CHAPTER 36

657 31 8
                                    

"Hi, Suzainne." nakangiting pagbati ni Dhianne kay Suzainne. Ang totoong Suzainne. Nasa sementeryo sila ngayon para bisitahin ito.

Limang buwan na rin kasi ang lumipas simula nang asikasuhin nila ang pagpapalibing dito. Hindi nga mapigil sa pag-iyak si Dianna habang binababa na ang kabaong ni Suzainne sa lupa.

Ang mga magulang naman nito ay nakakulong na. Nang araw ng libing at burol ng anak nilang si Suzainne ay hinayaan nila Dianna ang mag-asawa na makita ang anak nito.

Kitang-kita rin nila ang mga pagsisisi nito, lalo na si Oliver na siyang nakapatay sa sarili niyang anak. May mga pulis namang nakabantay sa mga ito habang kasama nila ito sa burol at libing.

Wala rin namang ginawang gulo ang mga ito na ipinasalamat nila. Mukhang natauhan na rin talaga ang mag-asawa.

"In loving memory of..." hindi natuloy ni Dhianne ang pagbasa sa nakasulat sa lapida ni Suzainne dahil bigla siyang napaluha.

Alam niyang hindi sila close ni Suzainne pero hindi niya maiwasan ang masaktan para dito dahil sa dinanas nito.

"Kumusta ka na? Sana masaya ka ngayon kung nasaan ka man. I hope na nasa maayos kang lugar." sabi na lang niya matapos punasan ang luha.

Sa tabi niya ay ang mga kuya niya. Sila-sila lang ang magkakasamang bumisita kay Suzainne. Ang mga magulang nila ay nasa ibang bansa para sa trabaho ng mga ito. Saka na lang daw nila ulit ito bibisitahin.

After din no'n ay nilapag niya na ang dala nilang bulaklak na binili nila kanina bago ito puntahan. May dala rin silang pagkain para dito at sa kanila.

Naisipan kasi nilang magpicnic kasama ito. Nag-ayos na nga rin sila at nang matapos ay nagsimula silang kwentuhan si Suzainne.

Nagtatawanan na rin sila. Masaya silang magkakapatid habang nakaupo sa kung nasaan man nakalibing si Suzainne.

"Mas masaya sana kung nandito ka. Sana naging close tayo." maya-maya lang ay sabi ni Dhianne matapos ng harutan nila.

Natahimik muli ang mga kuya niya dahil ramdam ng mga ito na maiiyak na naman ito. Crybaby talaga si Dhianne, na kapatid nila.

Softhearted ito kaya mauuto at mauuto ang bunso nilang kapatid dahil mabilis itong maawa.

"Goodbye na, Suzainne. Sa susunod na lang ulit." nakangiting paalam na ni Dhianne kay Suzainne. Kumaway pa nga siya dito na ikinangiti ng mga kuya niya.

"See you again, Suzainne." Jazley said with a smile on his face.

Nakaakbay na rin siya sa kapatid na si Dhianne habang 'yung iba ay nakatingin na lang sa kanila.

Pagkatapos nilang magpaalam isa-isa kay Suzainne ay umalis na sila doon. Dumiretso sila sa bahay nila.

Sa limang buwan rin na lumipas ay may naaalala na si Dhianne. Unti-unti ng bumabalik ang mga ala-ala niya at natutuwa siya doon, sila dahil malapit na itong makaalala nang tuluyan.

Hindi na nga makapaghintay si Dhianne na mangyare 'yon. Ngayon ay tama na ang gamot na iniinom niya at weekly din ang check-up niya para makasiguro.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may kakambal ako." iiling-iling na sabi ni Jazley. Nag-aasaran na naman kasi ang magkambal.

Magkambal sila pero hindi sila identical twins. Magkahawig lang sila, but hindi 'yung sobrang hawig. Malalaman mo naman kung sino si Jhacey at kung sino si Jazley.

"Me too. I still can't believe that I have a stupid twin." Jhacey said then rolled his eyes. Napaawang lang naman ang labi ni Jazley.

"Aba't... Gago ka talaga, eh, noh?" gigil na sabi ni Jazley at dinuro pa si Jhacey.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now