Chapter 9: Tampuhan

51 4 0
                                    

Lumipas ang isang buwan at hindi pa rin pumasok si Samson sa unibersidad kung saan pareho silang nag-aaral ng kolehiyo ni Delilah. Masyado niyang dinamdam na pagkatapos ng mag-iisang taon na panunuyo rito, ipagpapalit lang pala siya sa kinukunsidera niyang hampaslupa.

Dismayado at kinagalitan pa siya ng kanyang ama dahil inakala nito na makakatuluyan sila ni Delilah alang-alang sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Marami kasing pag-aari ang pamilyang Catacutan na mga businesses hindi lang sa bansa maging sa buong mundyo kaya malaking "asset" ang mawawala sa oras na ayawan talaga siya ng dalaga.

"You're a disappointment. Nakakahiya ka sa lahi natin!" paulit-ulit na tumatatak sa kanyang isipan ang huling sinabi ng ama. Dahil doon, mas nagningas ang galit niya kay Spartan.

Napag-alaman na niya mula sa mga tauhan na nagmula nga ang katunggali sa 'di asensadong probinsya ng Boh-Piz at anak ng mga magsasakang sina Bruno at Medea. Salat man sa kayamanan ang lahi ng mga Dimatinag, kinukunsidera naman silang mga bayani roon dahil mahuhusay na ngang hunters ng aswang, naaatasan din manghuli ng mga kriminal na naghahasik ng lagim sa lugar, katulad ng mga magnanakaw, rapist at mamatay-tao.

Ganoon pa man, mababa pa rin ang tingin ni Samson sa mga Dimatinag kaya masamang-masama ang loob niya na isang "promdi" pa ang magugustuhan ni Delilah.

"Pagbabayaran mo ito," puno ng poot na ipinangako niya sa sarili habang nababalot na ng kadiliman ang puso.

"Pagsisisihan mo na nakilala mo pa si Delilah at isusumpa mo ang araw na naging balakid ka sa mga plano ko..."

Habang nagbabalak ng masama si Samson kay Spartan na walang kaalam-alam na makapangyarihan pala ang nabangga, abala naman siya sa pagdidilig ng mga rosas sa hardin ng pamilyang Catacutan. Napabahing pa siya nang ilang beses kaya nagduda na siya kung may tao ba na iniisip siya.

"Kanina pa ako nasasamid at napapabahing," pagtataka niya habang pinupunasan ang tumulong sipon mula sa ilong. "May nakakaalala kaya sa akin?"

"Whatever!" pagsasawalang-bahala na lang niya sa kutob kahit na kating-kati na ang ilong at lalamunan. Nagpatuloy lang siya sa pag-aasikaso sa mga bulaklaking halaman at paglilinis ng mga nalaglag at tuyong dahon.

Lingid sa kaalaman niya, sa may likuran ng isang puno, pasikretong nagmamasid naman si Delilah na iba na talaga ang tama sa karismang taglay niya. Kanina pa siya sana nitong gustong kausapin at magpapansin pero nadadaig naman ng hiya. Nami-miss na nito ang kuwentuhan at kulitan nila pero noong nakaraang tatlong araw, inakala nito na umiiwas si Spartan. Pilit nitong iniintindi na baka nga abala siya sa trabaho pero hindi rin maiwasang makaramdam ng kaunting tampo dahil sa biglaang malamig na pakikitungong natatanggap.

"Pansinin mo naman ako," tahimik na hiniling ni Delilah habang pinagmamasdan ang crush.

Mula sa ilalim ng mga halaman, gumapang pa siya upang mas mapagmasdan ang lalaking hinahangaan.'Di alintana ang alinsangan ng panahon, sumunod siya kung saan man ito magtungo hanggang sa makarating sila sa pool. Doon ay sinimulang tabasin ni Spartan ang bermuda grass at ilang mga ligaw na damong naligaw sa lupa.

"Ang init naman, sobra!" pahayag ni Spartan kasabay ng pagpunas ng pawis na nasa noo. Pagkapa sa suot na pang-itaas, napansin niya na basang-basa na pala iyon kaya napagtanto niya na kaya pala napapabahing at parang sisipunin pa, natutuyuan na siya ng pawis.

"Makahubad nga muna at baka magkapulmunya pa ako." Nagpalingong-lingon pa siya upang siguruhing walang makakakita. Sa pag-aakalang nag-iisa lamang siya sa lugar, dahan-dahan na niyang inangat ang suot na t-shirt.

Napakagat na lang ng labi si Delilah habang pinagmamasdan na hinuhubad nito ang pang-itaas. Tila ba nag-slow motion pa ang lahat habang nape-flex ang muscles nito na nagniningning pa sa ilalim ng araw. Napalunok siya nang makailang beses nang maitutok ang paningin sa abs nito na mas lumilitaw ang bawat umbok nang dahil sa pawis.

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now