CHAPTER 3

1.1K 47 2
                                    

Napangiwi si Dhianne ng maramdamang kumirot ang ulo niya. Buntong hininga siyang huminto sa paglalakad at sandaling pumikit at hilutin ang sintido.

Aware siyang may lagnat siya ngunit hindi siya pwedeng magpahinga dahil kailangan niyang magtrabaho. Buti nga at wala siyang pasok ngayon sa school.

Mas gugustuhin niyang magtrabaho na lang kaysa ang magpahinga sa bahay nila dahil alam niyang hindi rin naman siya makakapagpahinga doon dahil sa ama niya.

Nang mahilot ang sintido ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Papunta siya ngayon sa karinderya para magtrabaho.

Naghihintay siya ngayon na tumigil ang mga sasakyan para makatawid siya. Papikit-pikit pa ang mata niya dahil sa panghihina.

Gano'n na lang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang isang tumatakbong aso na tumawid sa kalsada.

"Hala!" singhap niya ng makitang mababangga ito ng isang sasakyan.

Walang pagdadalawang isip siyang tumawid kahit na may umaandar pang mga sasakyan para lang maligtas 'yung aso.

Maraming napapreno dahil sa biglaang pagtawid niya ngunit hindi niya 'yon pinansin at hinabol ang aso.

Nang maabutan ay dali-dali niya 'yong binuhat at natumba pa siya dahil sa biglaang pagbuhat niya sa aso. Mahigpit ang kapit niya dito ng bumagsak silang dalawa.

Napangiwi pa nga siya dahil masakit ang pagbagsak niya. Mukhang nasugatan siya pero hindi niya 'yon pinansin.

"Hoy, bata! Kung magpapakamatay ka, h'wag dito! Perwisyo ka!" She just winced sa sigaw ng lalaking muntik ng makasaga sa kanilang dalawa no'ng aso.

Hindi niya 'yon pinansin at tiningnan ang aso. Buti na lang sa may gilid sila ng kalsada bumagsak na dalawa.

"Ayos ka lang ba, hmm?" tanong niya sa aso na tumahol lang sa kaniya at dinilaan ang mukha niya. Bahagya siyang natawa dahil sa ginawa nito.

"Buti na lang naligtas kita." She whispered then kissed the dog's nose.

Nanghihina man ay dahan-dahan siyang tumayo buhat ang aso at naupo ng maayos sa gilid ng kalsada.

Sa isip ay sinasabi na magpapaliwanag na lang sa amo kung bakit siya nahuli ng pasok.

"Summer!" napaangat ang tingin ni Dhianne ng makarinig ng sigaw. Doon nakita niya ang isang lalaki na tumatakbo palapit sa pwesto nila.

Napatayo tuloy siya dahil baka ito ang may-ari ng asong niligtas niya. Napangiti siya ng tama ang hinala niya.

"Wala naman po siyang sugat." mahinhing sabi niya sa lalaki. Ang lalaki naman ay nakatingin lang sa kaniya, buhat na nito ang aso.

"Are you okay?" tanong ng lalaki na ikinagulat ni Dhianne. Hindi niya inaasahan ang tanong nito.

"Ah, o-opo." nahihiyang sagot niya na ikinangiti ng lalaki.

"What's your name?" the guy asked.

"D-dhianne po." Dhianne answered shyly.

"Hmm, thank you for saving my Summer, Dhianne." nakangiting sabi ng lalaki at ginulo pa ang buhok ni Dhianne.

Dhianne smiled and her heart warmed because of that. 'Yon ang unang beses na may gumawa no'n sa kaniya.

"You're welcome po." She said with a smile on her lips.

"By the way, saan ang punta mo? Hatid na kita o kung may gusto ka ba? Sabihin mo lang sa 'kin. Pasasalamat ko na sa 'yo sa pagligtas mo sa aso ko." sabi nang lalaki na ikinailing naman ni Dhianne.

Their Long Lost Sister Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon