CHAPTER 20

876 36 9
                                    

"What happened, mga anak?" agad na tanong ni Dianna sa mga anak pagdating ng mga ito sa bahay nila.

Tinawagan kasi ni Shawn ang mga magulang para ipaalam dito na may mahalaga silang sasabihin dito.

Hinintay pa muna nila ang mga magulang ni Josephine na dumating sa hospital bago sila umalis doon. Umuwe na rin si Flawrence nang umuwe sila.

Kinausap na rin nila ito at nagpaliwanag dito. Tatawagan na lang nila ito kapag kailangan. Gusto rin kasi ni Flawrence na tumulong dahil kaibigan daw nito si Dhianne.

Ayaw nga nila Shawn kaso mapilit ito kaya hinayaan na lang nila. Okay lang din naman sa kanila 'yon kaso nag-aalala silang baka mapahamak ito. Ayaw naman nila itong madamay sa gulo ng pamilya nila.

"Mom, Dad. Dhianne got kidnapped." Shawn seriously said and his mother gasped in shocked.

"What?! Oh my!" nanghihinang sabi ni Dianna at muntik ng matumba na naalalayan naman agad ng asawang katabi lang niya kaya hindi tuluyang natumba.

"A-alfred. Our daughter." umiiyak ng sabi ni Dianna.

Niyakap lang naman siya ng asawa kaya napahagulgol na lang siya sa dibdib nito.

"Nasa hospital po si Josephine ngayon dahil tinulak siya nang malakas at nauntog siya sa sahig nang subukan niyang iligtas si Dhianne. She told us what happened. Susunduin sana namin sila pero 'yun ang nangyare, 'yun ang naabutan namin. Josephine told us that someone kidnapped Dhianne, na may humintong van sa gilid nila at pilit kinukuha si Dhianne." Jazley explained.

"No, not again. Alfred, we need to do something. Ayoko ng maulit ang nangyare sa panganay natin. Kapag may nangyareng masama kay Dhianne baka hindi ko na talaga kayanin." umiiyak na sabi ni Dianna sa asawa na tahimik lang.

Si Jazley naman na narinig ang sinabi ng ina ay nasaktan. Gusto man niyang sabihin sa mga ito na buhay naman talaga siya ay hindi pa pwede, lalo na at nasa ganito silang sitwasyon. Kailangan pa niyang magtiis muna.

Hindi rin kasi niya alam kung ano bang itsura ng taong kumidnap sa kaniya noon, sa taong malaki ang galit sa kanila dahil nakamaskara o 'di kaya'y nakasuot ito ng face mask sa tuwing haharapin siya.

Gusto na niyang matapos ang problema nilang 'to para mamuhay na sila nang maayos. Sawang-sawa na siya sa ganitong sitwasyon nila. Nasasaktan siya para sa pamilya niya.

"Don't worry, Mom. Kaming bahala. Sisiguraduhin naming hindi mangyayare kay Dhianne ang nangyare kay kuya Jazz." Vaxton said.

Napangiti naman si Jazley sa sinabi ni Vaxton. Natutuwa siyang lumaking mabuting kuya ang mga lalaki niyang kapatid kay Dhianne at dahil na rin sa narinig niyang muli ang tawag ng mga ito sa kaniya no'ng maliliit pa sila.

"Yes, love. We'll make sure that maiuuwe namin si Dhianne nang ligtas sa 'tin. We need to calm down first, so we can think a plan on how to save our princess." Alfred seriously said.

Tumango-tango naman si Dianna at kumalma na rin pero hindi ibig sabihin na kalmado na sila ay hindi na sila kinakabahan para kay Dhianne.

Nag-aalala na sila para sa prinsesa nila pero kailangan nilang maging kalmado para makapag-isip nang maayos. Mas lalo silang hindi makakapag-isip kung pinapangunahan sila ng taranta.

"Sa office tayong lahat." seryosong sabi ulit ni Alfred at inalalayan ang asawang maglakad papunta sa office niya sa bahay nila para doon mag-usap-usap.

Nang makarating na doon ay tumahimik muna sila saglit. Sa loob-loob nila ay nag-ooverthink na sila kung kumusta na ba ang kapatid nila, kung ano na bang nangyare dito.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now