CHAPTER 29

537 29 3
                                    

Tahimik ang lahat habang nasa office sila ni Alfred. Alfred, Dianna, Jazley, Shawn, Vaxton and Felix lang ang nando'n. Hindi nila kasama si Dhianne at Suzainne.

May mahalaga kasi silang pag-uusapan at gagawin. Nasabi na rin niya sa pamilya niya ang mga nangyare at nalaman niya. Lahat-lahat ay sinabi niya, wala siyang inilim. Kung anong nangyare at pinag-usapan nila ng tita at tito niya ay sinabi niya sa pamilya niya.

Katulad niya ay hindi makapaniwala ang mga ito sa sinabi niya. Hindi inaasahan ng mga ito na magagawa ito sa kanila ng mag-asawa at kay Suzainne.

"So what we are going to do now? Are you really sure about that, kuya? Is they really hurting Suzainne? Is Suzainne really their daughter?" takang-takang tanong ni Vaxton. Hindi talaga makapaniwala sa sinabi ng kuya niya sa kanila.

"Yes, Vaxton. I'm telling the truth. Kung anong sinabi ko sa inyo, lahat 'yon ay totoo. Kung nakita niyo lang kung paanong manginig si Suzainne sa takot kahapon nang makita niya sina tita at tito ay malalaman mong lahat ng sinabi sa atin ni Suzainne ay totoo. Hindi rin ako makapaniwala na kayang gawin 'yon nila tita sa 'tin at sa anak nila mismo." sabi ni Jazley at napailing pa.

Kahit na hindi niya rin ito nakita nang matagal katulad sa pamilya niya ay kilala pa rin naman niya ang mga ito. Noong mga nakaraang taon ay ipinaalam na rin nila sa tita at tito nila na buhay siya. Matapos no'n ay wala na ulit silang balita sa mga ito.

"Sabi nila ay babalik sila dito at ngayong araw 'yon. Babalik daw sila para kunin si Suzainne. 'Yun ang hindi ko hahayaang mangyare. I'm sorry, Dad, but if napatunayan talagang may kasalanan sila hindi ako magdadalawang isip na ipakulong sila." seryosong sabi ni Jazley habang nakatingin sa Daddy niya na seryoso lang din naman ang mukha.

"Don't worry, son. Nagulat ako sa sinabi mo, but if that's the truth, then it's okay with me to jail them. They need to face their consequence. Masakit para sa 'kin ang mga nalaman ko dahil kapatid ko ang tito niyo. I didn't expect that magagawa nila ito kay Suzainne. We didn't know that she's our niece and your cousin. But I'm glad that napunta siya sa 'tin. Kahit ako ay hindi ko hahayaang makuha nila si Suzainne kahit na anak pa nila 'yon kung gano'n lang din naman ang ginagawa nila sa bata." mahabang sabi ng Daddy niya.

Bumuntong hininga na lang siya matapos niyang tumango sa sinabi nito. Hindi niya na maintindihan ang nangyayare. Mababaliw na ata siya.

Matapos ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita si Jazley. May naalala kasi siya na nakalimutan niyang gawin.

"Nakalimutan ko pa lang panoorin ang cctv footage sa office ko kung saan ko sila hinayaan na mag-usap." sabi niya na ikinataka ng pamilya niya.

Nawala na sa isip niya 'yon kahapon dahil naging abala siya sa pagpapakalma kay Suzainne. Hindi niya na rin naman ito tinanong ng kung anong nangyare dahil ramdam niyang ayaw nitong magsalita.

Kaya imbis na mag-ala question and answer sila ay nanatili na lang siya sa tabi ni Suzainne. Nasasaktan din siya para rito.

Sa sobrang kakaiyak nga ni Suzainne kahapon ay inatake ito ng hika na sobrang ikinatakot at ikinakaba ni Jazley.

Nataranta siya no'n, buti na lang at dala ni Suzainne ang inhaler niya kaya kumalma rin naman siya makalipas ng ilang minuto.

Nakatulog na lang din si Suzainne sa sobrang kakaiyak. Hindi maiwasang maawa ni Jazley kay Suzainne.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now