtinginan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa na para bang sinisipat ang kabuuan niya. Napangisi ang isa na medyo may edad na at may lahing banyaga na tila ba nagpapahiwatig na tipo nga nito si Spartan. Tumango-tango naman ang mas nakababata at napadila pa ng mga labi nang dahil sa pagkatakam na matikman ang walang kamuwang-muwang na binata.

"Hi, Pogi! Wampipti, you like?" pagtatanong na ng babae na tinatawag na "Big Momma" ng mga naroon. Siya ang nagsisilbing bugaw ng mga lalaki at babae sa nasabibg lugar upang makahanap ng mga kliyente.

"A-Ano pong wampipti?" inosenteng pagtatanong pa niya habang lumalayo sa mga lalaking pakiramdam niya ay sinisilip na rin pati ang kaluluwa niya.

"Hey, want to have fun?" pag-uusisa ng foreigner. "Maybe, I should visit here more often. I never knew that the Philippines have great looking men!"

"And women too," pagsang-ayon naman ni Spartan na nanatiling palakaibigan pa rin kahit na may iba na palang binabalak sa kanya ang nga kausap. "It's more fun in the Philippines. Enjoy!"

"Ngayon lang kita nakita rito, a! High-end ka ba?" paggambala na ni Big Momma sa usapan nang mapansin na kahit mukhang dukha ang binata ay edukado naman pala. Marahil, naisip nito, isa siya sa mga kolehiyo na estudyante sa umaga, nagbebenta naman ng ibang serbisyo sa gabi. "Gusto mo ba, one thousand per hour ka? Sa akin 'yun three hundred! OK na deal, hindi ba?"

Napanganga na si Spartan nang mapagtantong binibenta na pala siya ng babae. Nangilabot pa siya nang akbayan siya ng may edad ng turista pero naglalakihan pa rin ang muscles. Lalaki man ay nakaramdam din siya ng takot na baka sapilitan siyang tangayin ng mga ito at dalhin sa lugar kung saan hindi na niya makikita ang pinakamamahal na si Delilah.

"Hindi po ako for sale," pigil sa pagluha na pinagsabihan na niya si Big Momma. Marahan na niyang tinanggal ang brasong nakaakbay sa kanya upang lisanin na ang lugar. "Aalis na po ako."

"Sige na, taasan na lang natin 'yun price mo tutal may mga dollars naman 'yan," pabulong na sinuhulan pa siya ng babae kasabay nang mabilis na paghawak sa braso niya upang hindi kaagad makaalis. "Gawin natin five thousand per hour. Sa akin 'yun one thousand. Hindi na masama para sa isang gabi. Tutuwad ka lang at-"

"Hindi nga po!" pigil sa inis na inulit niya ang pagtanggi kaya napaatras na ang aleng sinusubukan na ibenta siya. Tuluyan na siyang napaluha dahil pakiramdam tuloy niya ay ang dali-dali lang siyang bastusin ng mga taong nakapaligid sa kanya, kahit pa ng mga kaibigan.

"Excuse me po, Ate, aalis na ako..."

Gamit ang mga palad ay pinunasan na niya ang mga pisngi. Akmang lalayo na sana siya subalit natigilan siya nang may humaharurot na mga kotseng puti at humarang sa kanyang harapan. Sa isang iglap, nagsilabasan ang mga pulis at hinatak pa siya. Napaaray na lang siya nang itulak siya nito sa hood ng kotse at sapilitang pinosasan.

"S-Sir, anong nagawa ko po?" kinakabahang pagtatanong niya sa mga lalaking umaaresto sa kanya.

"Ikaw at ang mga kasama mo ay inaaresto namin sa salang prostitusyon!"

"Prostitusyon? Mygash! Bakit ako?" shookt na shookt na naitanong niya. Napaawang na lang ang mga labi niya nang makita mula sa likod na pati sina Big Momma at ang mga lalaking nakausap kanina lamang ay nakaposas na rin at ipinapasok sa sasakyan ng pulis.

