Chapter 12: Desperado

35 3 0
                                    

Maaga pa ay gumising na si Delilah upang makapaghanda sa pagpasok sa unibersidad. Sinadya niyang hindi na dumaan sa kusina dahil iniiwasan niyang makita si Spartan na nagluluto na ng maaalmusal nila. Hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin siya sa mga nasabi patungkol sa pagnanais niyang maging "ganap" itong lalaki  Maingat pa niyang binuksan ang pinto upang walang makapansin sa kanyang umalis subalit pagkapihit pa lamang ng doorknob, isang pares na ng mga luntiang mga mata ang bumati sa kanya.

"Besh!" maligayang pagtawag nito. Nagulat pa siya at halos mabitawan ang bag nang bumungad ito mula sa likuran niya. Sinikap niyang huwag pansinin ang kaibigan pero masigasig naman itong kunin ang atensyon niya.

"Halika! Kain tayo!" masuyong pag-aya pa nito kaya muntikan nang bumigay si Delilah sa imbitasyon. Langhap pa niya ang masarap na pagkain kahit na nasa may sala na kaya ilang sandali rin siyang natuksong mag-almusal na nga. "May hinanda akong bagong putahe, i-try natin!"

"Next time na lang," pagtanggi na niya kahit kumukulo na ang sikmura sa gutom. "Maaga pa kasi ang klase ko."

"Ha? Mag-a-alas siete pa lang. Hindi ba, nine o'clock ang pasok mo kapag Friday? Sumabay ka nang kumain. Pati si sir at ma'am, maging si Ate Barbarella mo, mamaya pa papasok sa opisina. Sayang naman kasi ang family time sana niyo ngayon lalo na at naging busy kayong lahat nitong nakaraang mga araw."

Natigilan si Delilah sa pagpapaalala nito. Nagtaka rin siya kung paano nalalaman ni Spartan ang lahat ng paglabas at pagbabalik niya. Napansin nga niya na parang kabisado nito ang mga schedule niya, maging ang sa buong pamilyang Catacutan. Marahil, naisip niya, sadyang mapagmasid ang binata sa mga nangyayari sa loob ng tahanan.

"Basta, papasok na ako!" mariin na pagtanggi na niya. Patakbo na siyang nagtungo sa may garahe upang matapos na ang kanilang usapan.

"Luh, may nasabi ba akong mali?" pagtataka ni Spartan habang pinagmamasdan si Delilah na pinaaandar ang sasakyan hanggang sa makalabas na sa daan. Medyo nalungkot siya sa biglaang pag-iwas nito sapagkat nais pa naman sana niya itong pabaunin ng meryenda at tanghalian. Alam niya na maraming pambili naman ng mamahaling pagkain ang dalaga pero gusto lang talaga niyang ipagluto ito ng masasarap at masusustansya.

Habang abalang nagta-type ng report si Delilah sa laptop, napahinto siya nang may aninong humarang sa kanyang harapan. Pag-angat ng tingin ay napasimangot siya nang malamang ang makulit na manliligaw na si Samson pala ang umaabala sa kanya.

"Hi, darling ko!" may malawak na ngiting pagbati nito kasabay ng pag-upo sa mesa kaya mas lalong nainis ang pinopormahan. Kung hindi lang anak ng may-ari ng eskwelahan ang nangungulit, malamang ay naitulak na niya ito upang mahulog sa lupa. Sa ganoong paraan, naisip niya, matatauhan na ito at mababawasan pa ang pagiging mayabang.

"Ano na naman ang gusto mo?" pigil sa pagkayamot na tugon na lang niya habang umuusog palayo. Ganoon pa man ay bumaba mula sa mesa si Samson at mas dumikit sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at inakbayan pa.

"Free ka ba mamaya?" pag-uusisa nito habang mataimtim na nakatingin sa nililigawan.

"Busy ako. May tinatapos nga ako na report," malamig na tugon niya sa panunubok nito na makuha ang kanyang atensyon. Nang manatili siyang walang imik ay inagaw na nito ang pinagkakaabalahang laptop at itinabi sa may likuran.

"Huwag mo nang alalahanin ang report-report na 'yan. Akong bahala, hindi mo naman kailangang tapusin. Kapag nga naging girlfriend kita, mas marami kang privileges sa school. Ikaw lang naman ang playing hard-to-get e!"

Umikot ang mga mata ni Delilah dahil sa pagiging presko nito at agresibo. Napabuntong-hininga na lang siya upang pigilin ang sarili na mang-away ulit. Tumayo na lang siya upang lumayo sa gulo at dinampot mula sa damuhan ang laptop.

Aswang Hunters Series: SpartanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon