CHAPTER 30

642 30 7
                                    

"So ano ng plano niyo? Nararamdaman ko ng malalaman na nila lahat ng baho niyo, lahat ng ginawa niyo sa pamilya nila, lalo na ngayon na nagsisimula na silang imbestigahan kayo." sabi ng dalaga sa dalawang taong kaharap niya.

"Wala akong pakealam kung malaman nila lahat. Lahat ng ginawa ko, namin. Hinihintay ko ngang malaman na nila at makita ang magiging reaction nila."  ngising sabi ng lalaki.

Nakaupo siya sa swivel chair niya sa opisina niya sa bahay nila habang nakatayo sa gilid niya at akbay siya ng asawa niya.

"Kasama na sa plano namin 'yon, ang magpakita na lang basta sa kanila. Na tumira dito sa Pilipinas. We also know that nasa kanila si Suzainne at lumayas siya. Hinayaan namin silang makasama si Dhianne nang medyo matagal para maguluhan sila. Marami pa silang hindi alam. Kawawa naman sila dahil hindi nila alam na si Suzainne talaga ang tunay nilang kapatid at peke ang kasama nila." sabi ng babae, asawa ng lalaki at tumawa pa ito na ikinangiti lang din ng asawa niyang lalaki.

Habang ang dalagang kaharap nila ay napairap na lang habang magkacross ang dalawang kamay sa dibdib.

"Hindi ba kayo napapagod? Sobra na ang ginagawa niyo. Are you not scared sa mangyayare sa inyo once na malaman na nila ang totoo? Ang swerte niyo lang dahil hindi nila kayo agad nahahanap kahit na may sapat naman silang kapangyarihan para mahuli o mahanap kayo. Galing niyo rin magbalat kayo, eh. Ilang years na nila kayong pinaghahanap, but here you are. Nagagawa niyo pang magsaya." sabi ng dalaga na ikinatawa lang ng mag-asawa.

"We're not scared if mahuli nila kami. I don't care about that, all I care for now is make them suffer. I want them die." seryosong sabi bigla ng lalaki at napakuyom ng kamao.

"Bakit ba galit na galit kayo sa kanila? Alfred is your brother, right? Bakit ganiyan ka? Kayo?" takang tanong ng dalaga.

"It's none of your business. Alam mo, kaysa ang magtanong ka nang magtanong sa 'min dito, umuwe ka na lang sa kanila at ayusin mo ang pagpapanggap mo bilang Dhianne. Once na malaman nilang hindi ka si Dhianne, bahala ka na sa buhay mo." sabi ng lalaki sa dalaga.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga. Simula pa lang ay ramdam niya na ang takot at kaba dahil alam niyang ano mang oras ay malalaman na ng Fernandez family na hindi siya ang totoong Dhianne.

Hindi niya alam ang pwedeng mangyare sa kaniya once na malaman ng mga ito ang totoo. Ngayon pa lang ay hinahanda niya na ang sarili niya at pinag-iisipan nang mabuti ang planong matagal niya ng iniisip.

"That son of a bitch. Paanong nabuhay pa 'yon? So ibig sabihin nagsinungaling sa 'kin ang tauhan ko noon? They told me that Jazley is dead, but why siya nandito? I really thought that Jazley is dead. Pinaniwala ko 'yun sa magulang niya tapos malalaman natin isang araw na buhay siya? Tapos harapan na natin siyang nakita kanina. He's really alive! Fuck!" gigil na sabi ng lalaki nang maalala si Jazley.

Back then, his brother called him and said that his son, Jazley, was alive. Natigilan siya nang mga oras na 'yon habang ang kapatid niyang si Alfred ay masaya lang siyang binabalitaan sa anak nilang si Jazley.

Labis ang galit niya nang malamang buhay pa ito. Matapos nga nilang mag-usap no'n ay naihagis niya ang cellphone niya. Hindi na rin sila nagparamdam dito matapos no'n.

Lahat ng masasayang sinabi niya noon sa kapatid dahil sa sinabi nito sa kaniyang buhay ang anak nito ay peke lang. Hindi totoo, nagsinungaling lang siya na masaya siya sa ibinalita nito.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now