Chapter 35: Babala

27 3 0
                                    

Nakayuko at tahimik na pinagmamasdan ni Spartan ang pagkilos ng mga businessman na naroon sa conference room. Medyo naaalangan na siya sa kinaroroonan pero sinisikap pa rin niyang ipunin ang self-confidence upang hindi naman mapahiya si Armageddon.

Kaninang umaga lamang ay nagluluto siya ng sinangag at tocino pero ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na naka-corporate getup na siya.

Sadyang isinama pala siya nito sa real estate company upang unti-unting ma-expose na siya sa buhay ng mga Catacutan. Lihim din nitong sinusubok kung paano siya makikisalamuha sa mga maykaya at kung hindi ba siya susuko sa oras na malaman kung gaano kahirap makisama sa mga alta de sociedad.

Ngayon pa lang ay gulong-gulo na siya sa pinag-uusapan patungkol sa negosyo pero pinipilit pa rin niyang intindihin ang bawat salita. Pasimpleng napahawak na lang siya sa may kurbata at niluwagan nang kaunti sapagkat pakiramdam niya ay maninikip lalo ang paghinga niya sa bigat ng topic na pinag-uusapan.

"Ang brain cells ko, pigang-piga na!" tahimik na naisip niya habang pilit na ina-absorb ang lahat ng mga sinasabi ng mga executives na naroon. "Nosebleed pa ang English!"

"Pero carry ko ito, dapat maipagmalaki ako ng mahal kong si Delilah kaya tiyaga-tiyaga lang!' pagpapalakas din naman siya sa loob.

"Indeed, the economy's state is bearish* right now pero hindi sagot sa problema ang mass layoff," pagkontra ni Armageddon sa panukala ng kasamahang mga negosyante na gustong magbawas ng mga empleyado. "There are other ways to boost our income. And besides, temporary lang naman ang estado ng ekonomiya. No need to worry so much kasi sa prediction ko, makakabawi rin tayo sa kita at the end of the year."
(Bearish economy-ang ibig sabihin ay hindi maganda ang estado ng ekonomiya)

"At the end of the year?" napabulalas ni Mrs. Badsheperd, isang socialite na stockholder din sa korporasyon. "You'll risk na bababa ang kinikita natin dahil lang sa mga empleyado? No way!"

"Tama!" pagsang-ayon naman ng asawa nito na katulad niya ay walang pakialam sa mga trabahador dahil ang importante lang sa kanila ay ang kumita. "Magbawas na muna tayo ng tao. Kapag lumakas ulit ang kita, doon na tayo mag-hire muli!"

"I understand na nakaka-bother nga na medyo hihina ang kita natin pero paano naman ang mga empleyado?" pagdepensa pa rin ni Armageddon sa sinabi kanina lamang. "Saan sila pupulutin kung padalus-dalos tayong tatanggalin sila?"

"Hindi pwede ang awa rito, Mr. Catacutan," pagpapaalala ng kadebate. "Business is business. I think most of us would agree na mag-mass layoff."

Nagbulung-bulungan ang mga naroon at 'di nagtagal ay pinagtulungan na si Armageddon. Tanging ang ginoo lang ang tutol sa pagbabawas ng mga empleyado kaya ramdam ni Spartan ang pagkabahala nito na matalo sa usapan. Hindi naman ito takot at nagpapatinag sa mga kasamahan pero kitang-kita niya ang malasakit nito sa mawawalan ng mga trabaho kung manalo man ang kagustuhan ng mga kapwa negosyante.

"Tahimik ang assistant mo," pagpuna na ni Mrs. Badsheperd kay Spartan. Kanina pa pala siya pinasmamasdan ng ginang at hindi nakalagpas sa paningin nito ang kilos niya na halatang hindi nga mayaman. Matalas pa naman ang pakiramdam nito sa mga dukhang katulad niya sapagkat noong kabataan pa, nagmula rin ito sa mahirap na pamilya.

Sa kasamaang-palad, imbis na makisimpatya sa kanya ay lalaitin pa pala nito ang pagkatao niya. Tila ba nakalimutan na nito ang pinanggalingan kaya walang kiyeme na pinag-initan pa nito ang walang kamuwang-muwang na si Spartan.

"Baka naman may gusto siyang sabihin, Mr. Catacutan," pagturan nito sa binata na nanatiling nakatungo at walang kibo. "Huwag mong sabihin na eye candy lang ang dinala mo rito. Siguro, kaya ginawa mo siyang personal assistant ay para marami kang makumbinsing mga negosyanteng mahilig sa gwapo..."

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now