CHAPTER 1

3.6K 59 15
                                    

TW: Abuse

* * *

Dhianne winced when she felt her father's belt hit her thigh. She also bit her lower lip para hindi makagawa ng anumang ingay.

Pigil na pigil niya ang humikbi ng malakas. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga pasa sa katawan niya kaya nanahimik na lang siya kahit sa loob-loob niya ay gusto niyang magsusumigaw sa sobrang sakit.

"Please... stop..." She whispered while sobbing, but her father didn't listen to her, patuloy lang siya nitong hinahampas ng belt sa hita niya.

"Tangina mo talagang bata ka! Bakit kasi kinuha ka pa ni Melissa! Wala ka namang kwenta!" Her father exclaimed. She just closed her eyes and prayed.

Lord, please, help me po. Ayaw ko na po. She begged.

"Lumayas ka na nga sa harapan kong leche ka!" sigaw ng tatay niya sabay tulak sa kaniya ng malakas dahilan para matumba siya. Napangiwi na lang siya sa sakit.

Bumuntong hininga muna siya bago pinunasan ang luha sa mukha niya at maya-maya ay unti-unting tumayo para umalis doon at magpunta sa silid niya.

Kahit nahihirapan sa pagtayo ay pinilit niya para lang makaalis sa harap ng tatay niya.

Pagpasok na pagpasok niya sa kwarto niya ay agad siyang humiga sa kama niya at nagtalukbong ng kumot. Doon ay muli siyang humagulgol ng iyak.

"B-bakit ko ba n-nararanasan 'to? Gusto ko l-lang naman ng p-pagmamahal ng isang m-magulang." nahikbing sabi niya.

"M-ma, b-bakit mo naman k-kasi ako iniwan agad?" She said habang nakapikit at inaalala ang masasayang araw nila ng mama niya.

"I miss you na, Ma. P-please balik ka na." mas lumalala lang ang iyak niya dahil doon. Naging dahilan para mahirapan siya sa paghinga.

Dahil doon ay kinuha niya ang inhaler niya para makahinga ng maayos. Nang kumalma ay bumuntong hininga siya at humiga para matulog.

Dahil na rin sa pagod kakaiiyak ay nakatulog na rin siya agad. Araw araw gano'n ang sitwasyon niya.

"Dhianne! Punyeta! Bakit walang pagkain!" napabalikwas siya ng bangon nang marinig niya ang galit na boses ng tatay niya.

Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakahiga niya. Natumba pa siya dahil sa panghihina ngunit hindi niya na ininda 'yon at kumilos na sabay punta sa kusina.

"P-pa, s-sorry nakatulog k-kasi ako–" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng biglang binato siya ng tatay niya ng plato na tumama sa balikat niya.

Buti na lang at hindi 'yon babasagin kaya hindi siya gaanong nasaktan. She just bit her lower lip, nagpipigil na umiyak.

"Wala akong pakealam! Maghanda ka ng pagkain, bwiset na buhay 'to!" inis na singhal ng tatay niya at lumabas ng kusina.

She sighed and hinayaan na tumulo nang tumulo ang luha niya. Kung iniipon niya siguro ang luha niya sa araw-araw ay baka pwede ng maging ilog 'yon.

While she was preparing her father's food, she just kept on crying. Buti na lang may natirang ulam na niluto niya kaninang tanghali.

Her mother died when she's 10 and now she's 15. Namatay sa sakit sa puso. At the age of 15, natuto na siyang magluto at kung ano-ano pa para sa tatay niyang mainit ang ulo lagi sa kaniya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now