CHAPTER 15

821 44 5
                                    

Nanatiling tahimik ang tatlo habang kunot noo pa rin silang tinitingnan ni Josephine. Narinig niya kasi ang salitang kapatid at pangalan na Dhianne pagpasok niya kaya nacurios siya.

"Ahm, nevermind. Hindi naman ata importante 'yon. Nacurios lang ako dahil kapangalan ni Dhianne cutie. By the way, nandito ako kuya kasi may sasabihin ako." nakahinga nang maluwag ang tatlo dahil sa sinabi ni Josephine.

Maya-maya ay napailing na napangiti na lang si Shawn at umayos na ulit ng upo, gano'n din ang mga kapatid niya at si Josephine.

"So what's the problem?" ngiting tanong ni Vaxton sa pinsan na agad namang ngumuso.

Pagkatapos no'n ay doon kwenento lahat ni Josephine ang mga nangyare kanina at ang mga gusto niyang sabihin at kung bakit kailangan niya ang tulong ng mga ito.

"She's so creepy talaga, kuyas. Nagtatawanan lang kami talaga ni Dhianne cutie habang naglalakad papunta sa room namin nang bigla silang sumulpot at humarang sa dinaraanan namin tapos sinabi ang mga 'yon. Parang kilala nila kami nang lubos. Ni hindi nga namin sila kilala, eh kaya nagtataka talaga kami. Natatakot tuloy si Dhianne cutie. Dahil sa kanila nasa clinic si Dhianne cutie ngayon." sabi ni Josephine sabay nguso ulit.

"What?!" napatalon naman sa gulat si Josephine dahil sa biglaang pagsigaw ng tatlo. Hindi niya inaasahan ang reaction ng mga ito.

"What happened to her? How is she?" sabi pa ni Shawn na kunot ang noo. Tiim ang bagang habang nakakuyom ang kamao.

"She's fine now, kuyas. Inatake siya ng hika niya that's why dinala ko siya sa clinic. Nagpapahinga lang siya sa clinic ngayon." nagtataka man sa ikinilos ng tatlo ay sinagot niya pa rin ang tanong ni Shawn.

"Good to hear that." They whispered and Josephine just shrugged. Hindi na nagtanong pa. After a while ay akmang magsasalita pa siya nang tumunog ang cellphone niya.

"Oh, natawag si Dhianne cutie. Wait lang, kuyas. Sagutin ko lang 'to." sabi ni Josephine na ikinatango lang ng tatlo saka naman tumayo si Josephine at naglakad muna palayo sa tatlo.

Nang makalayo si Josephine ay nagkatinginan ang tatlo. Sabay-sabay pang nagkibit balikat.

"I'm worried, kuyas." maya-maya ay sabi ni Felix. Tinigil niya na rin ang pagbubuo ng rubic cubes na kanina niya pa binubuo.

"Kami din, Felix. We should visit her tomorrow." Shawn said and agad namang sumang-ayon ang dalawa.

Nag-usap-usap pa sila habang hinihintay na bumalik si Dhianne. Pinag-uusapan nila ang balak nilang pagbisita dito at ang mga plano nila.

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na si Josephine kaya natigil na sila sa pinag-uusapan at umayos. They even cleared their throat.

"I need to go na, kuyas. Hanap na ako ni Dhianne cutie, eh. Thank you ulit, kuyas, ha? Sa 'tin lang 'yung mga pinag-usapan natin, ah? I'll tell about this later to my Dhianne cutie na lang." Josephine said with a smile on her lips.

"Noted, Ma'am. Ingat kayo, take care of yourselves." Vaxton said and walked towards his cousin para yakapin ito. Gano'n din ang ginawa ng dalawa.

Ngiting-ngiti tuloy si Josephine. Sobra siyang nagpapasalamat at maswerte dahil may mga kuya siyang pinsan na nandiyan sa tuwing kailangan niya ng tulong. Na lagi niyang naaasahan ang mga ito.

Hindi rin naman nagtagal ang yakapan moments nila at umalis na rin si Josephine kaya naiwan na naman silang tatlo.

Hindi pa man sila nakakaupo sa kinauupuan nila kanina nang marinig naman nila ang boses ng mga magulang nila.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now