Chapter 36: Bangungot

24 3 0
                                    

Malawak ang ngiting nakasilip sa may bintana ng sasakyan ang siyam na taong gulang na si Samson. Sakay ng magarbong kotse, patungo sila na buong pamilya sa eskwelahan kung saan gaganapin ang Family Day.

"I feel so happy right now," maligayang pahayag niya sa ama't ina. Na-a-appreciate niya na makasama ang mga magulang sapagkat noong nakaraang mga buwan, mas naging abala ang mga ito sa negosyo at hindi siya masyadong napapansin.

"Sana po, palaging ganito. Hopefully, we could spend more time together. Kung minsan po kasi, hindi ko man kayo nakakasabay kumain..."

Nagtinginan ang mag-asawang si Caesar at Gracia sapagkat pareho silang nakunsensya sa mga pagkukulang sa anak. 'Di nagtagal ay nagngitian din sila sapagkat may sorpresa naman sila kay Samson na paniguradong ikasisiya nito.

"Anak, huwag ka nang magtampo," panunuyo ng ina upang hindi na siya malungkot pa. "Napag-usapan din namin ito ni daddy mo. Simula next month, magre-resign na ako bilang member of board of directors sa kumpanya. Naisip ko kasi na mag-home-based business na lang para mas maasikaso ko kayong mag-ama."

"At ako naman ay magbabawas-bawas na ng trabaho," kasunod na deklarasyon naman ni Caesar. "Para mas may time naman ako sa inyo, iiwasan ko na ang late meetings."

Sa murang isipan ni Samson ay napakalaking pabor ang ibibigay ng kanyang mga magulang. Para sa kanya, mas mahalaga na mapagkalooban siya ng aruga at pagmamahal ng mga ito kaysa pa sa materyal na bagay.

"Talaga po?" namimilog ang mga matang paniniguro pa niya. "Makakasama ko na kayo palagi?"

"Oo naman," pagkumpirma ni Gracia. "Baka nga magsawa ka pa sa mukha ko kasi palagi mo na akong makikita sa bahay!"

"Hindi po!" pailing-iling na sinabi naman niya. "Hinding-hindi ako magsasawang makasama kayo! Mahal na mahal ko kayo ni Daddy!"

Sa gitna ng masayang usapan ng pamilyang De Luvio ay minamanmanan na pala sila ng mga lalaki na inoorasan ang pagdaan nila roon. May balak ang mga ito na kidnapin ang mag-ina pero ngayong kasama pala ang haligi ng tahanan at marami-rami ang mga dumadaang sasakyan ay naudlot ang masama nilang mga plano.

"Mag-abang tayo maya-maya," panuto ng lider sa mga kasama. "Kung alanganin pa rin, kailangan na natin na maging marahas!"

Pumasok muna sa loob ng van ang mga lalaki at umikot-ikot sa lugar upang hindi mapaghinalaang may hinihintay. Sabik silang makuha sina Gracia at Samson dahil paniguradong instant money ang makukuha mula kay Caesar. Alam nilang napakayaman nito at hindi man magdadalawang-isip na bigyan sila ng limpak-limpak na salapi kapalit ng buhay ng pamilya.

Maligayang nakilahok sa mga family activities sina Samson na walang kaalam-alam na may trahedya nang naghihintay sa kanila. Halos lahat ng palaro ay sinalihan nila hanggang sa mapagod na sila.

Mag-a-alas singko na ng hapon nang magtapos ang event. Bago umuwi ay naisipan muna nilang dumaan sa fine dining restaurant. Dahil sa trapik ay naisipan ni Caeasar na mag-detour sa isang subdivision. Wala pa rin siyang kaalam-alam na pasikretong sinusundan ng van. Dahil sa abalang nakikipagkuwentuhan at kulitan sa anak ay hindi na niya napansin na may kaduda-duda na palang nangyayari.

Huli na ang lahat nang mapuna niya na makailang beses nang nakasunod ang pamilyar na sasakyan. Nangamba na siya na baka nga sinasadya nitong mapalapit sa kanila kaya mas binilisan na niya ang pagmamaneho.

Napapreno siya nang biglang humarang ang isang pulang kotse. Bigla-bigla ay lumabas ang armadong mga lalaki kaya tinangka pa niya sanang umatras at lumiko. Akmang tatakasan na sana niya ang mga kriminal pero, nagpaputok ang mga ito sa may gulong ng kotse. Mas nabahala na siya sa kaligtasan ng mag-ina nang aksidenteng natamaan si Samson sa may balikat.

Aswang Hunters Series: SpartanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon