EPILOGUE

657 24 13
                                    

Abala sa paghahanda ang pamilya Fernandez dahil ngayon ang araw ng pagtatapos ni Dhianne sa kolehiyo sa kursong kinuha nito.

Hindi mapigilan ng lahat ang matuwa at maexcite sa araw na ito. Sobra din ang proud nila kay Dhianne dahil sa wakas ay makakagraduate na ito.

Kumpleto rin sila sa araw na ito. Hindi nila pwedeng mapalampas ang importanteng araw na ito para kay Dhianne.

Talagang pina-cancel nila ang mga appointments, meetings at kung ano-ano pang kailangan nilang gawin sa araw na ito para lang sa pagtatapos ni Dhianne. Hindi kasi nila hahayaan na hindi nila ito madaluhan.

Sa ilang taon na lumipas ay maraming nangyare. Hindi naman maiiwasan ang mga gano'n dahil parte na ng buhay ang maraming ganap sa buhay ng lahat.

Sa ilang taon rin na lumipas ay naging maayos naman ang pagmumuhay nilang lahat. Walang mga gulong nangyare.

Ang mga kaklase ni Dhianne nang magpaopera siya ng mukha. Nang ibalik sa dati ang mukha niya ay nasanay na rin katagalan na makitang gano'n na ang mukha niya at hindi na katulad ng dati nitong mukha na mukha ni Suzainne na siyang nakikita pa nila noon bago siya magpaopera.

"Is everyone ready?" tanong ni Dianna sa pamilya niya.

Nang sabay-sabay na tumango ang mga ito sa kaniya ay napangiti siya.

"Okay, let's go na. Come here, sweety." sabi nito at malambing na tinawag si Dhianne na malambing rin namang lumapit sa kaniya.

Maingat na hinaplos ni Dianna ang pisnge ng anak. Naiiyak pa nga dahil hindi siya makapaniwalang magtatapos na ito. Na magagawa niyang makapunta sa graduation nito na buong akala niya ay hindi niya magagawa no'ng mga panahong hinahanap pa lang nila ito.

"I'm so proud of you, sweety. Proud na proud kami sa 'yo." sabi ni Dianna sa anak at natawa ang boys ng pamilya nila nang makitang maluha ito. Napairap tuloy si Dianna at hindi na lang pinansin ang mga lalaki.

"Thank you po, Mommy. Don't cry na po, masisira ang make up natin, eh. Naiiyak na rin kasi ako." natatawang sabi ni Dhianne habang pinupunasan na ang pisnge ng ina para alisin ang mga luha nito, gano'n rin naman sa kaniya ang ina niya. Nagpupunasan lang sila ng luha ng isa't isa.

"Oh, so sorry, sweety." natatawang naiiling na sabi ni Dianna.

"Stop the drama na nga." maarteng sabi ni Felix na ikinatawa nila.

"Sus, inggit ka lang kuya, eh. Halika nga, hug na lang kita." sabi naman ni Dhianne at inangat ang dalawang kamay para yakapin ito.

Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo palapit sa kaniya si Felix at mabilis na tinanggap ang yakap niya. Natawa naman siya at mahigpit na niyakap ang kuya Felix niya.

"Hey, kami din!" sigaw bigla ni Jazley at tumakbo na rin palapit sa kanila. Natawa na lang siya ulit, lalo na nang makitang tumakbo na lahat palapit sa kaniya.

Ang ending, nag group hug silang lahat. Kasama na ang magulang nila do'n siyempre. Matapos no'n ay nagkaroon pa sila ng iyakan moments muna tapos nag selfie muna sila bago tuluyang umalis ng bahay nila para pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang seremonya ng pagtatapos ni Dhianne.

Pagkarating nila sa venue ay marami ng tao. Magsisimula na rin kasi ang seremonya. Hindi naman maiwasan ni Dhianne ang kabahan.

"Doon na ako, Mom, Dad, kuya." paalam ni Dhianne sa pamilya niya. Magkahiwalay kasi ang upuan ng mga ito sa upuan nilang mga studyante.

"Okie, we are just here. Kukuhanan kita ng pictures! I'm excited!" excited na sabi ng Mommy ni Dhianne na ikinangiti niya na lang.

Bago siya tuluyang umalis sa tabi ng pamilya niya ay muli silang nagyakapan at hinalikan pa siya ng mga ito isa-isa sa noo niya na ikinangiti niya nang malaki.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now