CHAPTER 9

933 40 11
                                    

Mahinang natawa si Jazley nang makita niyang nahihirapan si Dhianne gamitin ang laptop na bigay niya dito.

Ibinigay niya ito kay Dhianne para hindi na ito mahirapan pa sa school works niya. Dalawa naman ang laptop niya at ang ibinigay niya kay Dhianne ay hindi na niya ginagamit.

Ayaw pa nga sana itong tanggapin ni Dhianne pero pinilit niya si Dhianne na tanggapin ito para hindi na siya mahirapan at binigyan niya rin ito ng cellphone na maaari nitong magamit para pwede na rin siyang matawagan at hindi na mahuli sa mga balita tungkol sa school nila.

Nasa may study room silang dalawa. Dito nagawa ng school works si Jazley noon, no'ng nag-aaral pa siya. Ngayon ay mukhang si Dhianne na ang gagamit. Buti na lang pala at hindi niya pa ito pinapaalis. Naging tambayan niya na rin kasi ito at napamahal na sa kaniya kaya ayaw niyang ialis ito.

"Anong ginagawa mo, hmm?" tanong niya na at naglakad palapit kay Dhianne.

"Ah, nag-eedit lang po. Nahihirapan nga po ako kung paano gawin, eh hehe." nahihiyang sabi nito na ikinangiti lang ni Dhianne.

"Gano'n ba? Tulungan na kita." alok ni Jazley at naupo sa tabi ni Dhianne na natuwa sa narinig.

"Talaga po? Salamat po." tuwang sabi ni Dhianne na ikinangiti lang ni Jazley.

Matapos nga no'n ay nagsimula na silang dalawa. Nagsimula ng tulungan ni Jazley si Dhianne sa paggamit ng laptop at sa school works na rin nito.

Ang tungkol sa tatay-tatayan ni Dhianne ay tuluyan na itong nakulong. Napatunayan nilang hindi maganda ang trato nito kay Dhianne.

Tuwang-tuwa si Jazley dahil naipanalo nila ang kaso at nagpapasalamat siya sa kaibigan niyang lawyer, na si Marcelo dahil sa tulong nito.

Si Dhianne ay masaya naman dahil sa nangyare pero hindi niya pa rin maiwasan ang maawa sa tatay-tatayan niya.

Nakwento na rin ni Jazley ang lahat sa Mommy niya at tanggap naman nito ang desisyon niya at si Dhianne. Masaya pa nga ito sa nalaman.

Pinatingin na rin ni Jazley si Dhianne sa doctor at may mga sinabi ito sa kaniya para kay Dhianne.

Habang naghihintay sa sasabihin ng doctor ay tahimik lang si Jazley. Nasa labas na si Dhianne kasama si Marcelo habang siya ay nasa loob ng office ng doktora.

Tapos ng icheck-up si Dhianne at nandito siya sa loob para makausap ang doctor para sa mga kailangang gawin kay Dhianne o sa mga gamot na kailangan nito.

Para din malaman kung may sakit ba itong nakuha, like trauma dahil sa mga nangyare kay Dhianne at sa naranasan nito.

"Good morning, Jazy." maya-maya ay bati ng doktora nang lapitan na siya nito ulit. Binati niya rin naman ito pabalik.

Kakilala niya ang doktora kaya dito na rin niya pinacheck-up si Dhianne. Pinagkakatiwalaan niya ito kaya panatag ang loob niya. Psychiatrist din ito.

"Sa nakikita ko kay Dhianne ay okay naman siya ngayon. Ang mga pasa at sugat niya ay naghihilom na rin naman. Ipainom mo na lang sa kaniya ang inireseta kong gamot sa 'yo. Ito lang sasabihin ko sa 'yo, Jazley. H'wag niyong pabayaan si Dhianne. H'wag mong iparamdam sa kaniya na mag-isa lang siya, na walang nagmamahal sa kaniya, na hindi siya belong sa inyo. Iparamdam mo kung anong dapat. May trauma siya, malaki ang trust issues niya, lalo na sa pagtitiwala sa isang tao kaya ang swerte mo dahil mabilis mong nakuha ang loob niya. May mga kwenento siya sa 'kin kaya nalalaman ko rin ang dapat kong sabihin sa 'yo. Nagtatanong ako sa kaniya. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo sa kaniya para unti-unti niyang mapakawalan ang sarili niya sa nakaraan niya." mahabang sabi ng doktora na pinakinggang mabuti ni Jazley.

Their Long Lost Sister Onde as histórias ganham vida. Descobre agora