Chapter 34: Human CCTV

29 4 3
                                    

Magkahawak ang mga kamay at pasway-sway pa na pumasok sa mansyon sina Spartan at Delilah. Nagtu-twinkle-twinkle ang mga eyes nila sapagkat tuwang-tuwa sila sa unang araw na magkasintahan sila. Tila ba nasa alapaap sila dahil sa wakas, mapagsisigwan na nila sa buong mundo na "in a relationship" sila at hindi lamang nagpapanggap na magkasintahan.

"Na-miss ko rin itong house niyo," umaapaw sa saya na pahayag ni Spartan habang pinagmamasdan ang kabuuan mg bahay. "Excited na nga ako na ipagluto kayo at siyempre, pagsilbihan kayo. Gusto ko na nga rin na makumusta 'yun roses and butterflies in the garden. Sana 'di pa nadeds yun mga caterpillars na inaalagaan ko sa cocoon!"

"Hinay-hinay ka lang, Babe," pag-awat naman ni Delilah sapagkat kadarating pa lang ng nobyo sa siyudad ay sabik na itong magtrabaho kaagad. "Remember, hindi ka pa lubusang magaling! Rest ka muna, OK? Ako muna ang bahala sa iyo!"

"Aalagaan mo ba ako, Besh?" may paglalambing na tinanong naman siya ng binata. Namimilog ang mga matang umakbay pa ito sa kanya na tila ba nagsusumamo na ma-baby rin. Kumurap-kurap pa ito upang magpa-pretty eyes kaya napatawa na siya sa kakaibang pamamaraan ng pagpapa-cute nito.

"Ano bang alaga ang gusto ng bebe ko, huh?" nanggigigil sa kilig na sinabi naman niya kasabay ng pagkurot at pagbanat sa mga pisngi ni Spartan hanggang sa lumantad na ang mga gilagid nito. "Gusto mo ba mild, medium o grande?"

"Ay! Mild na lang!" hirap na hirap sa pagsasalitang pinili ng binata sapagkat hindi na niya maigalaw ang mga labi at medyo namamanhid na nga ang mukha. "OK na siguro ako roon kasi ngayon pa nga lang ay ramdam ko na ang tindi ng iyong aruga! Ang face ko, banat na banat na! Kaunti na lang ay lilitaw na ang ngangala ko!"

"Ang cute mo!" pagbibiro pa lalo ng kasintahan. Binitiwan na nito ang pinsgi niya na bahagyang namula pa sa pagkakabatak. Hinaplos-haplos naman nito ang buhok niya kaya napangiti na siya sa arugang natatanggap. "Nakakagigil ka talaga! Ang sarap mong kurut-kurutin! Mwehehe!"

"Grabe siya!" Hinawakan ni Spartan ang kamay ni Delilah at hinagkan. "Gigil ka much, ano? I know I'm cute, right? Hahaha!"

"I love you, Spartan!" deklarasyon na ng dalaga kaya mas na-touched ang puso niya.

"Nemen e!" namumula ang pisnging nasambit niya habang nakahawak sa may dibdib. "I love you too! Mwah! Mwah!"

"Pa-kiss nga!" pag-imbita naman ng babaeng iniibig. Itinuro nito ang makinis at rosy cheeks upang hagkan niya. "Sa cheeks lang at baka katayin tayo ni Daddy kapag nahuli!"

Lumingon-lingon muna ang binata sa paligid upang masigurong walang makakakita sa kanila. Sabik na napangiti pa siya nang mapagtantong sila lamang ang naroon. Akmang lalapit na sana siya kay Delilah at pagbibigyan ang kahilingan nito subalit biglang may gumambala sa kanilang suyuan.

"Hoyyy!" mamaos-maos na pagsigaw ng 'di kilalang nilalang mula sa ilalim ng banga. Dinig mula roon ang dagundong ng boses na nagpayanig pa sa sinaunang sisidlan ng tubig. Nahintakutan na sila na baka minumulto na ng may-ari niyon na nabuhay noong panahon pa ng Kastila.

"A-Ano 'yun?" namumutlang tinanong ng dalaga sa nobyo. "H-Halimaw sa banga?"

"Hindi ko rin alam, Besh! Parang galing sa imburnal 'yun boses!"

Dahan-dahan na sumilip pa silang dalawa sa loob ng banga. Tanging kadiliman lamang ang nakita nila mula roon at kaunting sapot ng mga gagamba. Lumunok ng makailang beses si Spartan habang inilalapit ang mukha roon upang mapakinggan kung anong kababalaghan ang nagaganap.

"H-Hellooo?" sinambit pa niya sa may bunganga nito. Mahinang pag-alingawngaw lamang ang narinig kaya mas kinabahan siya. Nanlalamig ang mga palad na napahawak pa siya sa kamay ng girlfriend sa pag-aalalang may bubulagang halimaw pa.

Aswang Hunters Series: SpartanOnde histórias criam vida. Descubra agora