Chapter 24: Ang Pagtataboy

31 2 0
                                    

"Paano mo maipapaliwanag ito, huh?" nanginginig sa galit na tinanong ni Delilah si Spartan habang pinapakita ang mga litrato kung saan nakayakap si Alicia sa binata. "Kaya pala hindi ka nakauwi kagabi! May nangyari sa inyo!"

"Besh, wala naman nangyari sa amin," pagpapaliwanag niya sa naghuhurimintadong dalaga. "Mahaba kasing istorya. Sa katunayan, shookt din ako! Hindi ko rin inaasahan na natitipuhan pala ako ni Alicia at papasukin sa banyo habang naliligo. Hindi ba, nasabi ko sa iyo na tutulungan ko lang siyang mag-makeup para sa beauty contest na sasalihan niya? Hindi ko alam na may hidden motive pala siya kaya pinapunta niya ako sa bahay. Sa maniwala ka man o hindi, nalagay rin ako sa alanganin."

"Sa video, naghubad siya sa harapan mo at hindi ka naman umalis kaagad! Hindi ba dapat, lumayo ka na? Pero hindi mo ginawa, hinintay mo pa siyang humawak sa iyo!" pagdududa pa rin nito sa tunay na nangyari sapagkat hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng kausap sa kanya. Nais man niyang tanggapin na totoo nga ang sinasabi ni Spartan ay nabubulag na rin siya ng matinding selos. "Imposible ang mga sinasabi mo! Ganyan kayong mga lalaki! Magsisimula sa alibis, pagkatapos ay paiikutin niyo lang kami nang paulit-ulit!"

"Tignan mo!" nanlilisik ang mga matang sinumbatan pa rin niya ang kaharap na hindi na rin alam ang gagawin kung paano patatahanin ang babae na mala-Amazona kung magalit. "Kung makasunggab siya sa iyo, parang mighty glue! Nakadikit pa sa katawan mo at pareho kayong nakahubad! Paano mo masasabing walang nangyari?"

"B-Besh," maluha-luhang pagtawag na niya sa atensyon ni Delilah na patuloy sa pag-scroll sa mga mapangahas na litratong natanggap. Tinitigan pa nito nang malapitan ang mga larawan kung saan naka-panty lang si Alicia samantalang walang suot naman ang kinagagalitang lalaki, dahilan upang agawin na ni Spartan ang cellphone.

"Ibalik mo sa akin 'yan! Bakit? Nagi-guilty ka ba sa ginawa mong panloloko sa sa akin?"

"Wala naman ako dapat ika-guilty e. Pero may SPG*, mygash! Nakakakilabot!" hiyang-hiya na deklarasyon niya. Nanlaki rin ang mga mata niya nang makita ang mga litratong naka-frontal nud*ty pa siya at walang censor.
(Strict Parental Guidance)

"Luh! Kalurkey!" napabulalas na lang niya habang nakahawak sa dibdib na tila ba aatakihin na sa puso. "Paano nangyari ito? Hindi man lang na-blur!"

"Ewan ko! Ako pa ang tatanungin mo! Mabuti nga at pinadala sa akin 'yan kaya bistado ka na!" pambubulyaw sa kanya lalo ni Delilah kasabay nang paghablot ng cellphone nito.

"Nakita mo ba?" namumula ang mga pisnging tinanong pa niya ang nililigawan.

"Ang alin?" pasinghal na binalik pa nito ang tanong sa kanya.

""Y-Yun ano...dyahe...yun ano ko...ano e...ano..."

"Ano nga? Sabihin mo na! Mainit ang ulo ko kaya huwag mo akong maanu-ano at baka masampal pa kita!"

"'Yun putot*y ko. Ayyy! Ano ba ang nasabi ko?' Napatakip na ng mukha si Spartan nang dahil kahihiyan na malamang nakitaan na pala siya ni Delilah ng big bird niya. "Grabe ka, Besh! Na-zoom-in mo pa yata! Nakita na ni Alicia. Nakita mo pa. Hindi ko na alam kung sino pa ang ibang makakakita! Ang kaluluwa ko, lantad na lantad na!"

Napaunok ng makailang beses si Delilah nang mapagtanto na nasilipan nga ng magandang view si Spartan. Makailang ulit pa niyang tinitigan ang litato nito na naglalantad ng mala-Adonis na itsura ng binata, kaya hindi malabong pagnasaan nga ng maraming babae. Katakam-takam talaga ang katawan nitong pangromansa, na sa palagay niya ay mas kaakit-akit pa sa personal.

Na-impress man sa kabuuan ng binata ay nanaig pa rin ang galit niya sa pag-aakalang pinagtaksilan nga siya kay Alicia.

"So what kung nakita ko?" nag-iinit ang mga pisnging pagdepensa pa rin niya kahit na na-o-awkward na sa sitwasyon. "Dina-divert mo lang ang issue! Ang alam ko lang, manloloko ka! Mabuti na lang pala at hindi ako excited na maging magkasintahan tayo dahil ang laking pagkakamali pala! Pasalamat ako at hindi pa kita sinasagot ng 'oo'!"

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now