Chapter 38: Pag-unawa

32 4 0
                                    

"Nag-abala ka pa," maligayang pag-appreciate ni Delilah kay Spartan na dinalaw siya sa unibersidad at dinalhan pa ng mamimeryenda. "Alam mo naman na kasama sa mga favorites ko itong turon at gulaman."

"Kaya lang, hindi ba ako nakakaabala sa trabaho mo?" pag-uusisa rin niya sapagkat batid niya na maliban sa pagiging kasambahay ng nobyo, kung minsan ay ginagawa rin na personal assistant ng ama niyang si Armageddon. "Baka may kailangan si Daddy. Unahin mo muna ang pinapagawa niya kasi pwede naman akong bumili ng snacks sa canteen."

"Nagpaalam naman ako kay Sir," tugon ng binata sa kanya. "Ang bilin din niya, samahan muna kita kapag late ka nang makakauwi sa klase. Hindi rin naman kasi kami mapapakali kung madilim na at nasa labas ka pa."

Ilang sandali lang ay nilabas nito mula sa bulsa ang panibagong bracelet na magsisilbing proteksyon niya laban sa masasamang elemento. Marahan na hinawakan nito ang kamay niya at tinanggal ang lumang pulseras na nanganganib nang masira. Pagkatapos ay itinali na nito ang kapalit at siniguradong maayos ang pagkakabuhol niyon.

"Kapag lumuwag o sa palagay mo ay malapit nang mapatid, pakisabihan ako para mapalitan ko kaagad," panuto nito sa kanya. "Iwasan mo rin na mahawakan ng iba para hindi ma-absorb ang negative vibes nila."

"Ang protective naman ng mga men in my life!" pagpuri ni Delilah sa tatay at sa boyfriend. Dahil sa umaapaw na arugang natatanggap, nakakalimutan na niya ang mga nararamdamang negatibo. Malakas na ang loob niya na kahit sino o ano man na nilalang ang magpumilit na saktan siya, hindi uubra dahil palaban ang mga lalaking pumuprotekta sa kanya.

"Pero wait lang, ha?" pagsasabi rin niya dahil baka mainip naman ang nobyo sa kakabantay sa kanya. "Mamayang six o'clock pa kasi ang huling klase ko. OK lang ba na tumambay ka muna ng dalawang oras mamaya? Baka gusto mong mamasyal muna sa labas ng campus at balikan mo na lang ako?"

"OK lang, Besh. Basta dito lang muna ako sa school garden. Mabilis lang ang dalawang oras. Hihintayin na kita rito."

"Sigurado ka ba?" Kumapit pa siya sa braso ng lalaking makailang beses na niyang napatunayan na tunay ang malasakit at dalisay ang pag-ibig para sa kanya upang maglambing. "Thanks talaga, Babe!"

Panandalian munang tinitigan ni Spartan ang pinakamamahal na nag-e-enjoy magmeryenda ng turon. Makita lang ito na maligayang kumakain ay malayo na ang narating ng kanyang imahinasyon. Napangiti pa siya nang maisip kung mayroon na silang mga anak at ipangluluto rin niya ng masasarap at masusustansyang pagkain ang mag-iina niya.

Napabuntong-hininga na siya nang mapagtanto ang layo nang nalakbay ng kanyang isipan samantalang wala pa nga silang monthsary at nasa getting-to-know each other stage pa lamang.

"May maitanong lang sana ako," nahihiyang paninimula na niyang mag-usisa kung paano nga ba mas magiging pormal ang kanilang tawagan bilang magkasintahan. Sa napapansin kasi niya, parang kabarkada lang ang pagtawag niya sa minamahal samantalang sa mga napapanood niya sa pelikula, parang ang sweet ng mga lalaki at wala man siyang binatbat sa mga ito. Wala pa naman siyang karanasan na magkanobya kaya talagang nangangapa siya sa nararapat gawin ng isang ideal boyfriend.

"Hmmm?" pagtataka ng kausap na patuloy pa rin sa paghigop ng gulaman. "Ano 'yun?"

"Ano kaya ang term of endearment na gusto mong itawag ko sa iyo? Darling? Sweetheart? Honey? O kaya naman-"

"Besh pa rin," mabilis na pagsagot na ng dalaga bago pa niya mabanggit ang ilang mga taguring nagpapahayag ng pagsinta sa nobya o asawa.

"Besh?" pag-uulit niya. "Hindi ba, parang friends lang tayo kapag ganoon?"

"Nasanay na ako na "Besh" ang tawag mo sa akin," pagpapaliwanag naman nito. "At para sa akin, ang boyfriend ay dapat "best friend" din. Hanggang sa maging mag-asawa na tayo, dapat magkaibigan pa rin. 'Yun tipong kahit mawala na ang kilig-kilig, kaya pa rin natin pakisamahan ang isa't isa at hindi mawawala ang love and care. Kaya hanggang sa uugud-ugod na tayo, ang itawag mo pa rin sa akin ay "Besh"."

Aswang Hunters Series: SpartanWhere stories live. Discover now