Chapter 21: Alicia

56 2 0
                                    

Maaliwalas ang panahon at naiinip na sa bahay si Delilah kaya inaya niya si Spartan na mamasyal sa Buk-O Resort, isang tourist attraction na malapit sa siyudad ng Tuk-O. Kilala ang nasabing lugar dahil naroon ang isa sa mga Wonders of the World na Blue-Sands Beach.

Enjoy na enjoy na nagpi-picnic ang dalawa habang nakaupo sa bermuda grass na malapit sa dalampasigan. Naghanda si Spartan ng masasarap na pagkain kaya sulit na sulit para sa dalaga ang paglabas nila.

"Heto, Besh, o," pag-alok niya sa kinagigiliwang babae. "Tikman mo ang turon ko. Special 'yan, may langka and cheese. Yummy!"

Kinuha ni Delilah ang pagkain at tinikman. Napangiti siya nang malasaan ang miryenda na may malinamnam na keso at langkang minatamis.

"Ang sarap naman ng turon mo!" maligayang pagpuri niya sa delicacy. "The best ka talagang magluto!"

"Para sa iyo, ilalabas ko ang one hundred percent na powers ko sa pagluluto!" pagpapa-impress naman ni Spartan sa nililigawan. "Heto, try mo rin itong mga itlog ko. Made from the freshest eggs in the farm coated with orange flour and garnished with secret spices na namana ko pa sa lolo ng lolo ng great-great-great lolo ko!"

"Wow! Ang layo pala ng pinanggalingan pa ng itlog mo!" paghanga lalo ng dalaga. Gamit ang kubyertos, tumusok siya ng isa at binabad sa suka. "Patikim nga ng itlog ng lolo ng lolo ng great-great-great lolo mo!"

"Hmmm, masarap nga!" manghang-mangha na napabulalas niya nang malasaan ang specialty ng mga Dimatinag. "Pati timpla ng sawsawan, panalo!"

Habang abalang nagmimiryenda ang dalawa, may dalawang local beauty queens na nagmamasid pala sa kanila. Kanina pa nila pinagmamasdan ang dalawa at naiinggit pa kay Delilah dahil mukhang alagang-alaga sa kasamang lalaki.

"Guluhin natin sila," binulong ni Nimfa sa kabarkada na kapareho niyang umiiral na naman ang pagkapilya.

"Sige, para mamaya, 'yun boylet naman ang pagkatuwaan natin!" humahagikgik na pagsang-ayon naman ni Sirena. "Gwapo pero mukhang uto-uto e!"

Kinuha nila ang bola at nagkunwaring naglalaro. Nang makita na umiinom ang kinaiingitan, tsaka naman nila hinagis ang bola patungo roon. Mabuti na lang at kaagad na napansin ni Spartan ang papalapit na bola at nahawi palayo bago pa man tumama sa ulo ng katabi.

"Ay! Ano ba 'yun?" nabiglang napabulalas ni Delilah. Kahit na naiiwas sa kanya ang bola, aksidenteng natapunan pa rin siya ng gulaman sa branded na dress at bag kaya sumama ang tingin niya sa mga babaeng gandang-ganda sa sarili.

"Hoy! Kaunting ingat naman!" sinigaw niya sa mga malditang babae. Nang balewalain ay tumayo na siya upang sitahin ang mga iyon.

"Parang wala kayong narinig a! Nananadya ba kayo?"

"Excuse me?" nakataas ang isang kilay na pagdadahilan naman ni Sirena. "Aksidente 'yun, OK? Haharang-harang din kasi kayong mga nagde-date! Ang sakit sa eyes, lalo na at pangit 'yun ka-date na babae! Mukhang manang, balot na balot!"

"Mga Miss, huwag ganyan! Ang bad niyo!" paninita na rin ni Spartan nang mapansin ang sama ng pag-uugali ng magkaibigan at balak na pambu-bully  "Sana, mag-sorry naman kayo kasi muntik na kayong makasakit ng kapwa."

"Oops, sorry," sarkastikong paghingi nila ng paumanhin pero pinagtawanan din naman ang nangyari kay Delilah. Mapanglait na tinignan pa nila ito mula ulo hanggang paa. "Wala yata sa lugar 'yan girlfriend mo. Hindi yata sa outing pupunta, sa Simbahan! May naka-dress ba sa beach? Hahaha!"

"Wala naman mali sa suot niya. Maganda pa rin siya-"

"Akong bahala rito," pagpapatigil na ni Delilah sa kanya sa pagdepensa. Lumapit siya sa dalawang babae na naka-two-piece. Siya rin ay pinagmasdan ang kabuuan nila at umiling-iling pa bilang pahiwatig na dismayado sa nakikita.

Aswang Hunters Series: SpartanOnde as histórias ganham vida. Descobre agora