CHAPTER 12

898 44 11
                                    

"Hey, you okay?" kuha ni Shawn sa atensyon ni Jazley dahil natulala na ito ng ilang minuto.

Agad namang napakurap-kurap si Jazley dahil doon. Umiwas pa muna siya nang tingin bago tumikhim.

"Ahm, yes, sorry. And yes, I'm Jazy. What do you need from me?" seryosong tanong ni Jazley matapos niyang matauhan.

"Pwede ka bang makausap? 'Yung tayo-tayo lang sana?" Dianna said with a smile on her lips.

Nagtaka naman si Jazley kung bakit gusto siyang makausap nito. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil mukhang hindi naman siya namumukhaan ng mga ito.

Hindi lang talaga niya naiwasan ang magulat kanina dahil sila ang bumungad sa kaniya pagbukas niya ng pinto. Hindi niya inaasahan na sa ganitong araw sila ulit magkikita.

Hindi niya tuloy alam ang magiging reaction niya. Basta nagpipigil lang siyang h'wag maiyak sa mga harapan nito at sugurin ito ng yakap.

"Yes, of course. For what?" He asked then smiled. Nakakahiya naman kung hindi siya ngingiti sa mga ito.

Nagkatinginan pa muna ang mag-asawa bago siya binalikan ng tingin. Nagtataka talaga siya. Nakakapagtaka kung bakit pinuntahan siya ng mga ito.

Mukhang mahalaga ang gustong pag-usapan ng mga ito kasama siya dahil pinuntahan siya mismo sa bahay niya. Hindi naman siguro pupunta ang mga ito ngayon sa bahay niya kung hindi importante ang nais ng mga ito sa kaniya.

"Can we pasok-pasok muna to your house? It's so init here sa outside." maya-maya ay reklamo ni Felix nang akmang sasagot si Alfred sa tanong ni Jazley.

Mahina namang natawa si Jazley doon. Hindi niya napigilan dahil sa kulit ng boses nito.

"Felix, umayos ka." warning ni Shawn sa kapatid na ngumuso lang. Hindi napigilan ni Jazley ang ngumiti.

"Shit, ang cute nila. Fuck, I missed them." Jazley whispered then bit his lower lip.

"Oo nga naman, Felix's right. I'm sorry. Pasok muna kayo." sabi ni Jazley at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok sila.

"Wait, how did you know my name?" maya-maya ay tanong ni Felix nang makapasok sila sa loob. Natigilan naman si Jazley.

"Narinig ko sa kuya mo kanina no'ng sinaway ka niya." sabi niya. Naalala ang pagtawag ni Shawn kay Felix kanina nang sawayin ito ni Shawn.

"Oh, right. Sorry, I forgot." Felix said and chuckled. Jazley just smiled. Nakahinga nang maluwag dahil nakalusot.

Tahimik lang naman na nakasunod sa kaniya ang pamilya. Balak niyang dalhin ang mga ito sa office niya dito sa bahay nila. Yes, may office siya dito.

Nahinto lang sila sa paglalakad nang madaanan nila si Dhianne at Marcelo.  Hindi pa man sila nakakalapit doon kanina ay rinig na rinig na ang halakhak nilang dalawa.

"Hala, kuya naman. H'wag gano'n." rinig nilang sabi ni Dhianne kay Marcelo. Naglalaro na pala kasi ang dalawa ng chess.

Napangiti naman si Jazley sa nakita. Habang ang pamilya Fernandez ay hindi mapigilan ang maging emosyonal dahil nakita na nila ang anak nilang babae.

Kagat-kagat ni Vaxton ang ibabang labi habang nakatingin kay Dhianne na malaki ang ngiti sa labi. Si Felix naman ay nakatitig lang sa kapatid na nakaawang pa ang labi habang si Shawn ay nagpipigil na tumakbo palapit kay Dhianne para sugurin ito ng yakap. Ang mag-asawa naman ay pigil na pigil ring ilabas ang kanilang emosyon.

Their Long Lost Sister जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें