CHAPTER 10

1.1K 42 13
                                    

"Hello, Mama? Kumusta ka na? Miss na miss na kita, Mama." sunod-sunod na sabi ni Dhianne habang hinahaplos ang puntod ng Mama niya.

Kakatapos niya lang ding lagyan ito ng bulaklak at sindihan ng kandila pati na ang pagdasalan ito.

Ilang buwan na rin siyang hindi nakadalaw dito kaya babawi daw siya ngayon.

"May ipapakilala nga pala ako sa 'yo, Mama." sabi ni Dhianne at tiningnan si Jazley na nakatayo lang sa tabi niya.

"Tara dito, kuya. Upo ka sa tabi ko." sabi ni Dhianne at tinapik pa ang damuhan na kinauupuan niya.

Nakangiti namang naupo si Jazley sa tabi ni Dhianne. Dito sila dumiretso pagkatapos nilang kumain sa Jollibee.

"Mama, siya nga po pala si kuya Jazley. Siya po ang tumulong sa 'kin. Sobrang bait niya po, Mama." Dhianne said and Jazley just smiled while staring at the tomb of Dhianne's mother.

"Hello po, tita. H'wag na po kayong mag-alala kay Dhianne. Ako na pong bahala sa kaniya." Jazley said with a smile on his lips.

Napangiti lang naman si Dhianne dahil sa narinig at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay.

"Sorry, Mama, ha? Kung p-pinakulong ko si Papa." maya-maya ay sabi ni Dhianne kaya nilingon na siya ni Jazley.

"Ayaw ko po sana na ipakulong siya kaso baka po mas lalo siyang mapariwara kapag nandito siya sa labas, na baka may iba pa po siyang masamang magawa kaya po nagdesisyon na lang ako na pumayag sa gusto ni kuya Jazley na ipakulong siya. Sorry po, Mama. Ayaw ko na rin po kasing masaktan ni Papa, eh." Dhianne said at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata niya.

Malungkot lang na nakatingin si Jazley kay Dhianne. Hindi niya alam kung anong gagawin pero hinayaan niya na lang muna si Dhianne sa ginagawa nito ngayon.

Ramdam niyang gusto nitong maglabas ng sama ng loob sa Mama niya kaya hinayaan niya ito at nanatili lang sa tabi nito at nakinig na lamang.

Maraming sinabi at kwenento si Dhianne sa Mama niya at lahat ng 'yon ay narinig ni Jazley. Minsan ay kinakausap niya rin ang Mama nito hanggang sa silang dalawa na ulit ang nag-uusap.

Ilang oras din ata silang nandoon bago nagdesisyong umuwe na. Hapon na rin at hindi nila namalayan 'yon.

"Paalam na po, Mama. Sa sunod na lang po ulit. I love you po, Mama. Bantayan mo po ako, ha? Bantayan mo po kami nila kuya Jazy." huling sabi niya at muling hinaplos ang puntod ng nanay niya.

Kitang-kita niya ang nakasulat doon at napakasakit sa kaniya ng katotohanan na kahit kailan ay hindi na niya mararamdaman pa ang yakap at halik nito. Na hindi niya na maririnig pa ang napakalambing na boses nito.

"Bye po, tita." paalam din ni Jazley at marahang hinawakan ang puntod nito sabay ngiti.

Pagkatapos no'n ay inaya na niya si Dhianne sa kotse niya para umuwe na sila. Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik silang dalawa.

Ramdam ni Jazley ang lungkot ni Dhianne. Habang pasimple niya itong pinagmamasdan sa salamin na nasa harapan niya ay kitang-kita niya ang lungkot at pangungulila sa mga mata nito.

Napabuntong hininga na lang siya at nag-isip kung paano niya ito mapapasigla ulit.

* * *

"Hey, Josephine? How are you?" pagkumusta ni Vaxton sa pinsang si Josephine. Kausap kasi nila ito ngayon via video call.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now