Chapter 39: Pagdududa

34 2 0
                                    

"Malayo ang pupuntahan niyo," may pag-aalalang sinabi ni Armageddon sa anak na si Delilah habang pinagmamasdan itong nag-eempake ng mga dadalhin sa biyahe patungong Jejemoon Island. "Gusto ko sana, buong pamilya na tayong magtungo roon kasi liblib 'yun lugar."

"Daddy, para naman akong baby!" patawa-tawang pagtutol ng dalaga sa panukala ng ama. "Three days lang naman kami roon at siyam kami sa grupo kaya malayo na mawawala ako."

"Bakit kasi doon pa naisipan ng group leader niyo na mag-social study? Puwede naman sa mas malapit sa Tuk-O."

"Ang theme po ng research namin ay kung paano mamuhay sa remote developing area," pagpapaliwanag niya sa tatay na kontra talaga sa naisipan nilang proyekto. "Hindi po namin malalaman ang tunay na kalagayan ng less fortunate na kababayan natin kung sa siyudad kami magbabase ng report."

"Alam ko naman 'yun. Kaya lang, bakit sa mga bulubundukin pa? Maaari naman sa patag o kaya naman doon sa isang sakay lang ng bus mula rito ang puntahan niyo."

"May foster family po kasi kami na tutulungan." Isinara na niya ang zipper ng bag nang masiguro na sapat na ang mga kakailanganin sa paglalakbay. "Nakausap na ng lider namin na si Juday 'yun pamilya. Kakilala ng kasambahay nila 'yun nanay kaya na-recommend sa kanya. Mas mainam na doon na kami magtungo kaysa makisalamuha sa mga strangers."

"Basta huwag kang lalayo sa mga kagrupo mo," mahigpit na pinagbilin ni Armageddon sa bunso. "At iwasan mong makipag-usap kung kani-kanino. Nag-iingat lang tayo lalo na at lapitin ka pa naman ng masasamang elemento."

"Opo, mag-iingat naman ako." Pinakita ni Delilah ang suot na bracelet pangontra kulam na binigay ni Spartan. "At may dala rin akong holy water kaya siguro naman po, sobra-sobrang proteksiyon na ang dala ko."

Iba man ang kutob ng ginoo sa proyekto ng anak ay hindi rin naman niya magawang maawat ito. Mali rin naman na paghigpitan ito nang sobra-sobra at baka magrebelde pa o kaya naman ay hindi matutong maging independent.

"Sige, anak," pagpayag na niya. "Kapag may problema, tawagan mo lang kami kaagad."

"Opo, Daddy."

Tinawag na ng dalaga ang nobyong si Spartan upang magpatulong na bitbitin ang mga bagahe.

"Medyo kinakabahan din ako, besh," panunubok ng binata na pigilan si Delilah na magtungo sa Jejemoon Island. "Sa palagay ko, may point si sir. Sumama na lang kaya ako para masigurong ligtas ka?"

"Ngi, naka matsismis pa tayo na nagde-date, mwehehe!" napabulalas naman ng kausap sa suhestiyon niya.

"Bakit naman, mahal?" nakangusong pagmamaktol niya kunwari. "Ayaw mo ba akong makasama? Tinatago pa ba natin ang relationship natin sa mga friends mo?"

"Hindi naman sa ganoon, babe. Gustong-gusto kitang isama kaya lang project kasi ito na dapat kami mismo na magkakagrupo lang ang involved."

Nagpaliwanag man ang nobya ay kapansin-pansin na naging matamlay pa rin si Spartan. Katulad ni Armageddon, nag-aalala rin siya lalo na at may history na ng kulam ang pinoprotektahan. Medyo nagtatampo rin siya sapagkat parang umiiwas pa ito na makapiling siya samantalang ang hangad lang niya ay ang masigurong ligtas ito.

"Hayz, huwag ka nang ma-sad," paglalambing na ni Delilah nang mapansin na biglang tumahimik ang kasama at nagdaramdam nga. Hinaplos-haplos na niya ang pisngi ng binata na iba talaga ang kutob sa pupuntahan nilang isla. "Di bale, pagkatapos nitong research namin, mamamasyal tayo sa park, okay?"

May agam-agam man ay sinikap na ngumiti ni Spartan bilang pagsang-ayon. Niyakap niya at hinagkan na lang sa pisngi ang minamahal bago ito sumakay ng kotse.

"Promise, beshie loves ko, ha?" sinambit niya habang maingat na isinasara ang pintuan ng sasakyan. "Ngayon pa lang, nami-miss na kita..."

"Oo, promise!" pangako naman nito kaya kahit paano at napanatag na ang kalooban niya.

Aswang Hunters Series: SpartanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon