Chapter 27: Aswang Ambush

50 4 3
                                    

Malalim na ang gabi nang makabalik sa Cuh-Piz si Spartan. Hila ang trolley bag na ginamit sa pagde-deliver ng mga packages sa Tuk-O, pinagtitiyagaan niya ang paglalakad pauwi sapagkat wala nang dumadaan na mga sasakyan. Nang dahil sa takot ng mga naroon sa napapabalitang pam-a-ambush ng mga aswang, alas-sais pa lang ng gabi ay nasa mga bahay na ang karamihan, lalo na ang mga nasa liblib na lugar.

Nang dahil sa sobrang pagod ay umupo muna siya sa gilid ng daan kung saan may nagtataasang mga talahib at naglalakihang puno ng balete. Nilabas niya ang bote ng tubig sa bag upang uminom. Paglapat pa lang nito sa bibig ay napaaray na siya nang aksidenteng matamaan ang pumutok na labi.

Mahapdi man ay tiniis pa rin niyang tunggain ang likido sapagkat pakiramdam niya ay made-dehydrate na siya sa maghapong pagtatrabaho. Nang maibsan ang uhaw ay dahan-dahan niyang pinunasan ang bibig na sariwa pa rin ang sugat.

"Paniguradong mapapagalitan ako ni Kuya Gladiator kapag nakita niya ang mga sugat at pasa ko," naisip pa niya habang binabalik sa bag ang bote. "Paniguradong maha-highblood lalo 'yun kapag nalaman pa niyang kaya ako napaaway kay Samson dahil pinuntahan ko si Delilah! Inulit-ulit pa naman niya na huwag na huwag muna akong makikipagkita! Sureness, malalagot talaga ako nito!"

Napabuntong-hininga na lang siya sa hassle na dulot ng away nila ni Samson. 'Di nagtagal ay naging malamlam na ang mga mata nang maalala ang pagtataboy ni Delilah at pagkampi pa sa karibal.

"Sana, paggising ko bukas, magbago pa ang isip niya," tahimik na paghiling pa niya. Tulirong inangat niya ang tingin at pinagmasdan ang bilog na buwan. Kapansin-pansin ang matingkad na liwanag nito na tila ba nagniningning pa sa gitna ng kadiliman. Napangiti siya nang sumagi sa isipan ang lumang alamat kung bakit nakadikit ang buwan sa mundo.

Ayon sa kuwento ng dating guro noong nasa elementarya pa, si Earth ay dating prinsesang bituin na umibig sa alipin na si Moon. Sa kasamaang-palad, nagkagusto ang prinsipeng si Sun sa babae at upang maagaw ito, pinakulong niya ang karibal at hinatulan pa ng kamatayan. Upang mailigtas si Moon, nakiusap si Earth sa diyos ng mga bituin na iligtas ang lalaking iniibig at ibigay na rin ang kalayaan nito. Pumayag naman ang kanilang panginoon kapalit ng liwanag na taglay niya.

Dahil sa pagkawala ng kanyang ningning, tuluyan na siyang nanghina. Iyon ang rason kung bakit kahit saan man siya magpunta, hindi siya iniiwan ni Moon at patuloy na inaalalayan kahit lumipas man ang mga taon. Ibinabahagi rin kasi nito ang sariling liwanag sa asawa dahil alam nito na sa oras na humiwalay, tuluyan nang magdidilim at mamamatay si Earth. Palagi rin itong nakasunod sa kanya upang maprotektahan mula kay Sun na patuloy pa rin sa paghahabol.

Sa mga pagkakataon na matingkad ang liwanag ni Moon, 'yun daw ang mga panahong sobrang saya siya sa piling ng pinakamamahal. Kapag nagdidilim naman ay nagkakatampuhan silang mag-asawa. Paiba-iba man ang estado ng kanilang relasyon, hinding-hindi pa rin lilisanin ng lalaki ang kanyang kabiyak kahit magunaw man ang buong kalawakan.

"Mabuti pa si Moon, may love of his life na si Earth," pag-aanalisa pa niya habang nakatitig sa buwan. "Sana all, kainggit!"

"Pero ang weird naman ng alamat! Dapat si Sun 'yun naparusahan! Ang unfair naman ng diyos nila!" napagtanto pa niya sapagkat hindi siya maka-get over sa bittersweet ending ng istorya.

Habang nagpapahinga si Spartan at nagmumuni-muni, kasalukuyan naman na nasa daan pa ang drayber na si Mang Lapulapu, kasama ang mga pasahero. Ginabi na sila ng uwi
sapagkat nasira ang sasakyan at ngayon lang nakaandar nang maayos. Hindi man ginusto ang nangyari, nagrereklamo at pinagbubuntunan pa rin siya ng galit ng mga hinahatid.

"Bilisan mo at baka maabutan na tayo ng mga aswang!" sinigaw ng isang ginang na sadyang bungangera. "Tsk! Ang kupad naman, o! Dapat kasi, kanina pa tayo nakauwi, e!"

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now