CHAPTER 33

598 31 13
                                    

Matapos nga ng kwenento ni Oliver ay natahimik ang lahat. Wala ni isa ang kumilos. Kahit na gusto ng sugurin ng magkakapatid ang tito nila ay pinigilan nila ang mga sarili na gawin 'yon.

Maririnig lang ay ang hikbi ni Dianna. Hindi nito lubos maisip na ganito ang nangyayare sa kanila. Hindi niya alam kung bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat.

"So quiet, tsk. By the way, let me continue my story. This is the exciting part of the story." maya-maya ay salita ulit ni Oliver.

Hindi naman nagsalita ang pamilya Fernandez. Hinayaan lang nila ito sa gusto nitong gawin. Makikinig lang sila sa ikwekwento nito, lalo na at pakiramdam nila ay may makukuha silang sagot sa sasabihin nito sa mga tanong na namuo sa isip nila.

"No'ng nalaman nilang nagising na ang nag-iisa nilang prinsesa ay natuwa sila. Buong akala nila ay magiging masaya na sila matapos no'n. After ng ilang taon, naging masaya sila sa piling ng ibang tao. Sa taong hindi naman nila kaano-ano. Hindi nila alam na ginaya lang ng taong 'yon ang mukha ng kapatid nila para malinlang sila. Buong pagkatao ng kapatid nila ay ginaya ng pekeng taong nakakasama nila. That person acted so well that they did not realize that this was not their real princess. Kuhang-kuha kasi nito ang itsura, ugali, boses at iba pa ng totoong kapatid nila. Hindi nila alam na ang taong nagising ay hindi na nila prinsesa." nakangising sabi nito.

Sumipol pa ito bago muling nagsalita para ipagpatuloy ang kwento kuno nito sa kanila.

"And they didn't know na ang totoo nilang kapatid ay iba na ang itsura kaya nang muli silang magkita at magkaharap ay hindi nila ito namukhaan o nakilala dahil nga sa iba na ang mukha nito. Do you want to know why? Of course, yes haha. Back then, habang wala sila, wala silang lahat sa room ng prinsesa nila ay may pumasok doon para kuhanin ang original na prinsesa nila at ipalit ang pekeng prinsesa nila. Hindi nila alam na habang nagsasaya sila kasama ang pekeng prinsesa kuno nila ay comatose pa rin ang totoo nilang prinsesa at naghihirap nang magising at wala itong maalala. The mastermind ay pinaretoke niya ang mukha ng kanilang prinsesa nang makuha siya, habang comatose ito. Isang taon din siyang na-comatose at walang naaalala ang babaeng 'yon nang magising. Hindi nito naaalala ang pamilya niya, at kung sino siya. And of course, I know you already know kung kaninong story ang sinasabi ko, am I right? It's your story, guys. So be thankful and say thank you haha. And yeah, the mastermind is already in front of you and your welcome." Oliver said then smirk. Kinindatan niya pa ang pamilya nila Alfred.

Tuwang-tuwa sa ginagawa. Gustong-gusto niya ang nakikita niya ngayon. Natutuwa siyang makita ang reaction ng mga ito sa lahat ng sinabi niya.

"It's nakakapagod pala magsalita, ha?" sabi pa nito at tumawa.

"So nagustuhan niyo ba? Actually, pinaikli ko na lang ang story niyo. You're so tatanga HAHAHAHA." napahawak pa ito sa tiyan niya habang natawa.

Ang asawa niya naman ay napailing-iling na lang at hinayaan ang asawa niya sa pinaggagawa nito.

"Masaya 'yon? Masaya ka na diyan? Masaya ka na dahil nagtagumpay kang pahirapan ang pamilya namin?" Jazley said.

"Actually, hindi pa. Hindi pa ako kuntento. Kulang na kulang pa 'yung ginawa ko. Like I said earlier, I want all of you dead, so be ready." sabi nito nang nakangisi.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now