CHAPTER 25

705 34 8
                                    

TW: Abuse

* * *

Napangiwi si Suzainne nang mapaso siya. Nag-iinit kasi siya ng tubig at hindi sinasadyang nahawakan niya ang takore.

Mangiyak-ngiyak siya habang hinihipan ang daliri niyang napaso. Bagong init lang kasi 'yon kaya sobrang init talaga. Namumula na rin ang mga daliri niya.

"Suzainne! Where's my coffee?!" napatalon sa gulat si Suzainne nang marinig niya ang boses ng Daddy niya. Maya-maya lang ay hinanda na niya ang kape ng Daddy niya.

Nang matapos sa paghahanda ng kape ng Daddy niya ay agad niya itong pinuntahan sa sala nila para iabot dito ang kape nito.

"Here na po, Daddy." sabi niya nang nasa harapan na siya ng Daddy niya.

Nginitian niya pa ito pero hindi naman siya nito pinansin at basta lang kinuha ang kape sa kamay niya.

Napabuntong hininga na lang siya at umalis na din doon pagkatapos nitong kunin ang kape nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto niya ay nangingilid ang luha niya.

Hindi niya maiwasang maiyak. Simula ng lumipat sila ng Pilipinas ay nag-iba na ang trato sa kaniya ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung bakit.

No'ng nasa Brazil pa sila ay maayos pa naman ang trato ng magulang niya sa kaniya. Malambing pa nga ang mga ito sa kaniya. Nagbago lang ng nasa Pilipinas na sila.

Buong akala pa naman niya ay mas magiging close at masaya sila pagdating nila sa Pilipinas pero hindi nangyare ang inaasahan niya.

Nang gumaling na kasi siya ay lumipat na sila ng Pilipinas. Naexcite pa nga siya dahil makakapunta siya ng Pilipinas pero hindi niya inaasahan na magiging gano'n ang magulang niya sa kaniya pagdating nila sa Pilipinas.

Kung alam niya lang daw na gano'n ang magiging trato sa kaniya ng magulang niya pagdating nila ng Pilipinas ay hindi na sana siya pumayag na pumunta sila sa Pilipinas at nanatili na lang sila sa Brazil.

Nagsimula na rin ang mga magulang niya na saktan siya. 'Yun ang isa sa mga hindi niya inaasahan na gagawin sa kaniya ng mga magulang niya.

Napapaisip na tuloy siya kung may nagawa ba siyang masama sa mga magulang niya para bigla itong magbago.

Halos tatlong taon na ang nakalipas simula ng magising siya sa pagkaka-comatose niya. Isang taon siyang comatose at may amnesia pa siya. Hanggang ngayon hindi niya pa din naaalala ang iba niyang mga alaala.

May pinapainom namang gamot sa kaniya ngunit wala namang nangyayare. Naiisip niya na baka hindi na babalik ang mga alaala niya.

Halos dalawang taon din bago siya tuluyang naging maayos. Bago siya tuluyang gumaling at ang mga sugat niya sa katawan. Kaya isang taon na din sila sa Pilipinas.

Gusto niya mang tanungin ang mga magulang niya sa tunay na nangyare sa kaniya ngunit natatakot siya. Wala din namang sinasabi ang mga ito sa kaniya.

Umaasa siya na baka isang araw ay magsabi na ito at bumalik na sa dati. Na baka isang araw ay bumalik na sila sa dati na masaya sila.

Mag twenty year's old na siya pero hindi niya 'yon maramdaman. Nang mag debut nga siya ay walang party na naganap. Nasa kwarto niya lang siya, nagmumukmok.

Ni hindi siya binati ng magulang niya kaya wala na siyang inaasahan na kahit ano sa mga magulang niya simula ng lumipat sila ng Pilipinas.

Napapansin niya rin na may accent ang mga magulang niya sa pagsasalita ng tagalog. Pansin niyang hindi sanay ang mga itong magtagalog pero siya ay sanay na sanay. Mas marunong pa nga siyang magtagalog kaysa sa mga ito.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now