CHAPTER 8

1K 44 6
                                    

"What?" gulat na sabi ng Mommy nila sa sinabi ni Shawn. Even his Dad gasped in shock.

"Really, kuya? Oh my... shit!" Vaxton said and bit his lower lip. Si Felix ay natameme lang.

"Nakita ko na siya and pinakita sa 'kin ni Josephine ang picture niya that's why this picture is familiar to me." Shawn explained then pinunasan ang pisnge nang maramdamang tumulo ang luha niya.

Nanghihinang nasapo ng ina nila ang bibig nito at saka napahagulgol nang iyak. Hindi makapaniwalang malapit lang pala sa kanila ang anak nila.

"Wait, ipapakita ko sa inyo ang pictures nilang magkasama silang dalawa." Shawn said and immediately took his phone in his pocket.

Nang makuha ay agad niyang inistalk ang pinsan sa facebook. Marami itong post na picture na silang dalawa lang. Mahilig magpost ang pinsan niya kaya malakas ang pakiramdam niya na marami itong picture nilang dalawa sa timeline nito.

Agad siyang napangiti ng tama ang hinala niya. Habang nagscroll siya sa timeline ng pinsan niya ay nakita niya din doon ang picture ng dalawa no'ng birthday ni Marinela.

"This, look." sabi ni Shawn at pinakita ang picture sa pamilya niya. Ang picture na pinakita niya ay kuha 'yon no'ng birthday ni Marinela.

"Oh, nakita ko na rin siya." gulat na sabi ng Mommy nila habang tinuro pa ang picture.

Nanlalaki ang mga matang nakatingin siya sa pamilya niya. Hindi pa rin makapaniwala sa nalaman.

"S-siya 'yung kwenento ko sa inyo na n-nakabanggaan ko sa birthday ni Marinela." dagdag na sabi ng Mommy nila and gasped. Nagulat din sila Shawn sa sinabi nito.

Iba kasi ang mukha at ayos no'ng nasa cellphone at ang nasa papel kung kaya't hindi ito agad namukhaan ni Mrs. Fernandez nang makita ang picture na nakaprint lang.

"Oh my gosh! I- we didn't know that... that she's just near us, that abot kamay ko na ang prinsesa ko." hindi na makahinga ng maayos si Mrs. Fernandez sa kakaiyak.

Umiiyak na niyakap siya ng asawa niya para pakalmahin. Hindi maiwasan ng lahat na umiyak dahil sa magandang balitang nalaman nila ngayon.

"Fuck." Vaxton whispered then closed his eyes when a tear fell from his eyes.

Si Felix naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nalaman pero masaya siya dahil sa wakas alam na nila kung nasaan ang kapatid nila.

"Ahm, excuse lang po. Pina dna test na rin namin siya tulad ng gusto niyo kapag nakita na namin ang anak niyo, heto po." maya-maya ay singit ng tauhan at inabot ang brown envelope.

Kinuha naman 'yun ni Shawn dahil hindi magawang kunin 'yun ng nanay niya dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

Buntong hiningang binuksan ni Shawn ang envelope at binasa ang laman ng papel.

Habang binabasa ang papel ay hindi na niya napigilan ang lumuha nang sunod-sunod.

"Fuck, it's positive. She's really our princess." He said then look at his family.

"Shit, finally!" Felix shouted, sumuntok pa siya sa hangin sa sobrang tuwa. Ni hindi niya na namalayan na tumutulo na rin ang luha niya.

"Love, f-finally. We found our princess." Mrs. Fernandez said at tumango-tango lang si Mr. Fernandez habang naluha na rin. He even kissed his wife's forehead in happiness.

"Wah, I'm glad that finally, kuya we found our long lost sister!" tuwang-tuwang sigaw ni Felix habang nagtatatalon-talon.

Nakangiting napapailing lang si Shawn habang nakatingin sa kapatid at ang tauhan ay nakangiti lang din siya. Pakiramdam niya kasama siya sa pamilyang 'to dahil kahit siya ay masaya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now