Chapter 10: Warrior Princess

46 3 0
                                    

"Bisita ko 'yan! Mga bastos kayo, a! Hindi ko ito palalampasin!" pagbabanta na ni Delilah sa mga securiry guards na patuloy pa rin sa marahas na paghatak palabas kay Spartan. Nang hindi pansinin ay pinagtulakan na niya ang mga ito at pinaghahampas ng bag.

"Sumusobra na kayo! Sabi ng pakawalan niyo siya e!"

"B-Besh, tahan na," pag-awat na nito sa kaibigan na nagiging bayolente na rin sa mga tauhan ng eskwelahan. "Lalabas na ako para wala ng problema. Hinihintayin na lang kita hanggang sa matapos ang klase mo."

"Hindi tama ito!" nakakuyom ang mga kamao na nireklamo ni Delilah. "Kayong apat, abuso ang ginawa niyo sa kanya!"

"Pasensya na, Ma'am, napag-utusan lang kami," pagpapaliwanag na ng pinaka-senior sa mga guwardiya. "No ID, no entry rin po kasi tayo."

"Edi sana, kinonfirm niyo na lang sa akin kung kakilala ko siya! Hindi 'yun basta niyo kakaladkarin!" pangangatwiran naman niya. "I can have you fired because of this! Tatawagan ko si Daddy kasi stockholder din siya sa university! Ipapasesante ko kayo dahil sa hindi makatarungang pagtataboy niyo sa boyfriend ko!"

"B-Boyfriend?" hindi makapaniwalang napabulalas ng mga guwardiya.

"Oo, boyfriend ko siya!" may pagmamalaking pagkumpirma pa niya.

Napakamot na lang sila ng ulo nang  marinig ang rebelasyon nito na nobyo nga ang sapilitan sanang ilalabas. Tinignan pa nila mula ulo hanggang paa si Spartan na nakasimpleng kasuotan lamang at naka-slippers pa. Sa kalagayan nito, mapaghahalatang hindi nga ito pinalad sa kayamanan.

"Sorry po talaga, Miss Catacutan. Si Sir Samson kasi ang nag-utos, 'yun anak ng may-ari ng school na ito, na huwag daw papapasukin 'yan."

Mula sa hallway ay natanaw niya ang dating manliligaw na nakangisi. Lumapit pa ito at mapaghamon na tinignan ang inaakalang karibal sa pag-ibig na hawak-hawak pa rin ng dalawang bantay.

"Ikaw pala ang pasimuno nito," may pagkayamot na pahayag na ni Spartan. Hinatak na niya ang mga braso palayo upang makawala sa mga nais sana siyang palabasin sa unibersidad.

"Kawawa ka naman, tsk!" pang-aasar ni Samson lalo. "Masyado ka kasing mataas mangarap. Hindi ko talaga ma-gets kung paano ka naging boyfriend ni Delilah. Siguro, ginayuma mo! Even if that's the case, one thing's for sure. Kung may masama kang balak sa kanya, ako na mismo ang magpapatigil niyon!"

"Ikaw ang kawawa kasi ang sama ng ugali mo. Payong kaibigan lang, p're. Ayusin mo muna ang attitude mo para may matinong babaeng magkagusto sa iyo," matapang na tugon naman ni Spartan na mas nagpatindi sa insecurity ng kaalitan.

Batid rin kasi ni Samson na sa mga naging exes, wala talagang nagtagal at kayamanan lamang ang habol sa kanya. Aminadong lumaki kasi siya sa layaw kaya wala rin pasensya na ipaglaban ang mga naging relasyon dati. Subalit ngayon, kung kailan totoong gusto na niya ang nililigawan, para pang ipinagkakait pa ng tadhana sa kanya ang nais at hindi niya matanggap.

Tila ba nanuot ang kirot sa puso niya sa pahiwatig ng karibal na kasalanan niya kung bakit inaayawan ng dalaga kaya nagdilim ang kanyang paningin nang dahil sa galit. Bigla-bigla ay hinatak niya sa kwelyo ang hinahamon at mas nilait ang estado sa buhay. Sa sobrang lakas ng pagkakahila ay napunit pa ang t-shirt na suot ni Spartan at nagalusan pa ang leeg.

"Bitiwan mo ako!" halos masagad na rin ang pagtitimping pinagsabihan na niya si Samson. Natutukso man na gumanti, pinigil niya ang sarili dahil ayaw na sana niyang magkaroon ng komosyon at baka madamay pa si Delilah. "May babae, huwag tayong mag-away sa harapan niya! Tama na!"

"Pare-pareho lang naman kayong mahihirap!" pagsasawalang-bahala nito sa pakiusap niya. "Ang gusto niyo, pagkaperahan kami! Halata naman, gusto mo lang si Delilah para maiahon ka from your lowly and sh*tty life!"

Aswang Hunters Series: SpartanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon