CHAPTER 37

615 28 4
                                    

Matapos sabihin 'yon ni Dhianne ay napaawang ang mga labi nila. Hindi nila alam ang gagawin, naubusan sila bigla ng sasabihin.

"Oh my! Really? Do you remember us na?!" nabasag ang katahimikan nang biglang isigaw 'yon ni Josephine habang nanlalaki pa ang mga mata.

"O-oo, naaalala ko na. Lahat-lahat." umiiyak na sabi ni Dhianne. Napaiyak na rin si Josephine at niyakap si Dhianne.

"Shit, thank God!" maya-maya ay sabi ni Shawn at niyakap na rin ang kapatid hanggang sa lahat sila ay dinumog na ng yakap si Dhianne.

Para na silang ewan habang yakap-yakap ang isa't isa. Konti na lang ay tutumba na sila pero tumawa lang sila. Masaya sila sa balitang nalaman.

"Let's go sa hospital para ma-check-up ka." Jazley said and they all nodded.

Sabay-sabay silang umalis ng bahay nila Jazley at iisang sasakyan na lang din ang ginamit nila para sama-sama na sila.

Pagdating sa hospital ay agad sinamahan ni Jazley si Dhianne magpa-check-up habang ang iba ay naiwan na lang.

"Tawagan ko na lang muna sina Mom para ipaalam ang tungkol dito." Jhacey said and they all just nodded.

Masaya sila dahil sa wakas, nakakaalala na ulit si Dhianne. Pero kahit gano'n ay hindi pa rin nila maiwasan ang kabahan dahil baka bawiin 'yon agad sa kanila.

"Yes, anak? Bakit napatawag ka? May nangyare ba?" agad na tanong ng Mommy niya nang sagutin nito ang tawag niya. Halata din sa boses nito ang pag-aalala.

"Nothing, Mom. May sasabihin lang po ako. Nakakaalala na po si Dhianne. Actually, we are here sa hospital for her check-up." dire-diretsong sabi niya na nagpatigil kay Dianna.

"Mom? Are you still there?" nagtatakang tano'ng ni Jhacey nang hindi na narinig ang boses ng ina.

"Yes, son. I'm still here. Nagulat lang ako kaya hindi ako nakapagsalita agad, but really?!Nakakaalala na ang prinsesa natin?!" sabi nito at rinig sa boses nito ang galak sa huling sinabi.

"Yes, Mom." masayang sabi ni Jhacey. Ngiting-ngiti nang sabihin 'yon.

"Oh my! Thank God! Love! Nakakaalala na daw si Dhianne!"

"Really?!"

Napangiti lalo si Jhacey nang marinig ang masasayang boses ng magulang niya sa kabilang linya.

Matagal nilang hinintay ang araw na ito, ang makaalala nang muli si Dhianne kaya gano'n na lang sila kasaya ngayon nang sabihin ni Dhianne na nakakaalala na siya.

"Uuwe na kami agad diyan, anak. Wait for us." masaya talagang sabi ng Mommy nila. Excited na excited ito.

Pina-cancel pa nila ang lahat ng meetings nila para makauwe na. Napailing-iling na nga lang siya at hinayaan na lang ang mga ito sa gusto ng mga ito.

"Okay, Mom. Hihintayin namin kayo and please, be safe." sabi niya sa dalawa.

"Yes, son. Don't worry, ligtas kaming makakauwe diyan." sabi ng Mommy niya at pagkatapos no'n ay nagpaalam na sila sa isa't isa at binaba na rin niya ang tawag.

Saktong pagtago niya ng cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon ay siya ring paglabas nina Jazley at Dhianne sa isang room kung nasaan ang Doctor ni Dhianne.

"Kumusta?" Jhacey asked.

"Wala naman gaanong sinabi at balik na lang kami ulit next week para sa next check-up para mas sure daw." Si Jazley ang sumagot. Tumango lang naman si Jhacey.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now