CHAPTER 16

853 42 5
                                    

"Look, kuya Jazy. It's cute, 'di ba?" buong galak na sabi ni Dhianne kay Jazley habang pinapakita dito ang isang aso na nakita niya sa daan.

Maliit na aso pa lang 'yon. Nakita niya sa daan habang naglalakad siya pauwe sa bahay nila. She loves animals that's why kinuha niya ang aso.

Naawa din kasi siya dito kaya kinuha niya na. Naisip niya rin na para may kalaro na rin si Summer kaya inuwe na niya ito. Sinigurado niya rin muna na walang may nagmamay-ari dito.

"Hmm, kasing cute mo. Gusto mo siyang alagaan?" ngiting sabi naman ni Jazley kay Dhianne na hindi mawala ang ngiti sa mga labi.

"Opo, pwede po ba?" Dhianne asked. Nagpuppy eyes pa kay Jazley kaya hindi napigilan ni Jazley ang matawa sa kakyutan ng kapatid niya.

"Of course! Besides, inuwe mo na nga, eh." natatawang sabi niya at ginulo pa ang buhok ni Dhianne na bumusangot lang habang hinahaplos ang balahibo ng aso na buhat niya.

"Naawa kasi ako sa kaniya, kuya, eh. Mukhang hindi siya nakakakain ng maayos kaya inuwe ko na lang siya para maalagaan tsaka para may kalaro na rin si Summer." sabi ni Dhianne na ikinangiti lang ni Jazley.

Nasa isip ni Jazley na baka nakuha ni Dhianne ang pagkahilig niya sa mga hayop, lalo na sa aso. Ayos lang naman kay Jazley kung gusto itong alagaan ni Dhianne. Kung ito ang nagpapasaya sa kapatid niya ay hahayaan niya ito.

"That's good, then." Jazley just said while looking at her sister.

Tawa lang naman nang tawa si Dhianne habang nakikipaglaro na ito sa aso na pinangalanan ng Whinnie ni Dhianne.

Hindi alam ni Jazley kung bakit Whinnie ang ipinangalan ng kapatid niya sa aso pero hinayaan niya na lang dahil alaga naman ito ng kapatid niya at maganda naman ang pangalan.

"Akyat lang muna po ako, kuya. Paliguan ko lang po siya tapos pakainin." maya-maya ay paalam na ni Dhianne.

Holiday ngayon kaya nasa bahay ngayon si Dhianne. Wala silang pasok. Nagpunta lang ng seven eleven sa may labas ng village nila si Dhianne para bumili ng gusto nitong pagkain nang makita ang aso ng pauwe na.

"Hmm, okay. If you need me, nasa office lang ako." sabi din ni Jazley at tumango lang naman si Dhianne at nagpaalam na ulit sila sa isa't isa.

Nang masiguro niyang nakapasok na si Dhianne sa kwarto nito ay doon lang siya naglakad papunta sa office niya para umpisahan na ang trabaho niya.

"Kailangan ko pa lang pumunta ng site bukas para tingnan 'yung ayos ng bahay." bulong niya habang tinitingnan ang floor plan.

He's an civil engineer. Tatlong taon na rin siya sa trabaho niya. Matagal na talaga niyang pangarap ang maging isang engineer kaya sobrang saya niya na nakapasa siya sa board exam at maging legal na engineer na.

Hindi niya nga lang din maiwasan na malungkot dahil hindi niya kasama ang pamilya niya sa mahalagang araw na 'yon para sa kaniya.

Natigil lang siya sa ginagawa nang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sinong natawag ay kaibigan niya lang pala na si Marcelo.

"Ano naman kayang kailangan nito?" bulong niya bago sinagot ang tawag.

"Oh?" agad na bungad niya pagsagot niya nang tawag.

Rinig niya naman agad ang malutong na mura sa kaniya ng kaibigan niya na ikinatawa niya na lang.

"Puntahan mo nga ako dito, pre. Tangina, nasiraan ako ng sasakyan." inis na sabi ng kaibigan niya na ikinailing niya lang.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now