CHAPTER 17

811 38 1
                                    

Pagkauwe ni Jazy sa bahay nila ay agad niyang nakita si Dhianne sa may sala nila. Galing siyang site nila kung nasaan ang inaasikaso niyang bahay. Nakita niya si Dhianne na natutulog sa may mesa habang nakaupo sa sahig.

Ang kanang kamay ay naka straight habang ang isa ay nakapatong ang pisnge niya. Bahagya pang nakaawang ang labi. Napangiti si Jazy sa nadatnan.

"My sister is so cute haha." natatawang bulong niya at naglakad palapit dito para mag squat at hawiin ang ilang buhok na nasa mukha nito at ilagay sa likod ng tainga nito.

Pagod na pagod siya pag-uwe pero nang makita niya ang kapatid niya ay nawala ang pagod na iniinda niya. Ito rin ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang umuwe sa bahay nila araw-araw. Dahil sa kapatid niyang inaabangan din siyang umuwe.

Habang tinititigan niya ang kapatid niya ay nakangiti siya at nawala din agad nang pumasok na naman sa isip niya ang problemang hinaharap nila ng pamilya nila.

Nahihirapan kasi ang mga itong hanapin ang taong may gawa ng lahat ng ito sa kanila. Sa taong nagkidnap sa kanilang dalawa ng babae niyang kapatid at nagsabi sa mga magulang niya na patay na siya. Sa taong nagpahirap sa kaniya, sa lahat ng may pakana sa pagpapahirap sa pamilya nila. In short, ang taong malaki ang galit sa pamilya nila.

Naturingan silang maraming connection at mayaman ngunit nahihirapan silang hanapin ito dahil na rin siguro malakas ang kapit nito o sadyang magaling lang talagang magtago o kung ano man.

Kahit naman na mayroon silang sapat na connection at mayaman sila ay mahihirapan pa din naman sila dahil lahat naman talaga ay gano'n. Kahit mayayaman ay nahihirapan din.

Ang problema ng pamilyang Fernandez sa organization ay unti-unti ng naaayos. Nakausap na rin ni Alfred ang pinaka boss at nasabi na dito ang lahat ng kailangang malaman nito, isa na doon ang tunay na ganap o pangyayari sa buhay ng anak nitong babae na si Dhianne.

Si Jazy naman ay walang alam sa organization na 'yon dahil hindi pa siya agad sinali doon ng Daddy niya at hindi pa ito sinabi sa kaniya no'ng maliit siya dahil balak ng mga ito sabihin dito ay kapag 10 na siya at isasali kapag 13 na dahil 'yun naman talaga ang dapat.

Hindi na 'yon nangyare dahil nga kinidnap si Jazy at pinamukha sa mga magulang niya na wala na siya, na patay na siya. Dahil sa mga nangyare.

"Hello, kuya Jazy. Nandito na po pala ikaw." naupo nang ayos si Jazy nang magising si Dhianne at nag-angat na ng ulo at tiningnan siya nang may ngiti sa labi.

Balak niya pa sanang buhatin ito at ilipat sa kwarto nito pero nagising na pala ito kaya hindi na niya natuloy pa ang balak niyang gawin.

Mag-iisang linggo din kasi siyang hindi nakauwe sa bahay nila. Simula no'ng umalis siya para puntahan ang kaibigan dahil nasiraan ito ng kotse.

Pauwe na siya nang bigla siyang tawagan ng isa sa mga tauhan nila na nasa site. Kailangan daw siya doon kaya napapunta siya doon nang wala sa oras.

May mahalaga silang inaasikaso kaya natagalan siya sa pag-uwe. Alam naman ni Dhianne dahil nagsabi siya dito. Tinawagan niya si Dhianne nang nagkaroon siya ng oras na gawin 'yon.

Kwenento rin ni Dhianne kay Jazy ang lahat ng ginawa nila kasama ang tatlo pa nilang kapatid. Nakangiti nga lang si Jazy habang nakikinig sa kwento ng bunsong kapatid.

Sinabi pa ni Dhianne kay Jazy na sana daw ay kasama na si Jazy sa susunod para mas masaya daw. Pakiramdam daw kasi ni Dhianne ay may kulang at si Jazy 'yon.

Buti na lang nasa loob na ng kotse niya ang mga kailangan niya para sa trabaho niya. Nalaman niya nga din na umalis si Dhianne at ang iba pa nitong mga kapatid dahil nagsabi sa kaniya si Shawn.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now