Chapter 28: Ang Paghaharap

42 3 0
                                    

Nagkatinginan ang mga aswang na tila ba nagpapakiramdaman kung ano ba ang tamang gawin. Sa aura pa naman ng katunggali na lalaking-lalaki at palaban, nagdadalawang-isip na sila kung itutuloy pa ba ang pag-atake o uurong na.

Subalit, mabubuwag ang mala-superhero na imahe ni Spartan sapagkat may naliligaw pala na mabahong ipis sa kinaroroonan nila. Sa gitna ng malupit na labanan ng mga aswang versus hunters, napagpasyahan pa nito na umeksena at lumipad sa batok ng binata.

"Ay!" nasambit niya bigla nang maramdaman ang magagaspang na paa na nagdulot pa ng kiliti sa kanya. Inakala niya na lamok lang iyon subalit napuno na siya ng kilabot nang nagtatakbo ito pailalim sa loob ng kanyang t-shirt. Hindi niya kailanman makakalimutan ang aligasgas ng nilalang na para sa kanya ay mas nakaririmarim kaysa sa mga aswang.

"Bakit?" may pagkabahalang natanong na ni Lapulapu nang mapansin ang pagkaaligaga ng kasama. "Nasugatan ka ba?"

"H-Hindi po," nauutal na sinagot naman niya. "D-Disaster po kasi..."

"Anong disaster? May masakit ba sa iyo?"

"M-May ipis..."

"Ipis?" nagtatakang inulit pa ng lalaki. "Hmmm, bakit naman naging disaster ang ipis?"

"Basta po! Aaayyy!" pagtitili na niya habang pilit na pinapagpag ang insekto na umiikot-ikot sa katawan niya. "Alis! Shoo! Shoo!"

"Sa aswang hindi ka takot pero sa ipis halos umurong ang b*y*g mo!" hindi makapaniwalang pinagalitan pa siya ng senior na hunter. "Umayos ka!"

"Ang mga paa, huhuhu!" Hinubad na niya ang suot na pang-itaas upang maitaboy lang ang kinatatakutang insekto. "Yucky! Waaahhh!"

Nang akmang maglalaban pa ang ipis at lilipad sana patungo sa kanya ay mabilis na niya itong binalot sa loob ng damit. Walang anu-ano ay hinagis niya naman ito sa gawi ng mga lalaking aswang na nagitla at nagsitakbuhan pa palayo nang makita ang itim na t-shirt na lumilipad sa ere. Inakala kasi nila na garlic bomb iyon kaya nahintakutan pa sila.

"Takbo! Pasasabugin niya tayo!" shookt na shookt na hiyawan pa nila.

Habang abala ang mga halimaw na nagsisitago sa masukal na lugar, mabilisang pinuntahan ni Spartan ang bus at isa-isang pinababa ang mga pasahero upang patakasin.

"Kaunting bilis! Diretso lang kayo sa pagtakbo!" pagbibigay niya ng panuto sa mga tao. "Parating na rin naman ang rescue kaya huwag kayong mag-worry!"

"Kakaiba ka talaga, Bata!" pailing-iling na nasabi na lang ni Lapulapu habang pinagmamasdan ang kapwa hunter na kakatwa sa karaniwan.

"Tatay, tumakas na rin po kayo!" madaliang panuto niya habang bahagyang hinihila na ang nakatatandang hunter palayo sa daan kung saan sila na-ambush. "Baka ma-realize na ng mga aswang na achuchu lang ang ginawa ko, babalikan pa tayo!"

"Paano ka?" pag-alala naman ni Lapulapu sapagkat marami pa ang kalaban at baka mapahamak ang nakababata. Hinatak niya si Spartan upang piliting sumabay na sa kanila. "Sumama ka na!"

"Hindi po pwede kasi masusundan nila tayo kung saka-sakali. Basta po, ako na ang bahala!"

"Mag-iingat ka," pagbibilin na nito sa mas batang mandirigma. Pinulot nito ang baril at inabot kay Spartan upang pangdepensa kung sakali man na may aswang na magtangkang makipaglaban nga sa kanya. "Gamitin mo 'yan kung kinakailangan. May limang bala pa 'yan kaya makakatulong pa rin."

"Sige po. Salamat," nakangising paniniguro naman niya sa ginoo. "Kayang-kaya ko na sila!"

Gaya nga ng inaasahan, napagtanto ng mga aswang na naloko lang sila ng hunter. Inis na inis sila nang malamang ipis lang pala ang laman ng kinatakutang damit. Napahiya pa sila kaya gigil na gigil silang durugin ang lalaking sa isip nila ay pinaglalaruan pa sila.

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now