CHAPTER 31

560 23 3
                                    

Napabuntong hininga si Jazley matapos mabasa ang mensahe ng taong nagpapadala sa kanila ng sulat.

Hindi nila ito kilala, basta nagulat na lang sila isang araw ay may nagpadala na sa kanila ng sulat. Naging sunod-sunod ang pagpapadala nito.

Ito rin ang tumutulong sa kanila kay Suzainne. Hindi nila alam kung bakit sila nito tinutulungan at kung sino ito at bakit kilala nito si Suzainne.

Nasabi na rin sa kanila ng taong nagpapadala sa kanila ng sulat na h'wag ng alalahanin pa si Suzainne dahil nasa ligtas na itong kalagayan. Na hawak na ito ng taong nagpapadala sa kanila ng sulat.

Ang tanging gusto ng taong nagpapadala sa kanila ng sulat na gawin nila ay asikasuhin ang tita at tito nila.

Ito na raw kasi ang bahala kay Suzainne. Hindi na raw nila kailangan pang mag-alala dahil wala naman daw itong gagawin kay Suzainne na ikapapahamak nito.

No'ng una ay hindi sila naniniwala sa sinasabi ng taong nagpapadala sa kanila ng sulat. Una, dahil hindi nila alam o kilala kung sino ang nasa likod ng nagpapadala ng sulat. Pangalawa, baka isa ito sa kalaban nila na may galit din sa pamilya nila.

Pero nawala ang pangamba at nagkaroon na rin sila ng tiwala dito ng nagpapadala naman ito ng pruweba sa kanila na nasa maayos lang na kalagayan si Suzainne.

Dahil doon ay sinunod nila ang gusto nito na gawin nila. Inasikaso nila ang kamag-anak nila at marami na silang nalaman tungkol dito.

Hindi pa nila alam lahat-lahat ng mga kasalanan o ginawa ng mga ito, basta marami na rin naman silang nakuhang impormasyon sa mag-asawa matapos mag-imbestiga.

At hindi sila makapaniwalang lahat sa mga nalaman nila. Hindi sila makapaniwalang nagawa ng mga ito sa kanila ang lahat ng 'yon.

Hindi nila lubos maisip kung bakit at kung ano bang nagawa nila sa mag-asawa para pahirapan sila nang ganito.

Sa ngayon ay isinasaayos pa nilang mabuti ang lahat ng kanilang plano para sa mag-asawa. Mahigit isang linggo na rin kasi ang lumipas.

"Anong sabi sa sulat, anak?" tanong ni Dianna sa anak. Tiningnan naman siya ni Jazley.

"Babasahin ko, makinig kayo." sabi niya at muling binuklat ang sulat.

Tumango naman ang lahat bago inayos ang sarili para pakinggang mabuti ang sasabihin ni Jazley.

"How's your day, guys? I hope you're all okay. Don't worry about Suzainne. Like I said, she's okay. She's doing fine and I'm always taking care of her. I'm always making sure that she's okay. By the way, I wanted you to know that I have a big revalation to make soon and I wanted you to be ready. For now, continue what you are doing. Don't worry because I'm helping you about that demons. I'm referring to Suzainne's unreal parents. And about revelation that I'm talking about soon, that's also the time that you will see Suzainne again. That's all for today, J.C." pagkatapos basahin 'yon ni Jazley ay natahimik lang ang lahat.

Hindi nila alam kung ano ang revelation na tinutukoy nito. Kinakabahan silang lahat para doon. Hindi nila alam kung bakit.

Pakiramdam nila ay sobrang halaga ng revelation na 'yon. May kung ano silang ibang nararamdaman tungkol doon. Curious na curious na talaga sila kung sino ba itong nagpapadala sa kanila ng sulat. Basta ang alam nila ay lalaki ito.

Takang-takang talaga sila kung sino ito at kung paano nitong kilala si Suzainne at ang pamilya nila.

"Hindi talaga ako makapaniwala na ang daming kasalanan ng kapatid ko. Hindi ko alam na magagawa niya ang lahat ng ito sa 'tin, lalo na sa 'kin na kapatid niya. Anong dahilan niya para gawin ang lahat ng ito?" dismayadong sabi ni Alfred.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now