CHAPTER 28

575 39 6
                                    

"What?" gulat na sabi ni Jazley nang marinig niya ang tinawag ni Suzainne sa tita at tito niya.

Nagtatakang pinabalik-balik niya ang tingin sa tatlo. Ang tita at tito niya naman ay nanatili lang seryoso ang mga mukha. Ni hindi man lang nagulat.

"Sila 'yung magulang mo, Suzainne?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jazley kay Suzainne. Nakatingin siya kay Suzainne habang tinatanong 'yon.

Kagat ang ibabang labi na tumango si Suzainne. May natulong luha sa mga mata niya. Hindi naman alam ni Jazley ang gagawin.

Hindi pa gano'n nagsisink-in sa kaniya ang nalaman. Parang gusto niyang matumba na ewan.

"Tita, tito. Why didn't you tell us that you had a daughter?" takang tanong ni Jazley sa tita at tito niya.

"Long story, darling. We will explain later. We just need to talk and ask our daughter what she's doing here." His Aunt said and smiled at him then looked at Suzainne who was stunned where she was standing.

Nang tingnan naman ni Jazley si Suzainne ay ramdam at kita niya sa mukha nito ang kaba at takot. Hindi na nga makagalaw sa kinatatayuan.

"Sorry, tita, but hindi ko kayo papayagan na kausapin si Suzainne." seryosong sabi ni Jazley dahilan para tingnan siya ng tatlo. Isa na si Suzainne doon, siyempre.

"Why? We need to talk her. We're surprised that she's here that's why hindi kami nakapagsalita agad kanina. We have been looking for her for almost a week then malalaman namin nandito lang siya? Naglayas siya, Jazley that's why we need to talk to her." seryoso ding sabi ng tita niya.

Habang tinititigan ni Jazley ang tita niya ay may napansin siyang kakaiba dito na ngayon niya lang napansin.

"Then what are you doing here if hinahanap niyo siya? Bakit hindi niyo rin sinabi na matagal na pala kayong nandito sa Pilipinas? Ni hindi ko nga rin ramdam na sincere kayo sa sinasabi niyong hinahanap niyo siya, lalo na ang sinasabi niyong nagulat kayo na nandito siya. Mas ramdam ko pang expect niyong nandito siya. At bakit siya naglayas sa inyo? Hindi naman siguro siya maglalayas if wala kayong ginagawang hindi maganda sa kaniya, 'di ba?" sabi ni Jazley.

Hindi niya inaalis ang tingin sa dalawang taong kaharap niya. Natigilan naman ang mag-asawa.

Kung kanina ay masaya siya dahil muling bumisita sa kanila ang tita at tito niya na matagal ng hindi na nakakabisita sa kaniya, ngayon ay hindi na.

Lalo na nang malaman niyang ito ang magulang ni Suzainne na nananakit sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ang dalawang mahalaga sa buhay niya ay siyang nagpapahirap kay Suzainne.

Kahit na kamag-anak niya ito at kung gano'n ang trato nito kay Suzainne ay hindi niya palalampasin 'yon. Hindi niya itotolerate ang gano'n. Wala siyang pake kung kamag-anak niya pa ito. Ipapademanda niya ito kapag napatunayan niyang sinasaktan ng mga ito si Suzainne.

Buong akala niya ay nasa Brazil pa rin ang dalawa kaya nagulat siya nang malamang biglang sumulpot ang dalawa sa bahay nila.

Nagulat din siya na mahusay ng magtagalog ang mag-asawa. Kung dati ay hindi nagsasalita ng tagalog ang mag-asawa dahil hirap ang mga ito sa salitang 'yon, ngayon ay gamay na ng mga ito ang tagalog. Akala mo nga ay sobrang tagal na nilang nasa Pilipinas dahil sa paraan ng mga ito sa pagsasalita ng tagalog.

Ang kapatid niya ngang si Felix ay nahirapan magtagalog at natagalan bago tuluyang matutong magsalita ng tagalog tapos ang tito at tita niya na hindi pa lumalagpas ng limang taon ang paninirahan sa Pilipinas ay mahusay na sa salitang 'yon.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now