Chapter 16: Ang Pagtatapat

35 4 0
                                    

Mag-a-alas nuebe na ng umaga nang bumangon si Delilah. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, mabigat ang pakiramdam ng kanyang katawan. Kung dati ay nauunahan pa niyang gumising ang mga kapamilya, ngayon ay nais pa sana siyang bumalik sa kama at matulog buong araw.

Ganoon pa man ay pinilit na niyang tumayo at ayusin ang sarili. Nais sana niyang maabutan ang nanay, tatay at ate na mag-almusal pero dismayado siyang malaman na nakaalis na pala sila para um-attend ng business meetings. Sabado man ay nagtatrabaho pa rin sila kaya kadalasan, naiiwan na mag-isa si Delilah, kasama ang mga kasambahay.

Malungkot na naglakad na lang siya patungo sa kusina. Naabutan niya si Spartan na naghuhugas na ng mga platong pinagkanan ng mga amo. Papalapit pa lang ay masayang pagbati na at matamis na ngiti ang natanggap mula rito kaya nakalimutan na niya ang lungkot na naiwan na naman ng pamilya sa bahay. Sa pagkakataong ito, alam niya na hindi na siya nag-iisa at may maaasahang kaibigan.

"Gising na pala si ganda gurl!"
deklarasyon nito kaya kahit medyo masama ang pakiramdam, napangiti na siya.

"Anong almusal?" malambing na pagtatanong naman niya. Binuksan niya ang bintana upang pumasok ang sariwang hangin at pagkatapos ay umupo malapit roon.

"Ikaw, ano bang gusto mo?" pagbabalik ni Spartan ng tanong. Imbis na sumagot ay nanatiling tahimik si Delilah na tila ba nakatanaw sa malayo. Matamlay na sinundan lang ng mga mata nito ang mga paru-parong nagsisiliparan sa may hardin.

Hininto muna niya ang paglilinis ng mga pinggan at lumapit sa kausap na kanina pa niya napapansing tulala at walang sigla. Umupo siya sa tabi nito at marahang sinalat ang noo upang suriin kung maysakit.

"Uy! Anong ginagawa mo?" nagulantang na pag-uusisa ng dalaga sa biglaang paghawak sa kanyang ulo. Nag-blush pa siya nang medyo napalapit pa ang mukha nito habang pinagmamasdan siya.

"May sinat ka, besh," may pag-aalalang sinambit ng kaharap.

"Sinat?" hindi makapaniwalang napabulalas nito kasabay rin ng pagkapa sa sarili. "Hala! Oo nga!"

"Gusto mo, gawan kita ng champorado?" Pagkatapos, inom ka na ng gamot."

"Hindi naman malala ito. Sa totoo nga, gutom na gutom nga ako e. Gusto ko sana, fried rice at ulam. Sarapan mo, ha!"

"'Yun lang pala," nakangiting tugon nito sa request niya. Dahan-dahan nitong hinawi palayo sa mukha ni Delilah ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mata nito. Lihim na natuwa ang dalaga sa aruga nito kaya napapikit na lang siya habang dinarama ang paghaplos sa mahaba niyang buhok. Tila ba isa siyang musmos na kulang sa kalinga kaya tunay na ina-appreciate niya ang presensya ni Spartan.

"Naubos nila 'yun almusal kanina. Ipanghahanda na lang kita ulit. Ano bang gusto mong ulam? Eggplant omellete with bacon bits hotdog, sausage, o tocino? Sa drinks naman may coffee, milk, tea, or-"

"Ikaw..." wala sa wisyong sinambit nito habang nakapikit pa rin. Napadila pa ito ng labi na tila ba nang-aakit kaya maging si Spartan ay naguluhan sa sagot nito.

"Ako?" hindi makapaniwalang napabulalas niya kasabay ng pagturo sa sarili. "Ikaw ha! Sabi na nga ba, type mo talaga ako! Pero sorry girl, hindi pa ako ready na magpakain! Hahaha!"

"Ay! A-Ano, ang ibig sabihin ko, ikaw ang bahala!" pagbawi ni Delilah sa nasabi kanina lamang. Napamulat tuloy at nanlaki ang mga mata niya dahil sa nabitiwang mga salita. Siya rin ay nabigla sa sinagot at kung maaari lamang na maglaho sa paningin ng kausap, ginawa na niya.

"Feelingero ka naman e! Tsk!" panunuplada na lang niya. Padabog na tinalikuran niya si Spartan at ibinaling ang pansin sa dalang cellphone.

"Akala ko pa naman, sa sobrang gutom mo, nagmumukha na akong malaking tortang talong at hotdog!"

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now