Spartan 18: Ideal Man

38 3 0
                                    

"Gising na, mahal ko..."

'Yun ang mga katagang paulit-ulit na nagpaalala kay Delilah na si Spartan pa rin ang lalaking hahanap-hanapin kahit na anong paglalaro sa isipan ang gawin sa kanya ng 'di kilalang kalaban.

Isang linggo rin pala siyang nawalan ng malay at nakipagsapalaran sa bangungot na ayaw na niyang maranasan kahit kailan. Nakakapanindig-balahibo na nga ang mga nasaksihan niya roon, mukha pang totoo ang mga pangitain na tila ba pasilip iyon sa masamang hinaharap.

"Nakakatakot," malungkot na naalala pa niya ang mga eksenang nakita lalo na sa parteng nasawi pa si Spartan sa kamay ni Samson. Kumirot pa ang kanyang ulo sa lalim ng kanyang iniisip.

"Sana, hindi magkatotoo...hindi ko kakayanin..."

Nagising man mula sa malabangungot na kulam at pinayagan nang makauwi ng mga doktor, hindi pa rin nakabawi nang lubusan ang kanyang katawan at isipan. May mga panahong natutulala pa rin siya at biglang nananamlay. Mabuti na lang at supportive ang kanyang pamilya at maalaga pa si Spartan kaya unti-unti na rin naman siyang lumalakas.

Mabigat man ang katawan ay sinikap na niyang bumangon. Hinawi niya ang kurtina at binuksan ang bintana. Pagdungaw, kaagad na siyang napangiti nang makitang nakatingala pala sa kanya ang binatang kinatutuwaan.

"Uy, besh!" kaagad na pagbati ni Spartan mula sa ibaba. Nagdidilig siya sa may hardin kung saan naroon ang mga bulaklak na rosas. Kanina pa rin siya nakikiramdam kung gising na ang sinisinta dahil nais niyang kumustahin ang kalagayan nito.

"OK ka na ba?"

"Oo naman!" maligayang tugon ni Delilah. "Thank you sa TLC* niyong lahat!"
(Tender Loving Care)

Nagningning ang mga mata ng binata nang mapansing bumabalik na ang liksi at rosy cheeks ng sinusuyo. Malaki ang pasasalamat niya na nalabanan ni Delilah ang madilim na pwersang nais kumontrol sa kamalayan nito at muntikan pang ikapahamak. Nakaligtas man ito ay bantay-sarado pa rin siya sapagkat nakababahala na posibleng hindi pa tumigil ang kalaban.

"Pakibuksan naman saglit 'yan salamin," paninimula na niyang maglambing ulit sa nililigawan. Nais niyang pasayahin ito para mas lumakas ang katawan at tuluyan nang gumaling.

"OK, anong meron?" pagtataka ng kausap.

Gumupit siya ng mapupulang rosas at tinanggal ang mga tinik upang siguruhing hindi matutusok si Delilah. Namimilog ang mga matang pinagmasdan siya nito at naghintay sa plano.

"I-ready mo ang mga palad, ganern!" kasunod na panuto niya kasabay ng paglahad din ng mga kamay para ipakita sa dalaga kung paano.

"Bibigyan mo ba ako ng roses?" sabik na pagtatanong niya. Napahawak na siya sa mga namumulang pisngi at kinilig na parang bulateng nabuhusan ng sabong panglaba sa kinatatayuan.

"Mga kapitbahay! May magbibigay sa akin ng flowers!" pigil sa pagtili na pahayag niya mula sa bintana.

"Hindi, besh! Sa akin itong roses! Asa ka much!" pagbibiro naman ni Spartan habang tinatali ang bouquet gamit ang napulot na dahon. Naglagay pa siya ng isang tangkay ng bulaklak sa itaas ng tainga at pakendeng-kendeng na lumakad palapit sa mansyon.

"Bruho ka talaga!" umiikot ang nga matang sinupladahan niya tuloy ang binata na pinagkakatuwaan lang naman siya. "Paasa! Hmph!"

"Ikaw naman, o! Tampo na kaagad! Heto na nga! Ready ka na ba?"

"Ay! Ready na!" pagbawi rin naman ni Delilah kaagad sa pagtataray kanina lamang. Walang pakipot-kipot na nilahad na niya ang mga palad bilang paghahanda na tanggapin ang binibigay na roses. "Akin na nga, mwehehe!"

"One, two...three!"

Bumwelo si Spartan at ihinagis ang bulaklak sa direksyon ng dalaga na excited na matanggap ang munting regalo. Pagkadampi pa lang ng mga rosas, kakaibang tuwa na ang naramdaman niya. Hindi man ito mamahalin katulad ng karaniwang natatanggap mula sa mga manliligaw, para sa kanya ay mas mahalaga pa ito sa ginto at diamante dahil nagmula sa lalaking iniibig.

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now