Chapter 11: Heartbreaker

29 4 0
                                    

"M-Masakit na. T-Tama na," tumatagaktak ang pawis at hinihingal nang pagsusumamo ni Spartan. Isang matalim na titig ang natanggap niya mula kay Delilah na pursigidong ilabas ang naitatagong tatag at lakas niya bilang isang tunay na lalaki.

"Kaunting tiis pa!" nakapamaywang na tugon nito sa pagsusumamo niya. "No pain, no gain!"

"Next time na lang, please. Hindi pa talaga ako ready! Ang sakit na ng mga binti ko!"

"Hindi! Nandito na tayo e!" pangungumbinsi nito sa kaawa-awang lalaki na nais sana niyang tulungan na maging matatag upang hindi basta-basta nabu-bully ng mga salbahe at mapagsamantalang tao. Mabuti ang intensyon niya pero medyo napapaisip na rin kung tama ba ang ginagawa dahil mag-iisang oras pa lang niya itong pinapa-bike at treadmill ay tila ba hihimatayin na.

"Lupaypay na talaga ako, besh! Nakaka-istress itong araw na ito at baka himatayin na ako! Pahinga muna tayo, sige na," pakikiusap nito sa kanya. Nais man niyang magmatigas pa at ipagpatuloy ang pagsasanay sa binata, hindi naman niya matiis ang pagpa-puppy eyes nito na para bang kinukunsensya pa siya nang dahil sa nagawa. Pakiramdam tuloy niya ay napakasalbahe niyang tao kaya pinagbigyan na niya ang kahilingan nito.

"Sige na nga, tama na ang exercise! Ten minutes break," pagpayag na niya dahil hindi naman nga matiis na nahihirapan ang pinagsasanay. "Pagkatapos, doon na tayo sa personality development. Ite-train kita kung paano ang proper social etiquette at grooming ng mga lalaki."

"Hindi ba pwedeng bukas na lang?"

"Hindi pwede," pagtanggi niya. "Magiging busy na ako sa mga susunod na araw kaya dapat kahit paano maturuan na kita."

Tumalikod na si Delilah upang magpunta muna sa comfort room at umihi. Bago pa man maisara ang pintuan, sumilip siya at pinagsabihan si Spartan.

"Huwag kang aalis diyan," mariin na panuto niya.

"Excited na ako sa mga plano ko para sa iyo, hehehe!" pahabol na sinabi niya. Rinig ng binata ang paghagikgik nito kahit na nasa loob na ng palikuran.

"Ano kayang gagawin niya sa akin?" kinakabahang naisip niya habang nakikiramdam sa paligid. Dahan-dahan pa siyang lumapit sa banyo at dinikit ang tainga sa pintuan. Napangiti siya nang marinig ang wala sa tonong pag-awit ng dalaga. Maya't maya ay umalingawngaw ang malakas na utot sa pinaglalagian ni Delilah kaya nagulantang pa si Spartan at napakaripas ng takbo.

"Pati utot niya, napakatapang! Dinaig pa ang putok ng baril!" napagtanto niya.

"Kaya kailangan ko nang makatakas!" pagdedesisyon na niya. Palingon-lingon pa siya habang nagmamadaling makarating sa may labasan. Nang itulak ang pintuan, dismayado siya nang malaman na kinandado pala nito ang gate. Sinigurado pala ng kasama na wala siyang matatakasan.

"Luh, para akong kinidnap!" ninenerbiyos na hiyaw ng isipan. Dali-dali siyang nagtungo naman sa kabilang kubeta upang maghanap ng posibleng malulusutan. Laking pasasalamat niya na may nakabukas na bintana roon. Sumampa siya sa inodoro upang makakapit at makalabas na.

"Ayos, makakaalis na ako-"

Naglaho ang pag-asa niyang makatakas nang pagtingin sa ibaba, nakatingala na pala ang kahindik-hindik na babaeng mas nakakatakot pa kaysa sa mga aswang. Nangilabot pa siya dahil parang may sixth sense ito o psychic powers pa kaya madali nitong nahulaan ang pinaplano niya.

"Saan ka pupunta?" naniningkit ang mga matang tinanong nito.

"A...e...hehehe...kanina ka ba pa riyan? Akala ko ba, umiihi ka?"

"Halika rito!" Pigil sa inis na hinatak siya pababa ni Delilah. "Sabi na nga ba, tatakasan mo ako e!"

"Be gentle naman, besh!" nagpa-panic na pinagsabihan niya ang humihila sa kanya. "Aray ko naman! Napakalakas mo namang babae! Kalurkey ka talaga! Mas brusko ka pa sa mga kuya ko!"

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now