CHAPTER 40

464 22 5
                                    

"Are you ready, princess?" tanong ni Alfred sa anak.

Ito na kasi ang araw na tatanggalin na ang benda sa mukha niya.

Isang linggo na kasi ang nakalipas nang umpisahan ng operahan ang mukha ni Dhianne para ibalik sa dati ang mukha nito.

Ngayon nga ay kinakabahan si Dhianne. Bago pa man mag-umpisa ay talagang kinakabahan na siya. Halos hindi rin siya makatulog nang maayos dahil sa kakaisip kung anong mangyayare sa kaniya.

"Yes po, Daddy." sagot ni Dhianne sa ama na ngumiti lang at tinanguan na ang doctor para bigyang hudyat na pwede na nitong tanggalin ang benda.

Sa loob ng kwarto ni Dhianne ay nando'n ang lahat ng pamilya niya. Mga kuya niya at mga magulang niya. Silang pamilya ay kumpleto.

Habang unti-unting tinatanggal ng doctor ang benda ni Dhianne ay nakatingin lang ang lahat sa kanila. Naeexcite na silang makitang muli ang mukha nito.

Si Dianna nga ay nakangiting nakayakap sa bewang ng asawang si Alfred habang si Alfred naman ay akbay ito. Tutok na tutok lang ang mga mata nila kay Dhianne.

Nang tuluyan ng matanggal ng doctor ang benda ni Dhianne ay hindi napigilan ng pamilya ni Dhianne ang mapaluha.

"My daughter. You're so beautiful." Dianna whispered while sobbing sa sobrang saya dahil sa wakas, naibalik na ang mukha ng kanilang anak.

"P-pwede pong makahiram ng salamin?" kinakabahang tanong ni Dhianne.

"Of course, dear." the doctor said at naglakad ito palayo sa kaniya para kunin ang salamin at ng makuha ay muling bumalik sa kaniya para iabot 'yon.

Nang tuluyang mahawakan nga ni Dhianne ang salamin ay agad niyang tinitigan ang mukha. Hinawakan niya pa ito habang hindi na napigilan ang mapaluha.

"So proud of you, princess." nakangiting sabi ni Jhacey na nasa tabi na ni Dhianne na hindi niya napansin.

Sa sobrang abala niya sa pagtingin sa mukha niya ay hindi niya namalayan na nilapitan na siya ng mga kuya niya, na nasa tabi niya na ang mga ito.

Malayo kasi ang mga ito sa kaniya kanina para bigyan sila ng space ng doctor.

"Thank you po sa inyong lahat." naluhang sabi ni Dhianne at itinabi ang salamin saka niyakap niya sa bewang si Jazley na siyang nasa kanan niya.

Nakangiting niyakap din naman siya nito at bahagya pang yumuko para halikan siya sa noo. Napangiti naman ang mga magulang nila dahil sa nakita.

Pagkatapos no'n ay may sinabi lang sa kanila ang doctor. May pinaalala sa kanila na mga dapat at hindi muna dapat gawin ni Dhianne at pagkatapos no'n ay umalis na rin ito.

Naiwan na silang pamilya doon. Nagkaroon lang din naman sila ng konting chikahan. Baka mamaya lang din ay umuwe na sila sa bahay nila.

"Papunta na daw dito ang mga kaibigan mo, princess." maya-maya ay sabi ni Jazley sa kapatid.

Alam kasi ng mga ito na ngayong araw tatanggalin ang benda sa mukha niya at gusto ng mga ito na mabisita siya. Mahigit isang linggo rin ata siyang hindi nakapasok sa skwelahan dahil sa operasyon niya.

"Excited silang makita ka sa ganiyang mukha, lalo na si Katey dahil ito raw ang unang beses na makikita niya ang totoo mong mukha." sabi pa ni Jazley na ikinangiti lang ni Dhianne.

Kilala na rin ng pamilya ni Dhianne si Katey. Pinakilala niya ito nang minsang dalhin niya ito sa bahay nila. Agad naman siyang nagustuhan ng pamilya niya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now