Chapter 31: Mga Marites

31 3 0
                                    

Kinuha ni Delilah mula sa kaserola ang nilagang saba. Pagkatapos ay sumangkap naman siya ng kape para sa inaalagaan. Dahil sa pagpapakulo lang ng tubig ang alam niyang gawin sa pagluluto, 'yun munang saging ang naisipan niyang ipameryenda kay Spartan.

"Kumain ka na," pang-uudyok niya sapagkat napansin niya na hindi pa rin nanumbalik ang gana sa pagkain ng binata. Umupo siya sa may beranda kung saan nagpapahangin muna ito. "Nutritious ito, pampasigla."

"Nag-abala ka pa," kinikilig na pahayag ni Spartan na hindi pa rin nasasanay sa tender loving care na natatanggap. Nasanay siya na kadalasan ay nag-aalaga ng iba kaya panibago ang lahat ng ito sa kanya. "Sa susunod, ako naman ang magluluto para sa iyo."

"Promise 'yan, ha? Kaya dapat, magpalakas ka na para maisama na kita sa Tuk-O," nakangiting sinambit naman ng nilalambing. Binalatan nito ang saging na saba at inilapit sa bibig ng manliligaw. "Nom-nom-nom!"

"May sound effects pa! Special ito for sure!" pahayag naman ni Spartan bago isinubo at kinagat ang pinapakain nito na prutas. "Special nga, ang tamis! Kasingtamis ng sweetness mo sa akin!"

"Nakikita mo 'yan chinitang-tisay?" dinig nila na bulung-bulungan na nagmumula sa tapat ng tarangkahan. Naroon ang limang mga ginang na magkakahawig ang mga porma na naka-curlers sa buhok at nakadaster. Kanina pa sila nakikiusyoso kung sino ang dayo at ano ang ginagawa nito sa bahay ng nga Dimatinag.

"Oo, 'yun may-ari ng mamahaling kotse na naka-park sa tapat," nakangusong pahayag ng pinakamatandang babae na tinutukoy ang sportscar. "Yamanin! Gulong pa lang, parang isang kidney ko na ang halaga!"

"Kaninong jowa 'yan? Kay Gladiator?" pag-uusisa naman ng may lihim na crush sa nakatatandang pinsan ni Spartan. "Hmmm, mas maganda lang ng isang paligo sa akin. Pwede na, bagay naman sila!"

"Ibig sabihin, sobrang ganda pala nang pinalit niya sa malanding ex na mukha namang kutsara! Kapag nga naman sinuswerte! Mayaman na, maganda pa ang nakuha!"

"Hindi, nobya ni Spartan 'yan!" pagbabalita naman ng pinakabata sa Gossiper's Club nila. "Ka-live-in na nga raw!"

"Live-in?" sabay-sabay na napabulalas pa ng mga babae na para sa kanila ay masyadong eskandaloso ang ganoong klaseng relasyon.

"Ang babata pang lumandi!"

"Masyadong liberated na talaga ang mga kabataan ngayon!"

"Kapag nabuntis 'yun babae, wala nang magseseryoso riyan! Sayang lang ang layaw na binigay ng mga magulang!" panghuhusga ng mga ginang lalo na sa parte ni Delilah.

Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga tsismosang hindi mapakali ang mga bibig sa panibagong scoop. Eskandalo pa rin kasi sa probinsya ang mga magnobyong hindi pa kasal pero naninirahan na sa isang bubong.

"Imposible! Anong nakain ng babae at si Spartan pa ang nagustuhan?"

"Ang sabihin niyo, gold-digger 'yan si Spartan! Ambisyoso masyado!" pagta-target naman nila sa kapitbahay na na naging mabuti naman sa kanila. Sa kasamaang-palad, kahit na anong pakikisama ang ginawa ng binata, sinuklian pa nila ng paninirang puri.

"Hindi ba, may s*x scandal 'yan? May kumalat na video na nakahubad at may kasamang babae!"

"Hubad? Nasaan?" may pagnanasang naitanong naman ng bagong buntis sa pangkat na gwapong-gwapo sa binata at pinaglilihian pa. "Malaki ba? May abs? Patingin!"

"Ssshhh!" sinaway tuloy siya ng mga mas nakatatanda. "Magtiyaga ka na lang sa mayroon ng asawa mo! Baka kapag nakita mo ang katawan niyan, mapaanak ka nang 'di oras!"

"Teka, hindi ba bakla 'yan?" pagtataka naman nito. "Alam kaya ng nobya niya?"

"Kung ba naman sinampal ng pera, kahit binabae pa, magpapakalalaki e!" sunud-sunod na panlalait na pinagsasabi ng mga ginang na halatadong bitter sa buhay at naiinggit sa love life ng iba.

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now