CHAPTER 6

977 45 5
                                    

"Dhianne?" napakunot ang noo ni Dhianne nang may marinig siyang boses at may kumatok pa sa pinto ng bahay nila.

Inihinto niya muna ang pagpinta sa may sala nila at tumayo para maglakad palapit sa pinto nila para pagbuksan ang taong nakatok.

Wala silang pasok at day-off niya rin sa trabaho niya at wala din ang tatay niya sa bahay nila kaya nagagawa ni Dhianne ang lahat ng gusto niya ngayon. Natutuwa pa nga siyang madalas na itong wala sa bahay. Madalas na itong hindi nauwe.

Pinagdadasal niyang sana gano'n na lang lagi para hindi na siya nabubugbog or what. Okay lang na siya na lang mag-isa ang natutulog tuwing gabi basta h'wag nang umuwe ang tatay niya.

Naalala niya rin ang 18th birthday ng ate ng kaibigan niya no'ng isang araw. Hindi niya na nakilala 'yung mga kuya nitong pinsan dahil may biglaang lakad ang mga ito kaya ang ate na lang ni Josephine ang nakilala niya.

Masaya naman ang nangyare no'n at natuwa pa ang ate ni Josephine sa kaniya nang makilala siya nito at mas natuwa pa sa kaniya dahil sa magandang regalo niya dito. Hiyang-hiya naman siya pero nakangiti naman siya.

"Sino po 'yan–" hindi na natuloy ni Dhianne ang sasabihin nang pagbukas niya ng pinto ay nakangiting mukha ni Jazley ang bumungad sa kaniya.

Sinarado niya kasi ang pinto ng bahay nila para matiwasay siyang makapagpinta na hilig niya. Ayaw niya ring mapansin siya ng mga kapitbahay nila kaya gusto niyang palaging nakasara ang pinto ng bahay nila sa tuwing nasa bahay siya.

May screen door naman sila pero ayaw niya pa rin no'n, gusto niya sarado talaga.

"Kuya Jazy!" gulat na sigaw niya at dali-daling binuksan nang malaki ang pinto at binuksan niya na rin ang screen door nila para papasukin ito.

"Kumusta ka na?" tanong ni Jazley pagbukas niya ng screen door nila.

"Okay lang naman po. Pasok ka po." nahihiyang sabi niya at inaya itong maupo sa may kahoy nilang upuan.

Nang makita ang mga kalat sa maliit na mesa ay bahagya siyang nahiya kaya dali-dali siyang lumapit doon para ligpitin at linisin 'yon.

Nagpipinta kasi siya kaya medyo makalat. 'Yun lang naman ang makalat. Hilig niya kasi ang pagpinta kaya 'yon ang gawain niya kapag wala siyang ginagawa.

"You like painting?" Jazley asked while staring at Dhianne's painting. May ngiti pa sa labi.

"Opo." Dhianne answered.

"Ako din, hilig ko din 'yan. Gusto mo bang magpinta tayo?" nakangiting tanong ni Jazley kay Dhianne.

Nanlalaki ang matang tiningnan ni Dhianne si Jazley. Natuwa siya sa sinabi nito kaya ngiting-ngiti siyang tumango agad at nang marealize ang ginawa ay bahagyang yumuko dahil nahiya siya bigla.

Mas nakaramdam siya ng hiya ng marinig niyang tumawa si Jazley. Masyado lang kasi siyang naexcite at natuwa. Hindi niya inaasahan na mahilig din ito sa pagpinta at inaya pa siyang magpinta silang dalawa.

Ni hindi niya nga inasahan na bibisitahin siya nito. Buti na lang pala talaga at wala dito ang tatay niya nang bumisita ito.

Nang nasa bahay kasi siya ni Jazley ay sinabi niya dito ang address niya at ito rin ang naghatid sa kaniya pauwe sa bahay nila kaya alam nito kung nasaan siya nakatira.

Natuwa pa nga siya na binisita siya nito dahil ilang linggo na rin silang hindi nagkikita. Namiss niya rin ito, buong akala niya nga ay hindi na sila magkikita kaya nagulat talaga siyang nandito ito ngayon.

"It's okay, Dhianne. H'wag ka nang mahiya sa 'kin." natatawang sabi ni Jazley.

"Sorry po." Dhianne said and smiled shyly at Jazley.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now