CHAPTER 2

1.5K 45 1
                                    

"Dhianne, pakihugasan din ito, bilisan mo." sabi ng babaeng amo niya at inabot sa kaniya ang ibang hugasin.

"Opo." nakangiting sagot niya at kinuha ang mga huhugasan niya.

Napabuntong hininga pa muna siya ng titigan ang mga hugasin niya at maya-maya ay sinimulan na niyang hugasan ang mga 'yon.

Dalawang taon na siyang nagtatrabaho para may dagdag gastos siya sa pangkain nila at sa pag-aaral niya.

Tuwing uuwe galing school o walang pasok ay ang diretso niya ay sa karinderya para magtrabaho.

No'ng una ay ayaw siyang payagan na magtrabaho dito pero nagpumilit siya kaya walang nagawa ang may-ari kung hindi hayaan na lang si Dhianne.

Nang matapos sa paghuhugas ay inayos niya naman ito sa lalagyan. Hanggang 8 pm lang siya ng gabi dito dahil maghahanda pa siya ng pagkain ng tatay niya.

Gustuhin niya mang magpagabi ay hindi pwede dahil may inaasikaso pa siya sa bahay nila.

"Ate Marie, tapos na ho ako. Uuwe na po ako, salamat po." She said softly.

"Hmm, sige. Mag-iingat ka, ha? At oo nga pala, ito na ang sahod mo." sabi ni Marie at inabot kay Dhianne ang sahod nito.

Nakangiti naman itong tinanggap ni Dhianne at nagpasalamat bago umalis para umuwe na.

Pagdating sa bahay ay nakahinga siya nang maluwag ng hindi nakita doon ang ama. Nasa isip niya ay baka mamaya pa ito uuwe.

Bago pumunta sa kwarto niya para mag-aral ay hinanda niya muna ang pagkain ng ama at naglinis para hindi siya saktan nito pag-uwe mamaya.

"Ahm, paano nga ulit 'yon?" She whispered habang nakatingala. Inaalala kung paano isolve ang sinasagutan niyang math problem.

Napakamot na lang siya sa ulo niya ng hindi 'yon maalala. Wala siyang cellphone kaya hindi siya makakapag research at ayaw niya rin mag computer dahil hindi siya marunong.

Isa sa problema niya ang hindi pagkakaroon ng cellphone dahil tuwing kailangan nila magpractice at sabihin kung saan sila magkikita-kita or may mahalagang announcement ang teacher nila ay hindi niya 'yon nalalaman kaya minsan ay nasasabihan siya ng hindi maganda ng mga kaklase niya.

Lagi kasi siyang nahuhuli sa balita pero hindi niya naman 'yon ginusto. Gustuhin niya mang bumili ng cellphone ay hindi pwede dahil mahal 'yon. Mas gusto niya na lang na walang cellphone kaysa ang wala siyang makain sa araw-araw.

She just sighed then decided not to answer it. Sinabi niyang bukas na lang, papasok na lang daw siya ng maaga para magpaturo sa kaibigan niya.

So naghanda na lang siya para matulog dahil nawalan na rin siya ng mood na mag-aral pa. Itinago niya munang mabuti ang sahod niya, 'yung hindi makikita ng ama niya and then nagbihis.

Hinubad niya ang long sleeves niya at pants. Nagpalit siya ng pantulog niyang damit.

Nang makahiga ay tumulala muna siya at inalala ang masasayang araw kasama ang nanay niya. Napangiti pa siya nang malungkot.

"I miss you na, Ma. Pwede bang sunduin mo na 'ko, Ma? Pagod na kasi ako, gusto ko ng magpahinga." She said softly at nagsimula ng mamuo ang luha niya.

"A-ayoko na kasi, Ma. Ayoko na kaya sige na, oh, s-sunduin mo na 'ko." She begged, tumulo na ang luha sa mga mata niya.

Dahil na rin siguro sa pagod sa pagtatrabaho at pag-iyak ay nakatulog na rin siya agad. Walang araw at gabi na hindi siya umiiyak at sinasabi sa nanay niya na sunduin na siya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now