CHAPTER 26

548 34 4
                                    

"Hala." mahinang bulong ni Suzainne nang marealize niya na hindi siya pamilyar sa kwarto kung nasaan siya ngayon nang magising siya.

Nilibot niya ang paningin niya sa loob ng kwartong kinalalagyan niya at nagsimula na siyang kabahan.

Naalala niya ang lahat ng nangyare sa kaniya bago siya mawalan ng malay nang magising siya.

Napakapit siya sa kumot na nakataklob sa katawan niya. Nakaupo na siya ngayon sa isang malaking kama at nakasandal siya sa headboard. Nanginginig rin ang kamay niya dahil sa kaba at takot.

Hindi niya alam kung anong nangyare sa kaniya matapos niyang mawalan ng malay at kung bakit nasa isa na siyang kwarto ngayon. Kung ano-ano ng pumapasok sa isip niya.

Napasinghap siya nang bumukas ang pinto ng kwarto at may isang lalaki ang pumasok. Nagulat din ang lalaki nang makita niyang gising na si Suzainne.

"Hi. Mabuti naman at gising ka na. Okay ka na ba? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong sa kaniya ng lalaki nang maglakad ito palapit sa kaniya.

Natigilan naman si Suzainne sa tanong ng lalaki sa kaniya. Nagtaka kasi siya kung bakit pumasok sa isip niya na parang kilala niya ang lalaking pumasok. Na pamilyar ito sa kaniya.

Hindi rin niya naiwasang manlambot sa tanong nito. Ramdam niya kasing sincere ito sa tanong nito at nararamdaman niya ring mabait itong tao. Dahil sa naramdaman ay medyo kumalma siya.

"Don't worry, mabait ako haha. Hindi kita sasaktan." nakangiting sabi ng lalaki sa kaniya at naghila ito ng upuan para itabi sa kaniya at maupo doon.

"Talaga po? H-hindi niyo po ako sasaktan?" nahihiya pa niyang tanong.

Nagdadalawang isip pa nga siya no'ng una. Natawa naman ang lalaki sa kaniya.

"Oo naman. Hinding-hindi kita sasaktan kaya h'wag kang matakot sa 'kin." sabi ng lalaki at napatango na lang si Suzainne at mas tinitigang mabuti ang lalaking kaharap.

Maya-maya lang ay tinanong ni Suzainne ang lalaki. Nahihiya siya pero naglakas loob siyang tanungin ito.

"N-nasaan po pala ako? At sino po kayo?" nang matanong niya 'yon ay nahihiyang kinagat niya ang ibabang labi niya at mas hinigpitan niya ang hawak sa kumot.

"Nasa bahay ka namin at ako si Jazley. Pwede mo 'kong tawaging Kuya Jazy." nakangiting sagot ni Jazley sa kaniya.

Hindi alam ni Suzainne kung bakit biglang may imaheng pumasok sa isip niya nang marinig niya ang pangalan ng lalaking kaharap niya.

Napapikit siya at napahawak sa ulo niya dahil sa sakit na naramdaman. Agad namang nag-alala si Jazley dahil sa nakita.

"Shit, ayos ka lang? Anong nangyayare sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Jazley kay Suzainne.

Hindi niya alam kung anong gagawin, natataranta siya. Hindi niya alam kung hahawakan niya ba ito o ano.

"O-opo, pasensya na po." maya-maya ay sagot niya nang kumalma na siya. Nakahinga naman nang maluwag si Jazley at napahawak sa dibdib.

"Buti naman. Kinabahan ako sa 'yo." sabi ni Jazley at mahinang natawa.

Napangiti naman si Suzainne dahil natutuwa siya kay Jazley. Hindi niya alam kung bakit.

Ang mas lalong hindi niya maintindihan ay kung bakit bigla na lang sumakit ang ulo niya at may imaheng bigla na lang pumasok sa isip niya nang marinig niya ang pangalan ni Jazley.

Hindi naman niya totally nakikita ang kung anong pumapasok sa isip niya minsan dahil blurred ito. Alam niyang ilan 'yon sa mga ala-alang nawala sa kaniya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now