CHAPTER 22

839 35 3
                                    

"I hope we can finally live happily, love." Dianna said while combing her daughter's hair. Kakatulog lang nito, napagod sa kakaiyak.

Kakatapos lang kasi nilang sabihin dito ang totoo. Ang totoo nilang ugnayan sa isa't isa. Yes, sinabi na nila kay Dhianne kung ano nila ito.

Pinalipas muna nila ang isang linggo matapos nitong magising sa matagal na pagkaka-comatose bago sabihin ang totoo.

Todo iyakan sila kanina dahil sa mga pinag-usapan nila. Sobrang saya nila dahil sa wakas ay nasabi na rin nila sa prinsesa nila ang matagal na nilang gustong sabihin dito.

Kapag tuluyan ng nakalabas si Dhianne sa hospital ay babawi na sila dito. Sisimulan na nilang bumawi kay Dhianne.

Wala din itong amnesia na akala nila. Biniro lang sila nito. Para silang nabunutan ng tinik matapos malaman na wala naman pa lang amnesia si Dhianne.

Sobra silang kinabahan at natakot no'ng una dahil buong akala talaga nila ay may amnesia ito buti na lang at agad na binawi nito ang sinabi.

Sa nakalipas ring isang linggo ay nagsimula na ang therapy ni Dhianne. Nag therapy siya sa muling paglakad niya at iba pa. Unti-unti na rin namang nagiging ayos ulit si Dhianne basta ba ay ipagpatuloy lang nito ang therapies niya.

"Mom, Dad." napalingon ang mag-asawa sa likuran nila ng marinig nila ang pagtawag sa kanila ng anak na si Shawn.

"Yes, son?" Dianna asked sweetly.

"Can... Can we talk?" Shawn asked.

Nagkatinginan ang mag-asawa at maya-maya ay tumango din kaya napangiti si Shawn. Mukhang seryoso kasi ang anak nila na lagi naman kaya pumayag sila.

Umayos silang tatlo at hininaan ang mga boses para hindi magising si Dhianne. Ang tatlong lalaki naman ay nasa labas. Si Felix ay pumasok dahil may pasok pa siya sa klase niya at ang dalawa ay may inasikaso. Nagdesisyon na rin kasi silang mag transfer si Felix sa Pilipinas sa pag-aaral niya.

"Are you... Are you sure that kuya Jazz is dead?" Shawn started and his parents froze.

"Yes? Why are you asking?" kunot noong tanong ni Alfred matapos sagutin ang tanong ng anak matapos matigilan nang ilang minuto.

"That's not true, Mom, Dad." Shawn said dahilan para mapakunot ang noo ng dalawa.

"What do you mean, anak?" takang tanong ni Dianna.

"Are you saying that your kuya Jazz is alive?" Alfred asked.

Natigilan naman si Dianna at nilingon ang katabing asawa na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa anak.

"Yes, Dad." mabilis na sagot ni Shawn dahilan para mapasinghap si Dianna at matigilan si Alfred.

"T-that's not true, anak. Nilibing na natin ang katawan ng kuya mo 'di ba? Ano ba 'yang sinasabi mo?" nagsisimula ng mamuo ang luha ni Dianna habang sinasabi 'yon.

"Hindi si kuya Jazz ang inilibing natin, Mom. Kuya Jazz is alive. I'm telling the truth." Shawn said and Dianna just shook her head. Nagsimula ng mapaluha. She's a crybaby talaga pagdating sa pamilya niya.

"H-how? Paano mo nasabi, anak? Is that true? Are you really telling the truth?" umaasang tanong ni Dianna sa anak at tumango lang naman si Shawn.

"Where is he, then? Paano mo nalaman, nasabi na he's alive?" Alfred asked, kunot ang noo. Umaasa rin sa sinabi ng anak.

"Narinig ko mismo sa bibig niya. Kasama lang natin siya, Mom, Dad." mas napasinghap si Dianna sa narinig.

Their Long Lost Sister Donde viven las historias. Descúbrelo ahora