CHAPTER 35

745 41 16
                                    

Sa sinabing 'yon ni Jhacey ay lahat natigilan. Kasama na do'n si Suzainne na tinawag ni Jhacey na totoong Dhianne. Wala din siyang alam sa nangyayare.

Sa nakitang reaction ni Jhacey sa lahat ay napairap siya. Kagat ang ibabang labing napahilamos rin siya ng mukha.

"Katamad mag-explain, puta." bulong niya pa.

"Kuya Jhacey, anong ibig mong sabihin?" hindi na napigilan ni Suzainne ang magtanong.

Hinarap ni Jhacey ang kapatid saka ito marahang hinawakan sa pisnge. Tinanggal niya pa muna ang luhang nakita nito sa mukha nito.

"You are not Suzainne, you are Dhianne. Dhianne Louisshana ang totoong pangalan mo at sila ang pamilya mo. Do you understand me? You are the real Dhianne. You are they real daughter and their long lost sister." Jhacey said.

"H-ha? Bakit? P-paanong..." hindi alam ng dalaga ang sasabihin.

"A-anong sabi mo?" naitanong ni Dianna matapos matauhan. Tiningnan siya ni Jhacey.

"I know you heard me, but fine. I'll repeat what I said and mag-eexplain na rin ako." Jhacey said then bumuntong hininga.

"This girl, in front of you is not Suzainne. She's Dhianne, your real daughter, your real sister. The real Suzainne is the daughter of Oliver and Miranda, the one who have the face of Dhianne. Pinagpalit ni Oliver ang mukha nilang dalawa. Hindi ko naman na siguro kailangang ipaliwanag kung bakit naging ganito sila dahil sinabi naman na ni Oliver kanina kung anong ginawa niya, right? So ang sasabihin ko na lang ay ang hindi niyo pa alam. I know masakit na sa ulo ang nangyayare, but that's life." Jhacey said then shrugged.

Hindi naman makapagsalita ang lalaking magkakapatid dahil pinoproseso pa nila lahat ng nangyayare sa utak nila.

"Back then, Dhianne was comatose for a year. Nang magising siya matapos ng isang taon ay wala siyang naaalala, hanggang ngayon. Babalik naman dapat agad ang alaala niya pero hindi nangyare dahil may gamot na pinapainom sina Oliver kay Dhianne para hindi nito maalala ang lahat ng dapat niyang maalala. In that one year, you have been happy with the real Suzainne while Dhianne, who is your real daughter and sister are not. Binubugbog, sinasaktan at kung ano-ano pa ang ginagawa nilang pagpapahirap kay Dhianne nang pumunta sila dito sa Pilipinas. I know everything because nakabantay ako sa inyong lahat, simula umpisa pa lang. Hindi niyo pa man alam na si Dhianne ang anak niyo ay nakabantay na ako sa inyo. I'm just not ready to show myself to everyone because it's not the time yet. You don't know how hard it is for me to just watch my sister, my family suffering. Gusto ko mang sumingit na, but I can't. So gumagawa na lang ako ng ibang paraan para makatulong. Now that I can finally do what I want to do, I'll make sure that you will live peacefully, especially that they already in jail. I'm sorry if I'm late." mahabang sabi ni Jhacey na pinakinggan mabuti ng lahat.

Sa narinig ay hindi alam ng pamilya niya ang sasabihin. Naubusan sila ng sasabihin, lalo na nang malaman ang lahat ng pinagdaanan ng prinsesa nila.

Hindi sila makapaniwalang habang nagsasaya sila kasama ang pekeng Dhianne ay naghihirap pala ang totoong Dhianne nila. Na may isa pa pala silang anak na nag-eexist. Sobra-sobra ang sakit na naramdaman nila.

"Nasisiguro kong simula sa araw na 'to ay makakasama niyo na siya. You can ask me now. Pwede niyo akong tanungin kung ano mang gusto niyong itanong." seryoso lang na sabi ni Jhacey.

"Bakit si Dhianne lang ang pinapaliwanag mo? Bakit hindi mo sa 'min pinapaliwanag ang sinabi mong kambal kita?" Jazley asked.

Nagtitigan lang naman silang dalawa. Habang si Dianna ay tumakbo na palapit kay Dhianne at niyakap ito nang mahigpit.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now