"Bakit naman hindi?" pagbabalik naman nito ng tanong sa kanya. "Kitang-kita ng spy namin, nakikipag-deal ka nga sa mga foreigners! Kabata-bata mo pa, ano na ang ginagawa mo sa buhay mo!"

"'Luh? Kalurkey!" nanlalaki ang mga matang napabulalas na niya. "Napadaan lang talaga ako dito! Sir naman e, mukha ba akong naghahanap ng sugar daddy? Good boy po talaga ako! Never in my life na naisip kong maging prostitute, hindi kaya ng powers ko! Nakaka-stress talaga itong araw na 'to, malas na malas naman, e!"

"Manahimik kang bakla ka! Napakadaldal mo!" naiiritang pinagsabihan na siya ng umaaresto. "Isara mo na ang bibig mo at baka mabaril ko pa sa kakaputak mo!"

"K-Kasi po, hindi naman talaga ako gigolo..."

"'Yan din ang sinabi ng iba!" pagmamatigas nito na inaakala talagang nagbebenta ng aliw si Spartan. Mahigpit na hinawakan na ng dalawang pulis ang binata at sapilitang ipinasok sa likod ng van kung saan naroon din ang iba pang mga inaresto.

"Boss, misunderstanding lang po ito!" panunubok pa rin niyang kumbinsihin ang mga lalaki subalit sinara lang ng mga ito ang pintuan at binalewala ang pag-apila niya.

Magmamadaling-araw na subalit wala talagang intensyon ang mga pulis na pakawalan siya. Kahit anong paliwanag pa ang isalaysay niya sa presinto, pinagdidiinan pa rin ng mga umaresto na kasama nga siya sa mga lalaking nasa bar. Pinagkaisahan pa siya nina Big Momma at sinabing parokyano nga raw ng mga turista kaya mas nadiin siya at lumabo ang pagkakataong makalaya.

Habang nasa loob ng malamig at maruming piitan ang kaawa-awang binata, kasalukuyan naman na nagdiriwang si Samson na may pasimuno pala sa pagbibigay ng tip sa mga pulis kung saan siya naroroon.

Lingid sa kaalaman ni Spartan, pinagmamatyagan na pala ito ng mga tauhan niya. Tila ba kumakampi pa sa kanya ang kasaamaan at ang impiyerno upang mas pahirapan ang karibal sa pag-ibig.

Isang tawag lang sa police station ay nasiguro niya ang pakasira ng records ni Spartan, dahilan upang maging malabo na itong tanggapin sa mga kolehiyo. Maging sa trabaho ay lilitaw rin ang criminal record nito na nadawit nga sa pagbebenta ng laman.

Subalit, hindi pa naging sapat sa kanya ang pagpapahirap sa kinapopootang lalaki. Nais talaga niya itong pabagsakin ang pagkatao upang isuko na nang tuluyan ni Delilah. Kapag nagkaganoon, sa tingin niya ay mas mapapadali ang pagmamanipula at pagkuha sa puso ng dalaga.

Kasalukuyan niyang ini-edit ang video na pinadala sa kanya ni Alicia kung saan nakuhanan ito na walang saplot at nakayakap pa ang inaakalang kaibigan. Sinigurado niya na ang bawat litrato at eksena ay magdidiin kay Spartan na pinagtataksilan nga si Delilah.

"Burado ka na sa buhay niya pagkatapos nito," nakangising sinambit ni Samson.

Pagkapindot sa enter button ng laptop ay hindi lang ang magandang kinabukasan ang posibleng mawala kay Spartan, maging ang pinaka-iingat-ingatang dangal at dignidad. Iyon na lang ang mayroon ang binata subalit sa isang iglap, ninakaw pa iyon ng makasariling si Samson.

Lahat ng parusang ito ay tatanggapin ni Spartan kahit na hindi nararapat...

Samantalang ang tanging naging kasalanan niya ay ang mahalin si Delilah...

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now